"Never give up on something you really want. It's difficult to wait, but worse to regret."
---
Author's POVSo eto na 11 pm na at isang ride nalang. Syempre ano pa ba ang kulang edi ang couple's ride na ferris wheel. Ang magkasama syempre si Anne at Patrick sa isang cab, si Zard, Rafael, Bea at Kia naman sa isang cab. Kuya Khyle at Ate Gela ang magkasama. Si Anine, Cam, Iza, Vins at Margarette naman ang magkakasama sa isang cab at syempre si Jaja at Josh silang dalawa lang ngayon solong solo. Si Margarette ay sadyang di sumama sa kanila ngayon alam kasi niyang mas magandang pagkakataon to para masabi nila ang nararamdaman para sa isa't isa. Pinauna talaga nila pasakayin sina Jaja at Josh para masabi ni Margarette ang plano.
FLASHBACK
"Guys, alam kong kontrabida ako sa paningin niyo ngayon pero ginagawa ko lang yun para maburst out nila ung feelings nila." Sabi ni Margarette. "Pano mo nalaman na secretly inlove sila?" Tanong ni Iza ngayon lang din nalaman ni Iza na secretly inlove si Jaja at Kuya niya sa isa't isa ang alam lang niya dati kuya lang niya ang may gusto ganon din si Vins ngayon lang niya nalaman. "Halata kasi sa mga tingin at kilos nila." Sabay ngiti kay Iza. "So ano plano?" Tanong ni Kia. "Diba mag kaka-fireworks, ipapahinto natin kay kuya na operator ng ferris wheel kapag nasa tuktok na cab nila Josh at magandang time yun para sa magandang confession. "Uy! Maganda yan maganda mehehe." Tuwang sabi ni Ate Gela. Sumakay na sila sa kanya kanyang cab nila.
END OF FLASHBACK
Jaja's POV
Whaaaa! Gandaaaaa! "Josh look ganda oh!" Sabi ko kay Josh. "Pero mas maganda ung nasa harap ko." Di ko masyadong naintindihan ung sinabi niya. "Ha?!" Tanong ko. "Sabi ko ang ganda mo." Nakatingin siya ng seryoso sakin habang nakangiti. "Oy bakit ka ganyanmakatingin ha para kang may sanib." Sabi ko habang ginawa ko sa daliri ko ung cross sign. Lumapit siya sakin at niyakap ako. "Josh bakit?" Titingnan ko dapat siya kaso hinigpitan niya lalo yakap sakin. Kaya pinabayaan ko nalang gusto niya siguro ganong pwesto. "Jaja..." "Josh bakit? Okay ka lang ba?" Pag aalala ko humikbi siya umiiyak siya! "Ja, matagal ko nang gustong sabihin to sayo. Hindi ko alam kung pano ko sisimulan. Sa simula palang na nakilala kita iba na naramdaman ko. Lahat ginawa ko para lang maging close tayo. Nung araw na tinanong ko sayo kung pwede kitang maging best friend un ung araw na dapat tatanungin kita kung pwede kitang ligawan kaso naunahan ako ng takot at pagka torpe kasi iniisip ko kesa mapalapit ako sayo lalo sa panliligaw ko baka lumayo ka. Sa tuwing nakikita kitang masaya kay Cam kumikirot ang puso ko nag seselos ako at naiinggit kasi pakiramdam ko di ko mabigay sayo ung mga ngiting yun. Nung nagkagalit tayo na dahil sakin hindi ako makatulog nun present ako sa outing namin pero ang isip ko naglalakbay. Hindi ako mapakali at makatulog nun. Kaya nung nagkaayos tayo naging masaya ako. Inisip ko na date na natin yun. Para sa akin ikaw na ang babaing ihaharap ko sa altar ipagmamalaki kong girlfriend ko at magnanakaw ng apelido ko. Pero kung hindi man ang sagot mo hayaan mo akong yakapin ka ganito muna tayo at sana sa mga sinabi kong ito walang magbago sa pagkakaibigan natin. Mahal kita Jaja mahal na mahal kita" sabay nun ang mga magagandang fireworks sa langit nasa tuktok kami ng ferris wheel ngayon magkayakap parin kami. Nagulat ako sa mga sinabi ni Josh hindi ako makagalaw ngayon ko lang napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko.
"Josh..." Sambit ko na garalgal ang boses. "Jaja please kung hindi man ganito muna tayo." Sabi niya habang umiiyak. "Sino ba nag sabi sayo na hindi ang sagot ko?" Napatingin siya sakin. "Josh matagal na rin kitang gusto hindi ko alam kung paano kelan basta bigla nalang mahal na kita kaso nangako tayo sa isa't isa na best friends tayo until the end un ung pinanghawakan ko para itago nararamdaman ko natatakot rin akong masira ung pangakong yun. Mahal kita Josh mahal na mahal kita. Ung kay Cam palusot ko lang un alam niya na ikaw ang gusto ko. Ang totoo nung swimming nagseselos ako sainyo ni Margarette. I hate that every time I'm about to give up, you keep giving me reasons to stay." Sambit ko habang iyak ng iyak di ko na maaninag ung muka niya dahil sa luha. "Jaja..." He whispered and then our first kiss happen. I close my eyes I don't want to open it because I'm scared that it is just another dream but a different dream. Panaginip na nangyare na ung first kiss. "Jaja open your eyes." He commanded "Nasa bahay na ba tayo?" I said. "Wala haha bakit naman." "Kasi baka napapanaginipan na naman kita." I said still crying. "Hindi ka parin ba makapaniwala?" He said smiling. "I can't still believe." He kissed me again. "Ayan hindi parin ba?" He smiled. "Still not." I said "psh umiiscore ka lang eh." I pout when he said that. He looked away saying "Wag ka nga mag pout you make me want to kiss you." He shyly said. I smiled and he looked at me. We share a sweet and meaningful kiss. "I love you Jaja." He whispered to my ears. "I love you too Josh." I replied and the ferris wheel started to move. Parang binigyan talaga kami ng time para makapagusap. Mehehehe nakikiayon ang tadhana.
---
Author's Note: nagkaaminan na sila Jaja at Josh from best friends turned to be lovers na sila. Ano kaya ang mga pagsubok na makakaharap nila. Abangan
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove
RomanceMay mga bagay na hindi natin inaasahan. Pangyayari sa buhay natin na bigla nalang dumarating. Pagmamahal na umuusbong at pagmamahal na tinatago. Kaya mo bang aminin ang pagmamahal mo sa kanya para sa ikapapanatag ng loob mo o itatago mo nalang haban...