Chapter 15: Why?

42 3 1
                                    

"I wish heartaches never existed."
---
Patrick's POV

6:00 am na at tulog na tulog parin 'tong mga 'to. Nandito kami sa bahay nila Kia. Dito na kami dumeretsong lahat dahil 2:00 am na ng makarating kami dito. Magkahiwalay ang kwarto ng babae sa lalaki.

Lumabas ako ng kwarto ko at pinuntahan ang kwarto ng mga babae tiningnan ko kung gising na ang babe ko. Saktong bubuksan ko na ang pinto ng biglang binuksan to ni Anne. "Good morning babe." Sabi ko habang niyakap siya. "Good morning din." Sagot niya na humihikab pa. Ilang minuto lang nagising na rin ang iba pa naming mga kasama. Nag ayos muna kami ng gamit at nanuod ng T.V. "Ms. Kia handa na po ang agahan." Sabi ng isa sa mga tiga pagluto nila Kia. Whaa grabe may personal chef pa rich kid talaga. "Sige po baba na po kami." Sagot ni Kia.

Habang kumakain kami ng agahan sinasabayan namin ng kwentuhan. "Grabe edi ayun na nga nagkabungguan kami nung gwapong nilalang ulit nung papauwi na tayo kyaaah napaka gwapo niya talagaaaaa!" Kilig na kilig na kwento ni Kia. "Sus kilala mo ba naman yan ha?" Tanong ni Rafael."Oo teka aalalahanin ko lang uhhhmm Carlie? Chalie? Teka wait." Iniisip mabuti ni Kia. "Charlie." Bigla kong sagot. "Kilala mo siya? Nakita mo ba?" Gulat na tanong ni Kia. "Hindi hinulaan ko lang kasi naman pangalang lalaki ba ung Carlie tyaka Chalie?" Palusot kong sagot. Bigla kong naalala si Riz.

Pagkakain dali dali akong pumunta sa kwarto ko at tiningnan phone ko.

From: Riz

What time tayo magkikita?
---
From: Riz

Saan? Anong oras.
---
Meron ding 5 missed calls galing kay Riz

To: Riz

Mamayang 5:00 pm sa park malapit sa court

Sending...
Message sent...

From: Riz

Okay. Sige see you.
---

Mamayang hapon malalaman ko na kung ano ang dahilan niya.

Pupunta naman kami ngayon sa Mall nila Zard. Dito kami mag momovie marathon at mag sasawa ng arcade buong maghapon date narin. Kahit anong gawin namin dito spa, salon, body massage or what libre lang pwera sa shopping lang may discount kami. Naghiwa hiwalay muna kaming mag couples. Anne at ako, Jaja at Josh ang bagong couple pero hindi pa naman daw M.U palang. Kuya Khyle at ate Gela. Tapos ung mga babae sina Margarette, Kia, Iza, Anine at Bea naman nag shopping muna ang mga lalaki naman sina Rafael, Zard, Vins at Cam naman nag arcade kagad. Kami ni Anne eto manunuod ng movie.

After the movie kumain naman kami ni Anne sa starbucks. "Babe I'm so happy right now." She said and then kissed me on my cheeks. "Me too babe." Sagot ko. "Babe kanina ko pa napapansin na parang di ka mapakali." Nag aalalang sabi ni Anne. "Ah wala wag mo na akong isipin ha mag enjoy nalang tayo." Sabi ko sabay ngiti.

4:00 pm na pala. "Babe uwi na tayo? Hatid na kita senyo?" Tanong ko kay Anne. "Oo sige pagod na rin ako eh." Sagot niya. "Sige tetext ko nalang sila sabihin ko nauna na tayo." I told her. Pakiramdam ko di ko napapasaya si Anne ngayon sh*t iniisip ko kasi dahilan ni Riz. Haaays buhaaay!

Nakarating na ako dito sa kanila aalis na dapat agad ako kaso pinilit niya ako pumasok. Pinagbigyan ko naman siya pero di na ako masyadong nagtagal dun dahil alam kong nag-iintay na si Riz. "Anne, kailangan ko na talaga umalis, pasensya ka na bukas nalang ulit." Saad ko. "Sige ikaw bahala ingat ka ha." Sabi niya na may halong lungkot sa boses. Bago ako umalis binigyan ko muna siya ng matamis na halik at yakap.
---
Anne's POV

15 minutes na ng umalis si Patrick pero iniisip ko parin kung okay siya o ano ang iniisip niya. Haaays sana okay lang babe ko. Sabi ko sa sarili ko.

*KRIIIING KRIIIING THERE IS A MESSAGE.*

Naiwan ni babe ung cellphone niya. Tiningnan ko kung sino nagtext. Riz? Parang narinig ko na to? Tanong ko sa sarili ko. Binasa ko ung message. Makikipagkita si babe sa park sa kanya? Kaya ba siya hadaling hadali? Baka kaibiga o kamag-anak lang. Pagpapanatag ko sa loob ko. Ibibigay ko na ang cellphone niya sa kanya sa kanila.
---
Patrick's POV

Nang dumating na ako sa park nakita ko si Riz sa swing. Nilapitan ko siya at binati "Hi Riz." "Hi Pat." Bati niya sakin. Naupo kami sa bench at ilang minuto din kaming nabalot ng katahimikan. "Uhhhm kamusta ba?" Panimula ko. "Ayus naman ikaw ba?" Tanong niya. "Eto masayang masaya." Sabi ko na may ngiti sa labi kasi iniisip ko si Anne. "Ahh." Ilang minuto na naman nabalot kami ng katahimikan. "Pat..." Bigla niyang tawag. "Bakit?" Tanong ko. Tiningnan ko siya ng may narinig akong hikbi, umiiyak siya. "Pat sorry..." Iyak siya ng iyak. "Riz bakit?" Tanong ko na nakatingin lang sa langit. "Alam kong sobrang nasaktan kita nung iniwan kita pero nasaktan din ako nun." Sabi niya. "Ano ba kasi ang dahilan gusto ko lang malaman para mawala na ang mga tanong sa isip ko na hanggang ngayon simula ng umalis ka hindi nawala." Sabi ko na walang emosyon. "Nang mag hiwalay ang magulang ko dinamdam ko yun ng sobra. Hindi mo alam yun dahil ayokong mag-alala ka sakin nun. Lalo pang nasaktan ang kalooban ko nun ng bigla silang magpakasal o sumama sa iba. Ang nanay ko sa tatay ni Charlie at ang ama ko naman sumama sa babaeng nakilala niya lang kung saan. Sobra akong nasaktan dahil sa nangyaring yun lalo pa't nalaman kong ayun nga may step brother ako at si Charlie yun. Di ko siya tanggap nun di ko tanggap ang pagbabagong nangyari sa buhay ko nun kaya ang mga desisyon ko ay padalos dalos. Kinuha ako ni lola dito at dinala sa New York pumayag ako dahil sa ka-gustuhan kong malayo sa mga bagay na nakakasakit sakin. Hindi ko na sinabi sayo dahil akala ko mas makakabuti yun pero nagkamali ako." Paghinto niya at humgulgol. Ang alam ko lang nun ay naghiwalay at sumama na sa iba ang magulang niya at may step brother siya pero di ko alam na nagdusa siya. "Dapat sinabi mo nalang maiintindihan ko naman eh. Siguro kung sinabi mo nag-antay ako sayo. Pero iba na ngayon iba na ang mahal ko at hinding hindi ko siya sasaktan." Pagsasad ko habang nakayuko. "Hindi ko alam na ganon kahigpit si lola di niya ako pinapayagang makipagusap kahit kanino dito sainyo. Kaya lalo akong nagalit kay Charlie pero naisip ko na kasalan ko rin. Bakit hindi ko sinabi sayo ang lahat at bakit ko sinisisi si Charlie kung tutuusin wala siyang kasalanan. Nagsisi ako nun ng sobra. Nang handa, pwede at okay na lahat nang kakausapin na kita sana muli kaso nalaman kong iba na ang mahal mo. Alam kong deserve kong masaktan dahil nasaktan kita ng sobra. Dati hanggang ngayon mahal parin kita" Pagsasaad niya na garalgal ang boses. "Oo nasaktan ako ng sobra pero dahil kay Anne nakabangon at natutong mag mahal muli ang puso ko. Sorry Riz pero siya na ang mahal ko at di ko siya sasaktan at pakakawalan pa." Saad ko sa kanya. "Tanggap ko na yun at masaya ako para sa inyo." Tiningnan ko siya at tiningnan niya ako na may ngiti. "Friends?" Tanong niya. "Friends sagot ko at niyakap niya ako at niyakap ko rin siya.
---
Anne's POV

Kasalukuyan na akong naglalakad ngayon patungo dapat sa bahay nila Patrick pero hindi ko alam kung bakit ay dinala ako sa park ng mga paa ko. Sino kaya ung Riz. Parang kilala ko siya pero di ko matandaan. Na-curious ako kaya naman pumunta akong park.

Heto na ako sa park at... Si Patrick may kayakap na iba. Siya si Riz. Naalala ko na si Riz ang ex ni Patrick na nang iwan sa kanya. Bumalik na pala siya. Sabi ko sa isip ko. Ngayon ko lang napansin na naguunahan tumulo ang mga luha ko. Hindi kaya mahal parin niya si Riz?! Pagdududa sa isip ko na sinasaktan ang puso ko.

Sh*t sh*t napatingin si Patrick sa kinatatayuan ko. "Anne?" Lumapit siya sakin. "Anne let me explain." Pinunasan niya ang mga luha ko pero sinagi ko ang kamay niya at hinagis ang cellphone niya sa muka niya at tumakbo ako. How dare him!
---
Author's note: Ano ang mangyayari kay Anne at Patrick? Masisira ba sila dahil lang sa misunderstanding? Abangan sa next chapter.

Secretly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon