Tumingin sya saakin ng maramdaman nya ang prisensya ko, "Mga bampira kayo pero kumakain kayo ng pagkain ng tao." Sabi ko ng nakaupo na ako at hinihintay na matapos ang paglalagay ng pagkain ng mga katulong sa aking pinggan.
"Hindi naman lahat ng bampira ay dugo ng tao ang iniinom o laman nila ang kinakain, Sinanay kami ng mga magulang namin na ang dugo at laman ng hayop at pagkain ng tao ang sya lang kakainin at iinomin namin, nung simula ay mahirap dahil ayaw tanggapin ng sikmura namin iyon.
Pero kalaunan rin, nasanay na kami, Ganon rin ang ginawa ni Damian kay Vladimir, total sya ang nag babantay nito noon, So yeah. Aakalain mo talagang mukhang tao kami." Pagkatapos ng sinabi nya ay kumain na ulit sya, Dami naman nyang sinabi.
Nag simula na akong kumain ng matapos ang katulong sa pag lagay ng pagkain sa aking pinggan.
Tumigil ako sa pag kain ng my maalala ako, tumingin ako kay Damon na kumakain. "Damon." Tawag ko sakanya na binalingan naman ako ng tingin habang ngumunguya.
"Sayo ko nalang itatanong, Bakit ako binili ni Vladimir?" Tanong ko sakanya.
Kumunot ang noo ko ng bigla itong nabulunan, kaagad nyang kinuha ang baso na my lamang tubig at uminom.
"B-bakit saakin mo iyan tinatanong? Kay Vladimir mo nalang tanongin." Sabi nito ng maka recover.
"Baka kase alam mo." Tugon ko at ipinagpatuloy ang kinakain, narinig ko naman syang bumuntong hininga.
Pagkatapos naming kumain, sinabi nya na lalabas muna sya at nag tungo naman ako sa kwarto ko.
Gabi na at magdamag lang ako sa kwarto, Pumunta ako sa bathroom para sana mag hilamos at habang nasa loob ay my kumatok, Pati ba naman sa banyo my kakatok?
"Bella? What are you doing?" It's Vladimir.
Umirap ako sa kawalan, "Nagluluto!" Sigaw ko.Pag kalabas ko, tumingin ako sa mukha nyang masama na ang tingin saakin, Tinaasan ko lang ito ng kilay at lalabas na sana ng silid para mag hapunan ng Hawakan nya ako sa aking pulsuhan kaya nakakunot ang noong hinarap ko sya.
"Bakit?" Tanong ko.
Pina upo nya ako sa kama at umupo rin sa tabi ko.
"I'll give you something." ani nito, may kinuha sya sa kanyang bulsa.
"I want you to wear this." napatingin ako sa hawak nyang sing sing, Hindi nya na ako hinintay na mag salita at sya na ang nagsuot nito saakin.
Doon lang ako naka recover sa pag kakagulat, Tumingin ako sa aking daliri kung saan nandon ang sing sing, Isa itong red diamond ring na bumagay saaking kamay at kasya iyon sa daliri ko.
Naguguluhan ko syang tiningnan, "B-bakit mo ako binigyan neto?" I asked.
"A present."
"Hindi ko naman kaarawan." Nag kibit balikat lang sya, "still a present."
"Salamat." I said, Ngumiti sya.
Ng my maalala ay nag tanong ako sakanya. "Bakit mo nga pala ako binili?" Nawala ang kanyang ngiti, napalitan iyon ng walang emosyon.
Bumuntong hininga ito. "Nakasulat ang pangalan mo sa propesiya, kaya agad kitang pinahanap at ng mahanap kita sa auction ay kaagad rin kitang binili." Seryoso nitong sabi.
"Bakit? Bakit ako nasama sa propesiya?" Kunot noo kong tanong.
Nagkibit balikat sya, "I don't know, kapirasong papel palang ang nakuha ko kaya hindi ko alam kung bakit nandoon ka."
Tumango nalang ako kahit naguguluhan parin.
BINABASA MO ANG
SOLD TO A VAMPIRE LORD (Completed)
Humor"Sa dinami dami ng pwedeng paglipatan ng kaluluwa ko, sa babaeng ibinenta sa isang makapangyarihang nilalang pa." The woman who died in the car accident was reincarnated into the woman who committed suicide after being informed that she would be sol...