Chapter 15

684 23 0
                                    

Hapon na at Naka tambay lang ako dito sa balkonahe ng aking silid, Ng my biglang kumatok at pumasok na maid.

My dala itong naka hanger na gown. "Mahal na prinsesa, ito na po ang iyong susuotin mamayang gabi." Tumango ako, Pinanood ko muna syang inilapag ang gown sa kama atsaka lumabas.

Umalis ako sa balkonahe at lumapit sa gown na susuotin ko. Ang sabi ni Vladimir kagabi ay my gaganapin na party sa Acantha Kingdom, lahat ng royalties ay dadalo, Kaya malamang ay nandoon rin ang madrasta ko at ang kanyang mga anak.

Bumuntong hininga ako, Kinuha ko ang gown at pinagmasdan ito, A Royal Red Medieval Off shoulder long Sleeve Dress.

Ng gumabi na ay pumasok ang tatlong maid para tulungan akong mag bihis at ayusan, kaya ko naman mag ayos ng mag isa kaso hindi sila aalis sa kwarto hanggat hindi nila ako naaayusan dahil iyon ang utos ni Vladimir sa kanila.

Pinasadahan ko ng tingin ang buo kong katawan mula sa salamin, Ng matapos ang pag aayos nila saakin ay lumabas na sila at ako nalang ang naiwan dito saaking silid.

Nakalugay lang ang mahaba at medyo kulot kong kulay kayumangging buhok, hindi gaanong makapal ang pag kakalagay nila ng meykap sa aking mukha.

Bumaling ang tingin ko sa pinto ng my kumatok. "Mahal na prinsesa, hinihintay kana po ng pinuno at ng kambal na prinsepe sa ating sala." Rinig kong sabi ng katulong sa labas.

Lumabas na ako ng aking silid at bumaba, Ng malapit na ako at nakikita ko na ang sala kung saan nandoon sila Vladimir, Damon at Damian na nag uusap.

Napatingin sa gawi ko si Damon dahil ito ang nakaharap sa hagdanan habang ang dalawa ay naka talikod.

Humarap naman ang dalawa, ng nakababa na ako at lumapit sa kanila ay kita ko ang pag awang ng kanilang labi. Ako naman ay napatingin sa kanilang suot.

Si Vladimir ay naka itim na Royal Modern Suit, ganoon rin si Damian pero kulay asul ito. Si Damon lang ang iba sakanila dahil sa kanyang Cravat tie pero ang kulay ng suot nito ay katulad kay Damian.

Kung hindi ko lang sana napansin ang paninitig ko sakanila dahil sa sobrang kakisigan nila ngayun ay baka magdamag kaming nag titigan dito.

Tumikhim ako "Aalis naba?" Tanong ko dahil wala atang balak mag salita ang mga to.

"Y-yes." Vladimir said.

Tumango ako at napatingin kay damon at damian na nag iwas naman ng tingin, problema ng mga to? My mali ba sa suot ko?

Titingnan ko sana ang suot ko kung my mali ng napatingin ako sa braso ni Vladimir sa aking harapan, tumikhim ito "Let's go." Ani nito kaya tinanggap ko iyon.

He escorted me until we could get into the carriage.

Ilang oras pa bago kami nakarating sa Acantha Kingdom, ng nakapasok na kami sa kaharian, tumigil na ang karwahe sa tapat ng malaking pinto.

Lumabas kami, "Bella, Huwag kang lalayo saakin." Sabi ni Vladimir na tinanguan ko lang.

He escorted me again.

Si Damian ay nasa tabi ni Vladimir at si Damon naman ay nasa tabi ko, ako at si Vladimir ay nasa gitna at Sabay kaming pumasok sa loob.

Pagkapasok namin, lahat ng malapit sa pintuan at sa mga nasa malawak na hall ay natigilan sa kanilang pakikipag usap sa ibang maharlika at gulat ang kanilang mga mukha ng tumingin sa gawi namin.

Nagulat ako ng bigla silang yumuko.

Tumingin ako kay Vladimir, Damon at Damian na taas noo at walang emosyong naka tingin sakanila at nakaka intimidate ang kanilang prisensya.

Sa itsura nilang ipinapakita ngayun ay mukhang makapangyarihan na kaya ginawa ko rin.

Taas noo at walang emosyong nakatingin sa mga naka yukong maharlika sa harap namin.

Taas noo at walang emosyong nakatingin sa mga naka yukong maharlika sa harap namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SOLD TO A VAMPIRE LORD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon