"You are my happy pill."
---
Josh's POV7:30 am palang at nandito na ako kela Jaja. Napagpaalam ko na sa mommy at daddy ni Jaja kagabi na liligawan ko siya at tuwang tuwa sila.
FLASHBACK
Date namin ngayon ni Jaja 6:30 pm na. Pero di pa niya alam na magde-date kami pagpapaalam ko muna kila tito at tita "Oh iho saan ba kayo pupunta ni Jaja?" Tanong ni tita mommy ni Jaja. "Ah ano po kasi pagpapaalam ko po sana siya mag de-date po kami." Sabi ko kay tita na nahihiya. "Ahh ganon ba." Sabi niya na nakangiti. "Tyaka po liligawan ko po si Jaja." Sabi ko sa kanila. "Gustong gusto ka namin para sa anak namin. Akala namin hanggang mag best friends nalang kayo at halata namang may gusto rin sayo si Jaja." Sabi ni tito na nakangiti rin. "Osige alam na ba ni Jaja na pupunta ka dito at magde-date kayo? Nakahilata lang kasi siya sa kama eh?" Tanong ni tito. "Actually hindi po eh surprise lang po." Sabi ko na natatawa. "Ah ganon ba. Teka matawag nga." Sabi ni tita. "JAAAAAA! MAY BISITA KAAAA BUMABA KA DITO!" Sigaw ni tita kay Jaja. "Sino po b---?" Tanong ni Jaja na muntik ng malaglag sa pagbaba dahil sa gulat na makita ako. "Ano ba yan bakit nandito ka di ka man lang magsabi muka tuloy akong basahan." Sabi ni Jaja na mukang embarrassed. "Gusto kita isurprise eh." Sabi ko na nakangiti. "Boto na kami ha." Sabi ni tito. "Huh?" Pagtataka ni Jaja. "Wala, magbihis ka na may date tayo." Sabi ko sakanya then I pinch her nose. "Ehhh!" She said. Dali dali naman siyang umakyat para mag bihis at magayos.
1 hour din akong nagintay na matapos mag ayos si Jaja. "Hi, sorry na oh matagal ako." Sabi ni Jaja na nakayuko. "Okay lang yun, kahit na wag ka na maglagay ng pulbos or what maganda ka." Sabi ko sabay ngiti sa kanya. Maganda naman kasi talaga siya.
Nagpaalam na kami kela tito at tita. "Mi, alis na po kami." Sabi ni Jaja kay tita. "Osige ingat kayo." Sabi ni tita samin. "Josh, hanggang 10 lang ha." Opo tito. "Eh di 10:30?" Hirit ni Jaja with puppy eyes. "Fine basta hanggang dun lang." Sabi ni tito. "Yaaay! Mwuaaa i love you di!" Sabi ni Jaja sabay yakap kay tito. Umalis na kami.
Pumunta kami sa restaurant. Naghanda ako ng candlelight dinner para samin. Restaurant namin to di pa siya nakakapunta dito dahil bago pa at hindi ko sinasabi sa kanya na samin to. We ate and talked, normal date ganon. I gave her flowers and may violinist na tumutugtog sa harap namin. After that pumunta kami sa ice cream shop na pinuntahan namin dati na malapit sa park. "Welcome sir." Sabi ni ate na nasa cashier. Si ate din yung dating nag cashier samin nun. "Hi ate ung couple's flavor po." Order ko. "Okay." Pinunch na ni ate ung order ko. After ilang minutes lang. "Sir eto na po ang order niyo." Abot ni ate sakin ung ice cream. "Natatandaan ko po kayo, kayo po ung bagay kaso mag best friend lang diba?" Intriga ni ate. Medyo chismosa siya "uhmm opo kami po yun." Sabi ni Jaja. "Pero di nalang po kami mag best friends ngayon." Sabi ko kay ate. "Sabi na magkakatuluyan din kayo eh." Sabi ni ate na tumatawa. "Ay nanliligaw palang po ako." Sabi ko na nakangiti. Umalis na kami at umuwi saktong 10:30 nasa bahay na si Jaja. "Pasok ka muna?" Paanyaya ni Jaja. "Di na pahinga ka na." Sabi ko. "Okay sige thank you sa ngayon." Sabi niya and then she kissed me on my cheeks. Sumakay na ako sa sasakyan at umuwi na ako.
END OF FLASHBACK
Ngayon heto ako nasa kwarto ni Jaja pinanunuod siyang matulog she's so cute. Natempt akong ikiss siya sa lips palapit na ng palapit muka ko nang dumilat siya. Gulat na gulat expression niya. "AHHHHHHHHHHHHHH!" Sumigaw siya sa tenga ko napaatras ako nabingi na yata ako sakit T.T. Tinakpan ko bibig niya "Shhhhhh wag ka maingay baka ano pa isipin nila na ginagawa ko sayo." Hinawi niya yung kamay ko. "Eh bakit ba kasi nandito ka ha? Tas ang lapit pa ng muka mo! Nakakahiya ung itsura ko matulog! Tumutulo pa yata laway ko -.-" Tanong niya na pasigaw. "Eh kasi naman po sabi ni tita ako na daw gumising sayo." Sabi ko sabay kurot sa ilong niya. "Tss kahiya talagaa." Sagot ni Jaja na sabay talikod. "Maligo at magbihis ka na nga." Utos ko. "Oo na bumaba ka na." Bumaba na ako at nag antay.
After 1 hour and 30 minutes natapos na rin siya. Pagbaba niya ay napanganga ako napakaganda niya simple lang pero naguumapaw ang ganda niya. "Oh natulala ka naman sa ganda ko." She said then smirked "Oy di porket mahal kita aabuso ka." Sabi ko sabay tawa. "Hate you!" She said then nag pout siya. Tumingin ako sa malayo. "I told you na wag ka mag pa-pout it makes me want to kiss you." I said then i feel I blushed. "Cute mo naman mag blush hahaha." Sabi niya sabay kurot sa cheeks ko. "Araaay!" Pagrereklamo ko. "Hahaha tara na nga san ba tayo pupunta?" She asked. Inakbayan ko siya. "For me to know and for you to find out." I said then I kissed her forehead.
---
Author's Note: Hi peace na po ngayon lang nakapagupdate. Naging busy eh hehehe lovelove
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove
RomanceMay mga bagay na hindi natin inaasahan. Pangyayari sa buhay natin na bigla nalang dumarating. Pagmamahal na umuusbong at pagmamahal na tinatago. Kaya mo bang aminin ang pagmamahal mo sa kanya para sa ikapapanatag ng loob mo o itatago mo nalang haban...