Chapter 20

613 26 0
                                    

"But—"

"Liana."

"Ok, Tsk."

Binitawan na ni Vladimir si Lady Lilliana at Pumasok na ito sa loob habang hawak hawak ang kanyang braso.

Bumaling ako ng tingin kay Vladimir na masamang naka tingin kay Damon.

"Damon." My pagbabantang tono sa boses ni Vladimir.

"Chill." Ani naman ni Damon.

Tumingin saakin si Vladimir, Walang emosyon ang kanyang mga matang nakatingin saakin.

"Do not come near to my fiance." Malamig nitong sabi, pagkatapos ay pumasok na rin sa loob.

Fiance? M-my fiance na sya?

Napatingin ako kay Damon ng bumuntong hininga ito. "D*mn, bro." Mahina nitong sabi at tumingin rin saakin, Pagkatapos ay bumuntong hininga ulit.

"Ang ama ni Lady Lilliana at ama ni Vladimir ay nagkasundo noon na kapag naisilang na ang kanilang anak ay ipagkakasundo nila ito at balang araw ay mag papakasal silang dalawa, Pero dahil sa nangyare ng matapos maisilang si Vladimir ay hindi iyon natuloy." Paliwanag nito.

"Labing isa(11) na taong gulang palang si Vladimir noon at sampong taon(10) palang si Lady Lilliana ay nag disesyon ang mahal na haring si Liandro na dito muna ipatira ang kanyang anak na si Lady Lilliana para pagkasunduin ang dalawa.

Labing siyam(19) na si Vladimir at labing walo(18) naman si Lady Lilliana ng paalisin ni Vladimir si Lady Lilliana dito sa kaharian dahil naglagay ito ng bulaklak sa Hapag kainan noon, nilapag nya iyon habang hinahanap ang Flower vase, Ng pumasok si Vladimir ay nakita nya ang bulaklak na dala ni Lady Lilliana kaya ipinalayas nya ito." Seryoso?!

"Kumakain ako no'n habang pinagmamasdan lang sila, sinabihan ko rin si Lady Lilliana na huwag mag dala ng bulaklak sa loob pero hindi nakinig at Sa murang edad ni Vladimir ay alam nya na kung ano talaga ang dahilan ng pag tira ni Lady Lilliana dito kaya pagkatapos nyang palayasin si Lady Lilliana ay ipinasabi nya sa ama nito na hindi sya papayag na maipakasal sa hindi marunong sumunod sa patakaran." Sabi nito habang naka tingin sa pinto na kung saan pumasok si Vladimir at Lady Lilliana sa loob at Nag kibit balikat.

"Ngayon ay Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nya, kung bakit nya iyon sinabi." Na ang tinutukoy ay ang pag tawag ni Vladimir kay Lady Lilliana na 'Fiance' nito.

Bumuntong hininga ako, bakit kaya?

Hindi kaya, Na realize nya na, Na mahal nya na pala si Lady Lilliana? Hayst, ayukong mag overthink na ikakadurog ng puso ko.

Bumuntong hininga ulit ako, Bumaling ng tingin si Damon saakin at ngumiti, "Ma swerte ka at hinayaan kalang ni Vladimir na mag lagay ng mga bulaklak sa loob." Sasabihin ko ba kay Damon ang nakita ko kanina? Huwag nalang.

"Bakit kailangan gamutin si Lady Lilliana? Hindi ba kaya nyong ihilom ang sarili nyong sugat?" Tanong ko ng maalala ko ang mga maliit na sugat ni Damon at Damian kagabi sa Party na kaagad nag hilom.

"Ang pamilyang Cyprus at Gustavo lang ang my kayang ihilom ang sarili, Dahil sila lang ang malakas na pamilya sa lahat ng kaharian." Paliwanag naman nya, Dami naman nyang alam, certified chismoso.

"My isa pa akong tanong, Ano yung tinutukoy nyo kagabi na nahanap nyo na? At saan ba kayo pumunta?" Naalala ko pa kagabi ang gusot nilang suot.

"Sabi mo isang tanong, eh bakit dalawa?" Ngumuso ito.

Umirap naman ako sa kawalan, Oo nga naman.

"Sige, Ano yung tinutukoy nyong nahanap nyo na?"

Sumeryoso ito, "Yung Libro ng Propesiya." Maikli nitong sagot.

Libro ng Propesiya? Nabanggit ni Vladimir saakin iyon noon na kasama raw ang pangalan ko doon.

"Anong nalaman nyo?" Tanong ko ulit.

"Uh, hindi ko pwedeng sabihin eh, Tara mag pana ulit tayo sa Puno ng mansanas, Pero ang sunod mong tirahin ay yung bampira na mahimbing na natutulog doon sa malaking sanga." Ngisi nitong sabi, bakit hindi nya pwedeng sabihin? Sa mga bampira lang ba pwede?

Bumuntong hininga ako at tumingin sa malaking sanga ng puno ng mansanas.

Nakita ko si Damian na mahimbing na natutulog.

SOLD TO A VAMPIRE LORD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon