"From the moment we started talking I knew that I wanted you around."
---
Ibang characters muna ha. Nag e-enjoy pa sa rides si Jaja kesa mainis. Hahahah okay.
---
Kia's POVNakakalimang rides na kami pagod na pagod na ako di yata uso sa mga to pahinga eh. Tatapusin yata nila ung 20 rides ng walang pahingahan jusme. "Oy! Pahinga naman di ba kayo napapagod?!" Sigaw ko sa kanila. "Oo nga pahinga naman nagugutom na ako eh." Sabi ni Jaja. Nagpahinga at kumain muna kami sa foodcourt. "Ako na kukuha ng pagkain." Sabi ko sa kanila mehehe di na kasi ako nag babayad kumukuha nalang ako okay lang amin naman tong Star Kingdom eh. Pagkakuha ko ng pagkain na nilagay ko sa basket na andami kasi ghaaad kasi naman alam kong mga matatakaw tropa ko e tumakbo na ako pabalik kaso biglang *BOOOGGGGSSSSHHH* "Araaaay! Ano ba 'yan di kasi tumitingin sa dinadaanan!" Galit na sabi ko sa lalaking nakabunggo sakin. "Eh miss bakit ka kasi tumatakbo na madami bitbit mo?" Sagot niyang masungit. Aba antipatikong to siya na nga nakabunggo sino ba 'to ha! "Hoy sino ka ba ha ikaw na nga tong nakabunggo sakin ang laki laki ng daan tapos sinasa---" sinasabi ko habang inaangat ung ulo ko natigilan ako kasi...Sh*t sh*t sh*t pogi naman ng nilalang na to. Ayy psh Kia may kasalanan yan sayo. "Oh bakit ka natigil?" "Wala! Pweee" pinulot ko ung mga pagkain buti nalang di lumabas sa lalagyan. Pagkapulot ko lahat tiningnan ko siya ng masama tyaka ko inapakan with full force paa niya. "Aray miss! Ganda mo pa naman kaso tigre ka pala. Ano pangalan mo?" Sigaw niya kaso di ko siya pinansin. Buwiset na gwapo kainis.
Nakabalik na ako sa pwesto namin. "Tagal mo naman yata tyaka bakit ngiting ngiti ka?" Tanong ni Zard sakin. "Wala may nakita lang akong gwapong nilalalang kaso nakakainis siya." Sabi ko "Nakakainis pero natutuwa ka? Hahaha." Sabi ni Anne. "Eh basta ano ba wag basag trip kumain nalang kayo." Sabi ko sabay bigay sakanila ng pagkain nila. Sino kaya siya noh dapat pala binigay ko pangalan ko pero I have this feeling na magkikita rin kami. Nung nakita ko siya I feel something abnormal in my heart. Psshhh huuu ano ba yan kinikilig ako.
---
POV ng Gwapong nilalang na nakabunggo kay Kia.Whaaa! So blessed today. Sa wakas nakita at nalapitan ko na ang babaeng gustong gusto ko simula ng mapanuod ko siya nung first year volleyball competition ng mga schools at kalaban ng school namin that time school nila. Tinanong ko pa pangalan niya para di naman obvious na kilala ko na siya baka masabihan akong stalker mas mahirap na. Bakit hindi niya ako kilala? Kasi hindi ako nagpapakilala tyaka baka naman mapansin niya ako maraming lalaking nagkakagusto sa kanya pero hindi niya pinapansin kahit mga varsity nga eh varsity ako ng school namin so ganun din mangyayare sakin katulad ng nangyare sa iba. Pero today di talaga inaasahan nakaayon sakin ang tadhana. Alam kong magkikita ulit kami ngayon at lalakasan ko na ang loob ko this time. By the way my name is Charlie.
---
Author's Note : Abangan kung ano mangyayare kina Kia at Charlie muli ba silang magkikita? Abangan sa susunod na chapter or chapters.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove
RomanceMay mga bagay na hindi natin inaasahan. Pangyayari sa buhay natin na bigla nalang dumarating. Pagmamahal na umuusbong at pagmamahal na tinatago. Kaya mo bang aminin ang pagmamahal mo sa kanya para sa ikapapanatag ng loob mo o itatago mo nalang haban...