Chapter 12

689 28 0
                                    

"Diba kambal kayo ni Damian? Paanong iba ang taon nyo?" 84 at 97? Kambal pa ba yun?

Napakunot ang noo ko ng tumawa sya.

"Akala ko nakalimutan mo na." Ngisi nitong sabi.

"Ano nga?"

"Ang totoo kong edad ay 97, syempre ganon rin ang edad ni Damian, totoo yung edad ni Vladimir na sinabi ko sayo." Tumango tango ako, my isa pa akong tanong.

"Diba bampira rin yung ina ni Vladimir? Bakit sya namatay ng matapos nyang isinilang si Vladimir?" Tanong ko ulit sakanya.

"Hindi kinaya ni Queen Demitra ang lakas ng sanggol sa sinapupunan nya kaya kahit mahirap ay nagawa nya paring inilabas si Vladimir at doon na sya sumuko." Kahit pala sanggol palang ay nag uumapaw na ang lakas nya, at kaya rin pala ang lakas nitong asarin yun dahil mas matanda sya sakanya at magkamag anak sila.

"My tanong kapa?" Ani nito.

"Nung gabing nakita mo syang umiiyak, bakit?"

"Death anniversary ng kanyang ina." I sighed, siguro ay miss nya na.

Tumayo ako, "Uyy huwag mong sasabihin kay Vladimir na nag kwento ako tungkol sakanya ha?" Tinignan ko sya, nakikiusap ang kanyang berdeng mga mata.

"Bahala ka." Sabi ko at lumapit sa flower vase at kinuha iyon.

Kukunin ko pa sana ang isa pang flower vase ng hinablot ni Damon ang flower vase saakin at ibinalik nya iyon sa kung saan nakalagay, "Huwag mo ng itapon, Hinayaan ka nga nyang lagyan to ng mga flower vase eh." Yun na nga eh, bakit nya ako hinayaan? Tanongin ko kaya sya mamaya? At teka, Luminga linga ako sa paligid.

"Kanina pa sya umalis." Tumingin ako kay Damon.

"Umalis? Saan sya pumunta?" Nag kibit balikat ito.

"Hindi ko alam, Kasama nyang umalis si Damian at ipinabantay ka nya saakin at huwag raw kitang hawakan pft, Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sakanya." Umiling iling ito,

Nag kibit balikat ako "Hindi ko rin alam kung bakit." Tugon ko at ng aakyat na papunta sa aking silid, Ng tinawag nya ako kaya nilingon ko sya.

"Gusto mo rin bang marinig kung paano isinilang ang pinakagwapong nilalang dito sa mundo na ang pangalan ay Damon Cyprus?" Ngisi nyang tanong.

"Hindi na, Ineri ka kaya ka naisilang, sige aakyat na ako." Tinalikuran ko na sya at umakyat na kahit narinig ko pa ang sinabi nya.

"Teka, Hindi yun! I mean—" hindi ko na narinig ang sunod nyang sinabi ng tuluyan na akong nakaakyat.

Iniwan ko sya sa sala at nag tungo ako sa aking kwarto.

Bagot na bagot ako ditong nakahiga, walang selpon kaya wala ring magawa dito sa loob.

Sumagi sa isip ko ang edad nila, Ang tatanda na pala pero mala Adonis parin ang mukha at katawan, Unang kita ko palang sakanila ay akala ko nasa 20s palang sila, Akala ko lang pala.

23 years old ako, My kalayuan ang edad nila saakin, Si Isabella kaya? Ilang taon na kaya nya? Siguro nasa 20s, Tao lang rin naman sya eh.

Nakaramdam na ako ng gutom kaya bumangon na ako at lumabas.

Pagkababa ko, ng tingnan ko ang sala, wala na si Damon doon kaya nag tungo na ako sa kusina.

At doon ko sya nakita, Nauna pang kumain

SOLD TO A VAMPIRE LORD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon