" Mga kapatid mo hindi sa dugo kundi sa puso. Sila yung mga kasama mo sa saya at sa lungkot. Sila yung mga kaaway mo at kabati. Sila yung mga pinagbubuksan mo ng problema. Ang barkada ang kasakasama mo sa mga lakad mo. Andyan ang hiraman ng gamit at hingian, may away at burautan, meron ding mga kalakasan ng trip at tinotopak. Kahit magkaiba ng gusto minsan, nagkakasundo pa din."
---
Jaja's POVOmg! Yesterday was my best day yet. Kasi naman feeling ko date na 'yun pero hindi peace date lang 'yun tapos kiniss ko pa siya sa cheeks sana hindi amoy bagoong bibig ko kumain kasi kami mangga mehehehe nilait pa nga ako sa pagbabalat nun psh mahirap kaya. Pero sana talaga kinilig siya sa pag kiss ko sa cheeks niya first time 'yun eh pero I saw him blushed. :""""""">
Ngayon naman may lakad buong tropa sa Star Kingdom nila Kia. Rich kid talaga nung kaibigan namin na 'yun. Nakabihis na ako susunduin nalang ako ni Josh. Ilang saglit lang may nag doorbell. Si Josh na 'to :""""""> excited na akong buksan ung gate. Pag kabukas ko ng gate nawala ung ngiti na hanggang batok ko dahil nakita ko si Josh kasama niya si Margarette. Tsss may epal. "Hi Ja!" Bati ni Josh sakin. "Hi Josh!" Bati ko kay Josh na habang ngiting ngiti ako. "Hi Margarette." Bati ko na walang ka emosyon emosyon. "Di mo ba kami papapasukin?" Sabi ni Margarette na inirapan pa ako. Tss istupidang 'to kapal ng face di naman kami close. "Magie wag na aalis na din naman tayo." Sabi ni Josh kay Margarette. "Okay Joshy ko." Sabay akbay sa braso niya. Tss Joshy kainis. Maka akbay tss. Sabi ko sa sarili ko dahil sa inis. Kinkalbo ko na 'to sa isip ko eh. Pano ba kasi nasama 'to grr.
Pumunta na kami sa Kalayaan Garden meeting place namin Nandun na sina Iza at Vins nauna na pala dun kasi kasama ni Josh si Margarette, Anne at Patrick na di nangangawit kaka holding hands. Pssh! Tong dalawang to talaga eh hilig mag tawag ng langgam. Kasama na rin nila sina Rafael kasama ang kapatid niyang si Bea, Zard na kasama pinsan niyang si Kuya Khyle, at si Cam kasama si Anine gusto niya kasi sunduin si Anine halata namang yamot na yamot si Anine. Magkaka-close na rin naman kami kasi ung mga lalaki naglalaro sa basketball tyaka sila ang mga varsity ng school namin at mga heart throb. Kami namang mga babae magkakaklase at varsity ng volleyball ng school namin. Naka-close na rin namin ung mga pinsan pinsan dahil sa mga sleepovers sa bahay bahay. Sina Iza at Vins ka-close talaga namin at isa pa sila ang dakilang cheerers namin tuwing may laro kami. Ung mga pinsan pinsan di pa ganong close pero magkaka-close din sila ngayong araw na 'to. Natatanging si Margarette lang ang hindi namin ka-close si Josh lang yata super close nun kahit sila Vins at Iza di gano.
Dumating na ang sasakyan na inarkila namin para papuntang Star Kingdom nakasakay dun si Kia kasama ang pinsan niyang si Ate Gela. Sina Kuya Khyle at Ate Gela ang inay at itay ng tropa sila ang takbuhan namin kapag nagkakaproblema. May something na rin yata sa kanila sa wakas eh dati kasi lagi silang nag babarahan yun pala secretly inlove sila sa isa't isa. Nauna silang grumaduate kesa samin dati si Kuya Khyle ang MVP ng basketball si Ate Gela naman sa volleyball.
Siniko ako ni Anne "Uy, siya ba si Margarette?" Tanong ni Anne. "Oo siya." Sagot ko. "Bakit nakasama?" Tanong naman ni Patrick. "Aba ewan ko nga ba feeling close siguro." Sagot ko na naiinis. "Nagseselos ka noh?" Tanong ni Anne. "Medyo tss kasi tingnan mo naman parang linta kung makakapit." Sagot ko na inis na inis. "Nako po. I smell something war." Sabi ni Patrick na natatawa. "Oy walang ganon di naman ako war freak." Sagot ko habang hinampas siya. "Iza" tinawag ko si Iza. "Bakit ate?" Tanong niya. "Bakit nakasama si Margarette?" Tanong ko. "E ewan ko ba ate nagpupumilit ayaw sana ni kuya kaso masyadong makulit." Sagot niya. "Ahh ganon ba salamat." Sabi ko kay Iza. "Tara na baka ma-traffic tayo." Paanyaya ni ate Gela.
Nakasakay na kami sa van eto arrangement namin
Driver Ate Gela Kuya Khyle
Margarette Josh Ako Rafael
Bea Anine Cam Iza
Zard Kia Vins
Patrick Anne"Nako po! Nagsarili nanaman 'tong mag lovey dovey" sigaw ni Zard tinutukoy sina Anne at Patrick. "Oy! Kayo dyan baka bukas ninang at ninong na kami ha." Biro ni Kia at nagtawanan kami. "Huuu inggit lang kayo! Mga bitter lords." Pagtatanggol ni Patrick sakanila ni Anne. "Walang forever lalo na pag may lintang nakakapit." Bigla kong nasigaw dahil sa sobrang buwisit ko sa Margarette na yun di na nangawit kakakapit sa balikat ni Josh ko wawa naman Josh ko napakabait kasi hindi tumanggi hays. Dahil sa sigaw ko sabay sabay silang nagsabi nga "HUGOT!" Nagulat din ako sa sinabi ko kaya hays tumahimik nalang ako. Alam ng buong tropa na may gusto ako kay Josh at palusot ko lang na crush ko si Cam natatanging si Iza, Vince at Josh lang ang hindi nakakaalam. Buti nalang at hindi sila nadudulas hays kaya hanggang ngayon secretly inlove parin ako sa best friend ko. After that tahimik na kami halos lahat tulog na. Ung iba kwentuhan ako soundtrip. Si Margarette nakatulog na sa balikat ni Josh si Josh naman sa balikat ko pati si Rafael sa kabilang balikat ko ang bigat nila ghaaad. >.< biglang gumalaw si Josh at hinawakan ung kamay ko. Hayss sana di nalang tumigil tong sasakyan. Mehehehe :""""> mahaba haba pang byahe 'to.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove
RomanceMay mga bagay na hindi natin inaasahan. Pangyayari sa buhay natin na bigla nalang dumarating. Pagmamahal na umuusbong at pagmamahal na tinatago. Kaya mo bang aminin ang pagmamahal mo sa kanya para sa ikapapanatag ng loob mo o itatago mo nalang haban...