“Ipakilala mo na 'ko sa boyfriend mo” ani kuya.
“Kuya, wala nga po akong boyfriend. Walang magkakagusto sa isang tulad kong... Panget” I said with a low tone
“Anong panget? Ang ganda ganda mo kaya” he said.
Alam kong sinabi lang 'yon ni kuya para pagaanin loob ko. Pero hindi ako tanga. Panget talaga ako, unlike him na ang gwapo.
“May irereto ako sayong kaibigan ko, Gigi” aniya sa 'kin. I smiled because of what he said.
“Kuya naman, bakit ba atat na atat kayong magkajowa ako?”
“23 kana. Gusto kong makilala ang future brother-in-law ko 'no!”
And then, he introduced me to his friend pero walang nangyare dahil unang kita palang nito sa 'kin, may pandidiri ang tingin niya.
Haha sino nga ba kase ang magkakagusto sa babaeng bingot?
5 years later...
Now, I'm standing in the front of kuya.
“Hi, kuya...” nangunguna ko, “Gusto ko pong makilala niyo ang... Asawa ko.” aniko. “Dalawang buwan na po kaming kasal at magkakababy na rin po kami” I said but suddenly my voice cracked kasabay nang pagtulo nang mga luha sa mga mata ko.
It's been years since my kuya died because of the stage 4 cancer.
Kaya pala gustong gusto niyang makilala ang lalaking mamahalin ko habang buhay—ang lalaking mapapangasawa ko dahil di na siya magtatagal sa mundo.
Ang sakit lang dahil sa harap nalang ng lapida ni kuya ko maipapakilala ang lalakeng mahal ko. Ang sakit dahil iniwan na ako ng lalakeng unang minahal ko.
BINABASA MO ANG
Short Stories (I don't recommend this)
Short Storyunhalal stories. I don't recommend this for you to read. I wrote this years ago (2020-2022) expect jejemon na writing style