untitled

6 1 0
                                    

"Nak, wag mong pababayaan ang pag-aaral mo ah?"

"Nak, kaya mo yan. Laban lang."

"Nak, pasensya kana ah? Kung may trabaho lang sana ako ay hindi Ka magiging working student."

"Nak, wag kang susuko sa pag-aaral mo."

Yan ang palaging sinasabi ni mama sa'kin. Iyon ang naging motibasyon ko. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay sa'ming lahat. Ako ang tumayong ama dahil patay na si papa apat na taon na ang nakakaraan. Nagsisikap akong mag-aral para maitaguyod ko ang pamilyang 'to. Mahal na mahal ko ang pamilya ko at gagawin ko ang lahat para sa kanila.

"Isang taon nalang po, ma."nakangiting aniko

"Sobrang proud ako sa'yo anak, kung alam mo lang," ani mama habang naluluha pa

"Konti na lang, ma at matutupad na lahat ng pangarap natin."

---

Bukas na. Bukas na ang pinakahihintay kong araw ng pagtatapos ko. Ang saya dahil sa loob ng halos apat na taong paghihirap ay ngayo'y nagtapos na.

"Anak? Sobra ka naming pinagmamalaki..." naluluha na namang ani mama "paniguradong ganon din ang papa, ngayong nakapagtapos kana, sobrang saya ko para sayo anak."

"Ano kaba naman, ma? Bukas pa po yung graduation ko pero nagdadrama Kana riyan HAHAHA"natatawang aniko

"Pupunta naman po kayo hindi ba?"tanong ko

"Oo naman, ako pa."

---

"Binabati kita, Alvin"

"Congrats, Alvin"

"Congratulation, Mr. Romero"

Bati sa'kin ng mga heads at gulo pag-akyat ko sa intablado para kunin ang akin Diploma at para narin magtalumpati.

Habang hawak hawak ko ang mic ay nagpalinga-linga ako upang hanapin ang pamilya ko at agad ko naman silang nahanap. Ngumiti ako.

"Buhay koleheyo. Masasabi kong ito ang pinaka mahirap na parte ng buhay ng isang estudyante lalo na kung wala kayong kaya. Pero hindi ibig sabihin non na dimo na maaabot ang iyong pangarap. Maniwala at magtiwa sa'yong sarili at dimo mamamayang unti unti mo na itong naaabot."

"Pamilya. Sila yung naging inspirasyon ko sa aking pag-aaral. Kahit mahirap, di nila ako iniwan. Sila ang dahilan kung bakit nakatayo ako ngayon sa inyong harapan hawak ang patunay ng aking pagtatapos. Lahat ng paghihirap ko ay nagkaroon na din sa wakas ng halaga."

Pagkatapos kong magsalita, nagsipalakpakan sila. Patakbo akong bumaba ng intablado upang puntahan sina mama at ang mga kapatid ko pero nakasalubong ko si tita Reyna na kapatid ni mama.

"Binabati kita, Alvin. Ang saya ko para sa'yo." Nakangiting bati nito sa'kin kaya ngumiti din ako pabalik.

"Maraming salamat po, tita." Aniko. Tatalikod na sana ako ng bigla siyang nagtanong.

"San ka pupunta?" Takang tanong Neto.

Ngumiti ako ulit, "Pupuntahan ko po sila mama, naghihintay po sila sakin." Nagulat siya dahil sa sinabi ko.

"A-anong ibig mong sabihin? Nasan sila?"

"Nandito po sila kanina, tita. Hahanapin ko lang po sandali." Paalam ko ulit. Aalis na sana ulit ako pero pinigilan nanaman niya ako.

"Ano ba tita? Pupuntahan ko lang po sina mama at mga kapatid ko!" Medyo napasigaw ako dahil sa inis.

"A-Alvin..." Tiningnan niya ako ng may lungkot sa kanyang mga mata, "Alvin, w-wala na sila."

Tiningnan ko siya ng di makapaniwala, "Hindi magandang biro yan tita." Inis na inis ng sabi ko

"A-Alvin, patay na sila." Umiiyak na ani tita.

Nabitawan ko ang hawak kong diploma kasabay nang pag-uunahang pagbagsak ng luha sa aking mata.

"T-tita, kausapan ko pa si mama kanina at... at n-nakita ko siya pati ang mga kapatid ko." Aniko. Mas lalong naiyak si tita

"Alvin, gumising kana. Wala na ang pamilya mo. P-patay na sila, apat na taon na ang nakakaraan." Ani tita.

W-wala na ang pamilya ko? Apat na taon? Apat na taon na silang wala?

"Namatay sila dahil sa tama ng malakas na bagyo, Alvin at ikaw lang ang nakaligtas."

Nanghina ang mga tuhod ko at bigla akong napaluhod habang tumutulo parin ang luha saking mga mata.

At naalala ko ang lahat.

Apat na taon na ang nakakaraan mula nung tumama ang napakalakas na bagyo sa'min.

Hindi sila nakaligtas.

Apat na taon din pala akong nabuhay sa isang imahinasyong kasama sila.

Ang daya nila. Iniwan nila akong mag-isa.

"Ma, nakapagtapos na po ako." Bulong ko, "para po sa inyo 'to."

"Mahal na mahal ko kayo."

Tama nga sila. Kalikasan ang matinding kalaban ng mga tao.

Short Stories (I don't recommend this)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon