Pagkababa ko ay tumungo ako sa hapag kainan dahil kanina pa ako nagugutom, Ng makarating ako doon ay nagsimula na akong kumain, inalok ko pa ang mga katulong pero tinanggihan lang nila kaya ako lang mag isang kumain.
Inayos ko yung flower vase sa lamesa.
Pagkatapos kong kumain, nag tungo agad ako dito sa sala para ayusin ang mga ito.Ilang oras akong nag ayos at ilang oras rin akong tumambay sa sala, Tumayo ako sa pagkakahiga sa sofa at lumabas, magpapa hangin nalang ako kesa makipag titigan sa chandelier sa loob.
Pagkalabas ko ay sinalubong ako ng ihip ng hangin, hindi masyadong mainit dito kaya puro medieval dress ang suot at iyan rin ang mga damit sa panahon ngayun, I likes vintages dress or old fashioned dress kaya alam ko ang tawag sa suot na ito.
Tumingin ako sa paligid at napunta sa gilid ng kastilo ang aking tingin, ng napatingin ako sa hindi kalayuang puno.
Sa kuryosidad ko ay pumunta ako doon.
Pagkarating ko at ng nasa tapat na ako ng hindi kataasang puno ay napatingin ako sa bunga nitong mansanas, dahil sa pag kamiss ko sa mansanas ay tumingkayad ako at pumitas ng isa.
Pag ka pitas ko ay pinunasan ko pa ito ng tela sa aking damit, at ng isusubo ko na sana ng my biglang nagsalita na ikinatigil ko.
"That apple you're holding has a deadly poison."
Agad kong nabitawan ang mansanas na gumulong na sa sahig dahil sa aking narinig.
Tumingala ako sa puno ng doon nanggagaling ang baritonong boses.
Napaatras ako dahil my biglang tumalon galing sa taas ng puno.Nakapamulsa ito habang nakatingin saakin, walang expression ang kanyang berdeng mga mata.
Napakunot noo ako ng maalala ko ang kanyang itsura.
"Damon?" Sabi ko, ang mata ni Damon ay berde na napapalitan ng pula kapag nasa bampira ang anyo nito, katulad kay Vladimir.
Umiling ito, "No, I'm his twin." Huh!!?
"T-twin??" Ulit ko, tumango sya.
"I'm Damian Cyprus, Damon Cyprus' older twin." Hindi ako makapaniwalang my kakambal sya!
Kung si Damon ay pala ngiti o my mood swing, eto namang isa ay walang ka expression-expression, seryoso lang syang nakatingin saakin. Parehong mag kamukha at my lahing mala Adonis pero mag ka iba ang ugali nila.
Kahit na kanina ko lang sya nakilala at nakita itong kakambal nyang ngayun ko lang rin nakita ay alam ko na kung anong pinag kaiba ng ugali nila dahil sa kanilang expressiong ipinapakita.
Humakbang ito papunta sa aking direksyon, Bago nya ako lagpasan ay huminto sya at pinantayan ako ng tayo.
"Nice meeting you, Princess." After of what he said, umalis na sya.
Ilang sandali pa akong nakatunganga, Pagkatapos ay tumingin ako sa paligid, hindi ko na sya nakita.
Bumuntong hininga ako, tumingin ako sa langit na pinaghalong kulay kahel at pula, hapon na't malapit ng gumabi, masyado naring lumalamig ang ihip ng hangin kaya pumasok na ako sa kastilo.
Pagpasok ko sa loob, napa tingin ako sa sala kung saan nandoon na si Vladimir na kausap si Damian, Akala ko ay tuluyan na itong umalis.
Hinayaan ko silang mag usap lang doon, Nag tungo ako sa hapag kainan.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko kay Damon, sya ang na datnan ko dito, "Kumakain" ani nito habang ngumunguya, bumaling ang tingin ko sa hawak nyang pagkain at sakanya.
Buhay pa pala to? Tibay naman ng katawan mo.
"Sya nga pala, Nakita mo na ang kakambal ko?" Tanong nya ng matapos nyang uminom, pagkatapos ay kumuha ulit ng pagkain, habang ako ay nakamasid lang sa ginagawa nya.
"Oo, nandoon sya sa sala, Kausap si Vladimir." Tumango sya, "Hindi ko alam na my kakambal ka pala." Ngumisi sya at nilunok nya muna ang nginunguya nito bago nag salitang muli. "Akala mo lang iyon, Ano? Nalito kaba nung makita mo sya? Inakala mo sigurong ako yun." Tumango ako.
"Nung una kong nakita mukha nya pero hindi na masyado ngayun, Dahil nalaman ko kaagad ang ipinagkaiba nyo sa isa't isa." Kumunot noo sya.
"Ano?" Tanong nito.
"Kung sya, seryosong nakatingin saakin nung una ko syang nakita, Ikaw naman ay nakangiting sumalubong saakin." Napanguso sya.
"Sumiseryoso rin kaya ako." Sabi nito habang nakanguso. "Oo, pero yung kakambal mo wala ata sa bukabolaryo nya ang ngumiti kahit ngayun ko lang rin syang nakita."
Nagkibit balikat sya, "Gusto mo?" Alok nya, Tumingin ako sa kamay nyang nasa ere, paubos na yung kinakain nya.
Umiling ako. "Hindi na, mamaya nalang pag maghahapunan na." Tumango sya, pagkatapos ay inubos nya na yung kinakain nya.
Limabas muna ako sa hapag kainan, Ng makarating ako sa sala, narinig ko ang sinabi ni Vladimir.
"We need to find that thing as soon as possible."
Gusto kong mag tanong kung ano bang pinag uusapan nila pero baka magalit nanaman sya kaya huwag nalang.
BINABASA MO ANG
SOLD TO A VAMPIRE LORD (Completed)
Umorismo"Sa dinami dami ng pwedeng paglipatan ng kaluluwa ko, sa babaeng ibinenta sa isang makapangyarihang nilalang pa." The woman who died in the car accident was reincarnated into the woman who committed suicide after being informed that she would be sol...