untitled

25 1 0
                                    

Tanghali na't Hindi parin nakakalaglaba si Farhana dahil sa anak nitong 7 months palang. Walang magbabantay dito dahil Ang kanyang mister ay nasa trabaho. Naisip niyang patulugin muna ang bata nang sa ganon ay makapaglaba siya

Nung nakatulog na ay nagsimula na siyang maglaba pero sa gitna ng paglalaba niya ay nakarinig sya ng kalabog mula sa loob ng kanilang bahay kasabay ng pag-iyak nung anak niya.

Nagmadaling tumayo si Farhana upang tingnan kung ano 'yon. Di pa man siya tuluyang makapasok ay tumigil sa pag-iyak ang bata at may nakasalubong siyang isang itim na pusa na puno ng dugo ang bibig.

Ganon na lng Ang panghihina niya nang maisip na kinain ng pusa ang anak niya. Sa isip niya'y tumigil sa pag-iyak ang bata dahil patay na ito.

Dali-dali niyang kinuha ang isang itak sa tabi ng kahoy at walang pag-aalinlangang pinaslang ang pusa. Tumalsik Ang dugo ng pusa sa kamay niya. Napatay na niya ang pusa.

Nagmadali siyang pumasok sa bahay nila upang tingnan qng patay na niyang anak. Ngunit di Niya maipaliwanag ang nararamdaman ng makita qng batang pangiti-ngiti pa katabi ang isang patay na ahas na halos kasing laki na ng balikat niya.

Niyakap niya ang anak niya at di mapigilang umiyak. Napatay niya ang kawawang pusa na nagligtas sa anak niya dahil sa maling akala. Nagpadalos dalos siya.

Maling akala o hinala. Hindi lahat ng akala'y totoo o tama. Minsan ng dahil sa akala'y nagsisisi ang isang tao. Maraming nasisira ng maling akala, maraming nasasaktan. Think first, wag padalos dalos.



written on Dec 14, 2020

Short Stories (I don't recommend this)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon