Chapter 10

753 26 0
                                    

Pumasok si Damon at ngumiti saakin.

"Hi, missy."

Naiilang akong ngumiti, "h-hi." Bumaling naman sya kay Vladimir.

"Oh? Nandito kalang pal— anyare sayo?" Kunot noo nitong tanong.

Bumaling ako ng tingin kay Vladimir na nakatayo na at masamang nakatingin saakin, Ngumuso ako at nag iwas ng tingin, Sa susunod hindi ko na sya gugulatin ng ganon, baka bigla nya akong sakmalin.

"Give me a valid reason not to erase you from this fucking world." Inis nitong sabi.

Akala ko saakin nya iyon sinabi kaya tumingin ulit ako sakanila, Masamang nakatingin ito kay Damon na nakakunot noo lang at mahina itong natawa ng my napagtanto bago sya tuluyang makapasok kanina.

"Sorry, naistorbo ko ba kayo?" Tanong nito habang nag pipigil ng tawa, lakas talaga ng loob nyang inisin si Vladimir.

"Always, Damon. Now, spill it." Mariin nitong sagot na ikinatawa na ni Damon.

Tumigil na sya sa pag tawa at seryosong nakatingin na kay Vladimir na kumalma narin.

"Iniimbitahan tayo ni Haring Liandro Acantha sa kanyang Kaharian sa makalawa." Pabaling baling ng tingin si Damon saakin kaya tumayo ako.

"Uhm, Bathroom muna ako." Sabi ko at pumunta sa bathroom.

Pagkalabas ko ng bathroom ay wala na sila, mukhang lumabas na.

Nahiga ako sa aking silid ng maalala ko ang nangyare kanina, Napatakip nalang ako ng mukha sa kahihiyan.

My first kiss!!!!

Kahit sa totoo kong buhay ay hindi ako pinayagang mag ka boyfriend.

Ng maka graduate ako, ina-rranged marriage nila ako sa hindi ko kilala, Ni hindi ko nakita mukha o nakuha information non eh kase wala naman akong pakealam.

Pumunta ako sa balkonahe at doon tumambay, hapon na, Ilang oras rin pala akong natulog.

Kinagabihan ay Pinakain ulit ako ni Vladimir at pinainom ng mapait na herbal, sana naman sa sunod, lagyan nila ng flavor para lalagok-kin ko nalang na parang pag lagok sa tubig.

Maaga akong nagising, hindi ko alam kung paano ako gumaling agad, Dahil ba sa herbal na yun o sa halik ni Vladimir na hindi mawala sa isip ko? Nag kibit balikat nalang ako at bumangon sa pagkakahiga, Baka magaling lang talaga syang mag alaga.

Pagkatapos kong mag hilamos, lumabas na ako at nag tungo sa kusina, Naabutan ko doon si manang na naghuhugas kaya lumapit ako.

"Ako na po dyan." Ngiti kong sabi.

bumaling sya saakin. "Magandang umaga po mahal na prinsesa, umupo nalang po kayo dyan, Hindi po gawain ng prinsesa ang mag hugas ng pinggan." Sabi nito.

Umiling ako at ngumiti ulit.

"Ayos lang ho, ginagawa ko po ito noon." Kumunot ang noo nya.

"Pinapagawa sayo ng iyong ina ang dapat na sa katulong ang gagawa?" Tanong nito.

Tumango ako, sa totoo kong buhay, oo. Hindi ko lang alam kung si Isabella rin, pero baka pinagawa na sakanya ito dahil sa kanyang madrasta.

Tumango tango ito, "Gusto ko sanang mag tanong kung bakit, Mahal na prinsesa, ngunit ayokong mang himasok sa iyong buhay kaya kung gusto mo talagang tumulong, Hahayaan kita." Pag payag nya.

Ngumiti rin ako, Mag sasalita pa sana ako ng my idinugtong sya sakanyang sinabi. "Ngunit, ngayon lang ito, Baka magalit saakin si Master Vladimir." Tumango ako ulit.

"Salamat po." Pag papasalamat ko na tinanguan nya lang at ako na ang pumalit sa pwesto nya, Samantalang sya ay nag simula ng mag luto para sa agahan.

"Manang." Tawag ko sakanya habang nag huhugas, kita ko sa peripheral vision ko na lumingon ito sa gawi ko.

"Ilabas nyo po lahat ng mga pinggan, bagong hugas o Hindi, huhugasan ko po ulit." Ngiti kong sabi na ikinakunot noo nya.

Mas lalo akong napangiti ng maalala ko nanaman ang nangyare kagabi, I think I'm inlove.

Parang gusto kong hugasin lahat ng pinggan kahit malinis na ang iba.

"Bakit mo huhugasan ulit yung mga nahugasan na? Naku mahal na prinsesa, Huwag na, Mapapagod ka lang sa gagawin mo." Sabi nito at nagpatuloy sa pagluluto.

Nag kibit balikat nalang ako at ipinagpatuloy ang paghuhugas habang nakangiti.

SOLD TO A VAMPIRE LORD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon