Chapter 22

612 22 0
                                    

Napayuko ulit ako dahil sa nagbabadyang luha saaking mga mata.

Tumango ako at lumabas ng kanyang silid, Pababa na ako habang pinupunasan ang luhang lumabas na saaking mga mata.

Kahit kailan, Hindi nya ako sinigawan ng ganon, Siguro nga, Peke ang mga ipinapakita nya saakin at Hindi na rin kami sabay na kumakain.

Pagkababa ko, Dumeritso ako sa kusina at tahimik na kumain.

"Hey, missy." Napatingin ako kay Damon ng bigla nalang itong sumulpot.

Nawala ang kanyang ngiti at seryosong nakatingin saakin. "What happened?" Tanong nito.

"My nangyare ba kay Vladimir? Bakit ganon nalang bigla ang pag trato nya saakin?"

Bumuntong hininga ito, "Baka my rason sya kung bakit." Napatingin ito sa kamay ko kaya tinignan ko rin kung bakit nya tinitignan.

"Sino ang nag bigay nyan sayo?" Tanong nito ng napagtanto kong sa singsing na ibinigay saakin ni Vladimir noon sya nakatingin. Ngayun nya lang siguro napansin.

"An Engagement ring." Mahinang sabi pa nito na ikinakunot noo ko.

"Huh? My kahulugan ba itong sing sing?"

Magsasalita pa sana sya ng my biglang nag salita.

"Damon, Let's go." Vladimir said.

"Uhm, Aalis na muna kami." Ngumiti sya, pagkatapos ay my ibinulong sya saakin.

"Sumbong ka saakin kapag my ginawa sayong masama si Lady Lilliana." Sabi nito at kinindatan pa nya ako bago lumapit kay Vladimir na masamang naka tingin sakanya.

Naiwan naman ako dito sa kastilo kasama ang mga katulong at si Lady Lilliana na nakaupo sa sala habang pinagmamasdan ang mga bulaklak sa vase.

Kakatapos ko lang kumain at balak ko sanang tumambay sa sala, Akala ko ay hindi na ito lalabas sa silid ni Vladimir.

Sa Balkonahe ng aking silid nalang, Napatingin ito saakin.

"Sino ang naglagay ng mga bulaklak na ito dito?"

Rinig kong tanong nya na hindi ko naman pinansin at tutungo na sana sa hagdanan, Ng magsalita ulit ito.

"Wala kang karapatan para talikuran ako!"

Sya nga pala ang magiging reyna dito pag naikasal na sila, Umirap ako sa kawalan at hinarap sya.

"Ako po ang naglagay ng mga yan." Sagot ko sa kanyang tanong, kita ko ang gulat sa kanyang mga mata na kaagad namang bumalik sa pagiging mataray na mukha, Kung bampira lang sana ako ay baka kaya ko ang lakas nya.

"Ayaw nya ng mga bulaklak."

"I know." maiksi kong sinabi.

Tumingin ulit sya sa mga bulaklak, "Nagagalit sya sa tuwing my nagdadala ng bulaklak dito sa loob pero paanong hinayaan kalang nya na lagyan ng mga flower vase ang bawat sulok dito?"

Sinubukan nyang hawakan ang isang rosas ng bigla itong natusok dahil sa tinik na hindi ko pala nalinis ng maigi, Bumuntong hininga ako, Pinipigilang huwag matawa, Deserve.

Nagkibit balikat lang ako, "Nevermind, Bilhan mo nalang ako ng mga prutas sa labas ng kaharian." Sabi nito habang sinisipsip ang daliring natusok.

"My prutas po sa kusina." Meron naman dito, papabili pa.

"Gusto ko ng sariwang prutas at gusto kong ikaw ang bumili."

"Sa pagkakaalam ko po ay hindi ako isa sa mga utusan dito." Buti kung ikaw si Vladimir, kahit huwag mo na akong utusan ay bibili ako ng prutas para sayo kaso isa kalang naman na linta.

Kung pinaglihi sa kabute yung tatlo, ito naman ay sa linta.

"I don't care, Lumabas kana at bumili ng prutas." Masungit nitong sabi.

Bumuntong hininga ako at tumango.

Pumayag nalang ako sa gusto nya para wala na syang masabi at makapag kulong narin ako sa aking silid pagkatapos kung ibigay sakanya ang prutas.

Lumabas ako ng kaharian at ito ang una na nakalabas ako ng mag isa, Madali lang akong nakalabas ng kaharian dahil walang mga bumabantay na kawal, Bakit pa magkakaroon ng mga kawal kung ang mga nakatira ay mga malalakas at makapangyarihang nilalang.

Nakarating ako sa maliit na bayan, Iba't ibang paninda ang kanilang ibenibenta, Namangha ako dahil sa mga kakaibang gamit at purselas.

Balak ko pa sanang mag libot kaso baka bumalik na sila Vladimir kaya lumapit ako sa nag bebenta ng mga prutas.

"Bili kana iha, Bagong pitas palang ang mga ito." Ani ng nag bebenta.

Nakalimutan kong tanongin kung anong prutas ang ipinapabili nya kaya kumuha nalang ako ng iba't ibang klaseng prutas.

"Salamat, Iha." Sabi nito sabay abot ng isang plastic ng prutas saakin.

"Salamat rin ho." Ngiti kong sabi.

Mula dito sa kinatatayuan ko ay nakikita ko parin ang tuktok ng kastilo kaya hindi ako mahihirapang bumalik.

Nakalayo na ako sa mga taong bumibili rin ng nabitawan ko ang hawak kong plastic ng mga prutas dahil sa kung sinong nagtakip ng tela saaking bibig na ikinagulat ko.

SOLD TO A VAMPIRE LORD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon