Tinignan ko ang aking suot at napabuntong hininga ng hindi nabasa, Kinuha ko yung wine at nilagok iyon.
Pagkatapos ay napatingin ako sa dalawang nakatingin na ngayun saakin. Si Vladimir na nakakunot ang noo at si linta—este Lady Lilliana na tinaasan ako ng kilay kaya tinaasan ko rin sya ng kilay, Hindi na nakayakap ang linta kay Vladimir.
"Oh sorry, Naistorbo ko ba kayo?" Malamig kong tanong.
"Yes, So leave." Mataray na sagot ni Lady Lilliana.
"No, She's with me." Ani naman ni Vladimir at lumapit saakin, pagkatapos ay hinawakan nya ang aking kamay.
Kita ko ang gulat sa kanyang mukha na napalitan naman ng pagtataka.
"You know her?" Tanong nito na hindi nakalagpas saaking paningin ang tingin nya mula ulo hanggang paa saakin.
"Yes." Maiksing sagot ni Vladimir.
"What's your name?" Mataray parin nyang tanong saakin.
"Princess Isabella Griffins." Taas noo kong sabi.
"Oh? Aunt sold you at the auction, right?" Napakunot ang noo ko sa tanong nya.
"Aunt?" Balik kong tanong.
"Yes, Tita Lita." Tita nya pala yung madrasta ko? Kaya pala hindi nag kakalayo ugali nila.
"Oo, Ako nga yung binenta ni ina." Sagot ko sa kanyang tanong.
Ngumisi sya, "Well, How are you? Siguradong mababang nilalang rin ang nakabili sayo."
"Are you insulting me?" Kunot ang noong tanong ni Vladimir sakanya.
Bumaling ng tingin si Lady Lilliana kay Vladimir, "What? No! Ang tinutukoy ko ay yung nakabili kay Lady Isabell—" Hindi nya na naituloy ang kanyang sasabihin ng my napagtanto.
"Binili mo sya?!" Gulat na tanong nito, "Bakit mo sya binili?!"
"Bakit hindi?" Vladimir said.
"Isa lamang syang mababang nilalang—"
"and I don't care." Putol sa kanya ni Vladimir.
Laglag ang panga nya ng hinigpitan ni Vladimir ang pag hawak nya saaking kamay at Dinala nya ako patungo sa ibang table.
Mabuti ng kami ang lumayo doon dahil baka my masapak ako.
Hinarap nya ako, "Are you jealous?" Tanong nito.
Umiling ako, "Hindi." Oo.
Ngumiti sya at hinalikan nya ako saaking noo. "Good then."
Ilang oras pa kaming nandito, My ibang mga maharlika namang kinukumusta si Vladimir habang ako ay tahimik lang na nakamasid ng tingin sa paligid, Siguro hating gabi na.
"My lord."
Napatingin ako kay Damon at Damian na halatang pagod at hinihingal ang mga ito, Niluwagan pa nila ang kanilang Neck tie at kita ko rin ang suot nilang my mantsa na, Kung kanina ay sobrang linis ng suot nila, ngayun ay my mga dumi na iyon.
Hindi ko alam kung ako lang ba O imahinasyon ko lang pero, yung dumi sakanilang suot ay parang dugo iyon.
Kunot ang noo ko ng makita kong my mga maliit na sugat sila sa mukha na unti unting nawawala.
Saan ba sila nag punta? Dapat kanina ko pa tinanong kung saan sila pupunta pero dahil kay Lady Lilliana ay nawala sa aking isip iyon.
"Nakuha na po namin." Ani ni Damian.
Nakuha ang alin?
Tumango si Vladimir sa sinabi ni Damian, pagkatapos ay hinawakan nyang muli ang aking kamay.
"Let's go, Uuwi na tayo." Walang emosyon nitong sabi, Tumango ang dalawa.
Pagkatapos naming mamaalam sa Mahal na Hari at Mahal na reyna ay umalis na kami.
BINABASA MO ANG
SOLD TO A VAMPIRE LORD (Completed)
Hài hước"Sa dinami dami ng pwedeng paglipatan ng kaluluwa ko, sa babaeng ibinenta sa isang makapangyarihang nilalang pa." The woman who died in the car accident was reincarnated into the woman who committed suicide after being informed that she would be sol...