Chapter 17: Sorry naaaa

76 5 0
                                    

"You're the one I love, you're the one I need, you're the only one I see..."
---
Anne's POV

Maaga akong nagising na blangkong blangko ang utak. Halos hindi ko madilat ang mata ko sa maga at sa nagdidikitang mga muta dahil sa kakaiyak kagabi. Kasi naman makakatulog ako tapos magigising ako tapos maalala ko tapos maiiyak nanaman ako nice diba? T.T tumingin ako sa salamin at napakahaggard ko stress na stress ang itsura ko. Humiga ulit ako at nakatingin lang sa kisame naaalala ko ang mga nangyare kagabi kaya naman heto umiiyak nanaman ako.

Pumasok si kuya Renz, nadatnan niya akong umiiyak kaya naman tumalikod ako at niyakap nalang ang unan ko. "Anne, kakain na tayo." Sabi ni kuya habang hinahaplos ang buhok ko. "Ayoko pong kumain kuya wala akong gana." Sabi ko na walang kagana gana sa boses. "Tumahan ka na pagdadalhan na lang kita dito." Sabi ni kuya Renz. "Opo thank you." Sagot ko habang nakasubasob parin ang muka sa unan. Umalis na si kuya Renz di parin tumitigil ang mga luha ko. Napagpasyahan kong kunin ang cellphone ko at buksan. Pagkabukas ko tunog siya ng tunog nang tumigil tiningnan ko kung sino ung nagtext si Patrick pala binuksan ko at nanlaki ang mga mata ko dahil.

From: Patrick

-Anne let me explain pls.
-Babe I'm sorry talk to me.
-Babe, kahit pagtabuyan mo pa ako hindi ako aalis dito sa tapat ng bahay niyo.
-Dito lang ako makikita mo ko dito hanggang bukas.
-Aantayin ko paglabas mo kahit sa susunod na bukas nandito parin ako o kahit ilang araw pa nandito lang ako.

Tumutulo na ang luha ko. Tumingin ako sa bintana at nandon nga siya. Halatang halatang hindi siya kumportable dun. Gusto ko na siyang puntahan pero masakit yung ginawa niya pinairal ko ngayon ung pride ko.

Mga isang oras na akong nakahiga lang simula ng tingnan ko siya mula sa bintana. Sinilip ko ulit kung nandun parin siya...at nandun pa nga siya. Sh*t naman eh. Sabi ko sa sarili ko habang nakasilip sa bintana at pinagmamasdan lang siya. Nagpasya na akong puntahan siya. Pakikinggan ko na siya. Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ako humarap sa kanya.

Pagkabukas ko ng gate bigla siyang tumayo. "Anne...pakinggan mo na ako please." Sabi niya sabay luhod. "Ano ba tumayo ka nga dyan." Hinihila ko siya patayo habang naiiyak na ako. "Hindi ako tatayo dito hangga't di mo ako pakikinggan. "Oo na pakikinggan na kita tumayo ka na dyan." Utos ko sa kanya. Nagsimula na siyang magpaliwanag. "Anne ung nakita mong magkayakap kami ni Riz wala lang yun ibig sabihin nun magkaibigan nalang kami. Nagkita kami para linawin ang nakaraan para matapos na ang mga tanong. Aaminin ko sayo nang makita ko siya kumirot ang puso ko hindi dahil mahal ko pa siya kung di dahil may mga tanong pa sa isipan ko na gusto ko lang masagot. Yun lang yun, ikaw lang ang babaeng mahal ko wala nang iba." Pag papaliwanag niya habang nakahawak sa kamay ko. Hindi ako kumikibo naiinis parin ako. Syempre masakit kaya makita mo ung boyfriend mo kayakap ex niya. Nagsimula siyang kumanta.

Baby it's you.
You're the one I love.
You're the one I need.
You're the only one I see.

Come on baby it's you.

You're the one that gives your all.
You're the one I can always call.
When I need you make everything stop.
Finally you put my love on top

Kinanta niya yung favorite song ko. Kanta ko talaga yun para sa kanya. Kinikilig ako na naiiyak na ewan. "Bakit ka kasi nagsikreto sakin... Maiintindihan ko naman eh tyaka diba dapat walang secrets." Sabi ko habang umiiyak na. "Sorry babe alam ko un ang pagkakamali ko. Hindi na mauulit." Sabi niya habang pinunasan ung luha ko. "Tyaka diba past mo na bakit mo pa siya kailangan kausapin?" Tanong ko. Niyakap niya ako "Babe, gusto ko kasi wala na akong konekta sa past ko. Kaya ko siya kinausap para tapos na masagot na lahat ng tanong ko. Babe always remember, she has lived in my past since the day she left me. Babe, you are my present and will always be my future. I love you always." He said he faced me then he gave me a sweet smile and I reply with a sweet smile also. "I love you more babe." I said then we share a long sweet and overflowing love kiss.

After that kiss. Lumabas si kuya Renz. "Ikaw na naman?" Galit na sabi ni kuya. "Kuya okay na po kami alam ko na ang totoo." I said and I hug kuya. "Sure ka ha okay ka na." Sabi niya tapos tyaka tumingin ng masama kay Patrick. "Kuya sorry po sa nagawa ko kay Anne." Sabi ni Patrick habang nakayuko. "Alam mo bang gustong gusto kitang upakan ngayon... Pero dahil okay na kayo ni Anne at mahal na mahal ka niya patatawarin na kita" sabi ni kuya. Yayakapin na dapat ni Patrick si kuya dahil sa tuwa. "Ano yayakap ka pa?" Tinapat ni kuya ung kamao niya sa muka ni Patrick. Ako tinatawanan lang sila. "Basta wag na sanang maulit yun. Wag na wag mo nang papaiyakin si Anne dahil di lang pasa mapapala mo sakin." Banta ni kuya. Scary >.< "Opo pangako po." Sagot ni Patrick na magalang. "Osige tara na at pumasok kakain muna tayo." Sabi ni kuya. Naunang pumasok si kuya tapos sunod kami ni Patrick inakbayan niya ako tyaka kiniss sa noo. I love him very much.
---
Author's note: okay na sila anne at patrick. Next chapter magbabalik na sina Jaja at Josh.

Secretly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon