Lahat ng nasa gitna ay gumigilid, Nag simula na kaming maglakad papunta sa harap, Parang pag hatid lang ng bride sa groom, Nakayuko parin sila ng lagpasan namin.
Napatingin ako sa harap kung saan naka upo ang reyna at hari sa kanilang trono, Ng makarating kami sa harap nila ay yumuko kami na ganoon rin ang ginawa nila bilang pag galang.
"Magandang gabi mahal na reyna at mahal na hari." Pagbati ni Vladimir.
"Magandang gabi rin kamahalan, salamat at dumalo kayo." Sabi ng hari na tinanguan lang ni Vladimir.
Napatingin sa gawi ko ang hari kaya naiilang akong nag iwas ng tingin. "Princess Isabella Griffins, Ikaw pala iyan, hindi ko alam na nakatira kana sa kaharian ng ating kamahalan." Ngayun alam mo na.
"Damon, my mga bampira ba dito? Bukod sainyo?" Bulong ko kay Damon habang nakikipag usap naman si Vladimir sa hari at reyna.
"Meron, My mga witch rin dito." Woah, my witch pa pala?
"My mga tao rin diba? Hindi kaya magkaroon ng gulo kapag nasa iisang lugar ang mga bampira at tao?" Baka sakmalin nila.
Umiling ito, "Lahat ng mga maharlika dito ay sanay nang makipag halubilo sa mga tao at iba pang nilalang."
Napa tango tango ako't tumingin sa mga nakayuko paring mga maharlika, seryoso? Hindi ba sila nangangalay sa pag yuko nila?
"Bakit naka yuko parin sila? At bakit ba sila yumuko ng pumasok tayo?" Ganito ba sila mag bigay galang sa isang maharlika? Grabe namang galang to.
"Natural lang sakanilang yumuko ng ganyan katagal kapag si Vladimir ang dumating." Naalala ko tuloy yung sinabi nya noon na si Vladimir ang pinaka makapangyarihang bampira.
Tumango ulit ako ng nagets kona kung bakit.
Hindi gaanong matagal ang kanilang pag uusap ng mahal na hari kaya pinahintolutan na ni Vladimir ang mga maharlika na iangat na nila ang kanilang mga ulo sa pag kakayuko.
Napatingin ako kay Vladimir ng bigla nya akong hapitin saaking bewang palapit sakanya.
"You're being too close to Damon, I don't like it." Bulong nito saaking Tenga, Parang tumaas balahibo ko dahil sa pagbulong nya saakin.
Naglakad na kami papunta sa table, Ng nasa table na kami ay dumako ang tingin ko sa kabilang table.
Gulat na nakatingin sa gawi namin ang aking madrasta at ang kanyang mga anak na gulat rin, Nginisian ko sila at inirapan.
Ibinalik ko ang tingin sakanila ni Vladimir, Damon at Damian, Mag tatanong sana ako kung saan pupunta si Damon at Damian dahil bigla nalang silang umalis, Ng mapatingin ako sa babaeng bigla nalang sumulpot sa kung saan at niyakap si Vladimir na ikinakunot noo ko.
"Vladimir! I miss you!" Sabi nung babaeng linta— este nung babaeng nakayakap sa braso ni Vladimir.
Kunot noo lang si Vladimir sakanya.
"Lady Lilliana?" Tanong ni Vladimir sa linta—este sa babae. Ano bayan.
Tiningala sya nito at sumimangot, pa cute amp.
"Yes, Don't you miss me?" Pa cute na sinabi ni Lady Lilliana na hindi parin tinatanggal ang pagkakayap sa braso ni Vladimir, Bakit lilliana? Kung pwede namang linta ang ipangalan.
Umirap ako sa kawalan at kinuha ang wine sa table, tsaka ininom.
Umiinom ako habang tinitignan sila, nakalimutan atang nandito ako't nanonood, Pinasadahan ko ng tingin ang suot ni Lady Lilliana.
A Royal Violet Medieval dress.
"Uh of course, I missed you too." Nakakunot ang noo parin na sinabi ni Vladimir na ikinangiti ng linta—este ni Lady Lilliana.
"Really? Aw you're so sweet." Ngiti nitong sabi, pagkatapos ay hinalikan nya si Vladimir sa pisngi na dahilan ng pag ubo ko.
BINABASA MO ANG
SOLD TO A VAMPIRE LORD (Completed)
Humor"Sa dinami dami ng pwedeng paglipatan ng kaluluwa ko, sa babaeng ibinenta sa isang makapangyarihang nilalang pa." The woman who died in the car accident was reincarnated into the woman who committed suicide after being informed that she would be sol...