ICTWG CHAPTER
Dumaan ang ilang araw napagpasyahan kong sundan si Aries dahil nanghihinala na talaga ako. "Sigurado ka ba dito sa gagawin natin?" Tanong sakin ni joy, tumango lang ako.
Nang makitang sumakay si Aries mula sa kotse niya. Agad akong nagpara ng Taxi at sinabing sundan ang kotse ni Aries. Huminto ang kotse ni Aries sa isang bar. Nagbayad na ako bago bumaba. Tinignan ko lang ang bar na nasa harapan ko.
Dahil ayaw kong pumasok doon umupo na lang ako sa malapit na bench. Magdamag lang kaming naghintay doon ni joy. Napatayo ako ng makita si aries napahinto rin ng may makita siyang ibang kasamang babae. Nakahawak siya sa baywang ng babae humalik sakanya ang babae bago umalis.
"Khai..." Usal ni joy.
Sumugod ako kay aries at pinagsusuntok siya sa dibdib. Nahawakan niya ang mga kamay ko kaya napahinto ako.
"Miss ano b--- kkaira!" Gulat na tawag niya sakin.
Nagsimula na akong umiyak. "A-all this time...niloloko mo ako! Hayop ka!" Sinampal ko naman siya.
"Bakit ha! Anong meron sa babaeng yun na wala ako! Sige nga Aries sagutin mo!" Inis na sabi ko at tinulak siya.
Nanatili pa rin aiyang tahimik nakayuko lang. Huminto ako sa pag iyak parang nakaramdam ako ng kunting kirot sa puso ko."Cheater!" Malakas na sigaw ko
"Hayop ka! Pinagkatiwalaan kita Aries! Pero... A-anong ginawa mo?! Niloko mo ko!" sigaw ko sakanya.
"Bakit khaira!" Sigaw niya rin sakin.
"Ako lang ba ang nanloko sa ating dalawa!?ikaw din diba?!"
"Huh?! Ano bang pinagsasabi mo?!"
"Akala mo ba hindi ko alam... S-sa paraan ng pagtingin mo kay Zack alam kong mahal mo siya! Kahit hindi kayo nag karelasyon para mo na rin akong niloko! Dahil nag mamahal ka ng iba kahit may boyfriend ka na!" Sigaw niya sakin at napaatras ako.
Napaawang ang labi ko at hindi na kapag salita."Sa relasyon natin khaira ... Parang sa una lang masaya... Para ngang ako lang yung nag mamahal parang ako lang yung nag papatakbo ng relasyon natin." Natatawang sabi niya.
Kita ko ang unting unti pagtulo ng luha sa mga mata niya. Nanatili pa rin akong tahimik."Napagod ako...haha! Napagod ako. Hindi ko lang masabi sayo ang bait mo kase eh" sarkastikong sabi niya.
"Tuwing nandyan si Zack... Natataranta ka... Nakahalata na ako eh... Pero hinayaan ko lang kahit ang sakit... " Tinuri niya ang dibdib niya.
YOU ARE READING
I Choose The Wrong Guy (Complete Short Story)
Teen FictionKhaira is a campus crush at her school, She captured the heart of the campus bad boy who will be her boyfriend but when she realized something.