Chapter 4: Post Itssss

144 4 0
                                    

"When I am with you there's no place I'd rather be..."
---
Jaja's POV

Nandito kami sa tindahan malapit sa Kalayaan Garden para bumili ng sunblock. Habang nung naglalakad kami ni Josh sabi ko "Josh, kahit anong mangyare best friends parin tayo ha." "Oo naman we're best friends." He replied worriedly. Hays buhay balak ko na kasi sabihin sa kanya ung nararamdaman ko baka ngayong araw, bukas, next week? Ewan basta hahanap ako ng right time. Natatakot kasi ako na baka magkailangan na mawala na pati friendship.
"Oh eto na sunblock mo." He said habang inaabot ung sunblock sakin "Thanks" I replied. "Bilisan na natin at mag te-10:30 na pala." I said. Pagbalik namin dumating na ung sasakyan namin na mag hahatid samin sa Coolbreeze Resort. After 15-20 minutes nakarating na kami sa resort kanya kanyang salansan na ng gamit sa cottage, palit ng bathing suit at lagay ng sunblock ung iba kong mga kaklaseng babae naka two piece kitang kita ang curve at makikinis nilang kutis samantalang ako naka shorts and t-shirt lang may curve naman din ako kaso nahihiya kasi ako at hindi naman ako nagsusuot ng ganon na daring. Samantalang ung mga kaklase kong lalaki naka shorts lang at topless may abs man o wala. Si Josh ang alam kong may pinaka perfect na body figure sa lalaki sa aming klase pero kahit kelan di ko pa nakikita ang abs niya whaaaa siguro napaka hot niya pag nakatopless kyaaah tama na nga pag papantasya. Sumunod sa perfect body ni Josh bali 2nd place si Patrick aba sobrang proud na proud siya sa almost perfect body figure niya kasi naman hangga't pwede siyang mag topless ginagawa niya kaya naman 'tong si Anne parang makakapatay ng higad sa sobrang daming lumalandi sa boyfriend niya. HAHAHA cute nila.

"Hi" sabi ni Lala kay Patrick kaklase naming post it kung kani-kaninong lalaki lumalapit. "Hi Lala sexy mo ah"sabi ni Patrick sabay wink. Hinawakan ni Lala si Patrick sa balikat "Ano ka ba naman ngayon mo lang napan---" natigilan si Lala sa pagsasalita dahil sa gulat. Dumating si Anne at hinatak si Patrick sabay hinalikan ng madiin. Huminto si Anne at tumingin kay Lala "Oh andito ka pala kanina ka pa ba?" Sabi ni Anne habang nakataas ang kilay. "Ah eh hindi naman napadaan lang ako." Sabi ni Lala na pautal utal. "Sa susunod kung dadaan ka lang dumaan ka wag ka na mag stop over at makipaglandian sa boyfriend ko intiendes??!" Malaks na sabi ni Anne. "O-oo promise" mahinang sagot sabay takbo ni Lala. Bumaling ang tingin ni Anne kay Patrick. "B-babe?" Nauutal na tanong ni Patrick. "Hoy ikaw daga ka sa susunod na makikita kitang nakikipaglandian sa iba sisiguraduhin kong masisira yang perfect body figure mo sa maga!" Sabi ni Anne na selos na selos. Niyakap ni Patrick si Anne "Babe naman wag ka na magselos kahit ilang higad pa silang umaligid sakin sayong sayo lang ako i love you." Sabi ni Patrick "Tse! Kung di lang talaga kita mahal ng sobra matagal ko ng pinamaga sa suntok yang almost perfect body mo!" Sagot ni Anne na may tampo parin sa boses. Black belter kasi si Anne sa taekwondo kaya walang kumakalaban sa kanya kasi di niya inaatrasan. "Haaay tara na nga sa cottage ang cute cute mo talaga magselos" pinisil ni Patrick sa pisngi si Anne at pumunta na sila sa cottage. Hay ang sweet nila talaga. Kanina ko pa sila pinanunuod habang nakaupo ako dito sa gilid ng pool at nakalublob ang paa ko, ayoko pang mag swimming.

"Lalim naman ng iniisip mo?" Tumingin ako sa nagsalita sa likod ko si Josh 'yun. "Wala lang naman. Bakit di ka pa nagswiswimng?" Tumabi siya sakin at pareho kami ng pagkakaupo. "Eh mainit pa alam mo naman ayokong umitim baka masira ang perfect body ko hahaha." Sabay pakita sakin ng triceps at biceps niya. Binasa ko siya ng tubig "Kapal mo naman!" Natatawang sabi ko.
"Josh"
"Bakit?" Tanong niya
"Maraming umaaligid sayong babae wala ka bang gusto kasi di ka naman nagkwekwento about sa love life mo." Sabi ko
"Eh ganun talaga pag gwapo kailangan maging pihikan pogi problems." Sabi niya sabay tawa. "Tsss kapal mo talaga." Binatukan ko siya.
"Pero seryoso Josh wala kang gusto?" Tanong ko
"Meron naman kaso di niya alam eh." Sabi niya sabay tingin sakin.
"Eh sino paalam mo naman sakin." Pangungulit ko "Sige bubulong ko sayo lapit ka." Sabi niya
"Tss arte naman kailangan pa lumapit." Pagrereklamo ko
"Aba edi wag na lang."
"Eh eto na eto na lalapit na." Pagsunod ko
"Si ano si--" sabay tulak sakin habang tuwang tuwa
"AHHHH! ANO BA NAKAKAINIS KA NAMAN!" Sabi ko na naiinis
"HAHAHAHA! NAKAKATAWA REAKSYON MO HAHAHA GULAT NA GULAT!" Sabi niya habang nakahawak sa tiyan kakatawa. Kainis to grrr babawian kita kala mo.
"Tse! Tumigil ka na nga kakatawa tulungan mo ako makaahon!" Inilahad niya ung kamay niya para tulungan ako makaahon kinuha ko yun at hinatak siya kaya pareho na kaming nasa pool. "Abaaa! Gumaganti ka ha!" Sabi niya. Nagkukulitan kami nagbabasaan kami nang may tumawag kay Josh. "Joshy?!" Napatingin si Josh sa kinaroroonan ng boses. Kinikilala niya yung babae at ng makilala niya umahon siya para lapitan ito. "Margarette!" Niyakap niya ito ng mahigpit at tumugon naman sa yakap ung Margarette. Ako nasa pool parin pinapanuod sila. "Kamusta ka na? Long time no see!" Sabi nung Margarette "Eto gwapo pa rin hahaha!" Masayang sagot ni Josh. "Nga pala may pakikilala ako sayo." Paanyaya ni Josh kay Margarette habang magka hawak kamay sila. "Jaja! Umahon ka dyan may pakikilala ako sayo." Medyo lumayo ako ng konti nung makita kong papalapit sila sakin. Umahon naman ako at pumunta sa knila. "Oh bakit ba?" Irita kong sagot ewan ko kung bakit ako naiirita dahil ba magkaholding hands sila? Hays ewan. "Jaja si Margarette childhood friend." "Slash childhood sweet heart niya" pag epal na sagot nung Margarette. Natawa naman si Josh "Margarette si Jaja best friend ko." Pag papakilala naman ni Josh sakin. "Hi Jaja" nilahad niya ung kamay niya para makipag shake hands hindi ko muna kinuha iyon tiningnan ko muna bago ako tumugon sa pakikipag kamay sabay ngumiti siya sakin na may halong masamang tingin. Tss may angking taglay na landi sa katawan. Sabi ko sa isip ko. Ngayon ko palang siya nakita pero di ko na siya gusto dahil ba close siya kay Josh o dahil nagseselos ako? Hay basta iba pakiramdam ko dito sa Margarette na 'to parang hindi kami magkakasundo.

Secretly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon