Chapter 16: Falling to Pieces

58 3 0
                                    

"My love for you was bulletproof but you're the one who shot me..."
---
Patrick's POV

What just happened?! Kailangan ko mag explain sa kanya. Hindi ganon ung iniisip niya. Nilapitan ako ni Riz at hinawakan sa ako sa balikat "Go sundan mo na." When she said that I run and immediately chase her. "Anne!" I shouted pero di siya lumingon instead lalo pa siyang tumakbo. Sinundan ko siya at papunta siya sa bahay nila. I need to explain sana makinig siya sakin. I can't handle to see her suffering lalo na't ako ang dahilan nun. I mumbled to myself.
---
Anne's POV

Dito ako sa bahay namin dinala ng mga paa ko. Dumeretso ako sa kwarto ko at dun nag i-iiyak. Malabo ang lahat ng naaaninag ko dahil sa mga luha. Nasa kama ako ngayon humahagulgol parin habang yakap yakap ang life size teddy bear na bigay sakin ni Patrick. Bakit ganon?! Kulang parin ba ako? Hindi ko parin pala napalitan sa puso niya ung babaeng nang iwan sa kanya. T.T sabi ko sa sarili ko habang iyak ng iyak.

Iyak lang ako ng iyak walang tigil ang mga agos ng mga luha ko nang biglang may pumasok sa kwarto ko. "Anne bakit?" Nilapitan ako ni Kuya Renz kapatid ko. Hindi ako sumasagot. "Anne bakit sabihin mo sa kuya sino nag paiyak sayo?!" Kwinento ko kay kuya ung nakita ko at kung sino ung kayakapan niyang babae. "G*go pala yun eh. Nangako ngako siya sakin na hindi ka niya papaiyakin tas ngayon anong ginawa niya?!" Galit na sabi ni Kuya Renz at napatayo siya. Hinahawakan niya ang kamao niya na alam ko anytime makakasuntok na siya. "Huwag na huwag lang niya ipakikita sakin ang pagmumuka niya baka di ko matantsa ung inis ko." Galit na galit talaga si kuya. "Kuya please tama na po." Niyakap ako ni kuya at ako iyak parin ng iyak.

Ring ng ring ang cellphone ko tiningnan ko kung sino at si Patrick yun tawag siya ng tawag pinatay at binato ko yun. Kasama ko parin si kuya na pinatatahan ako ng biglang "Anne! Kausapin mo ko please. Let me explain." Sigaw ni Patrick sa labas ng bahay namin. Sigaw siya ng sigaw hanggang di na makaya ni kuya ang inis niya lumabas siya at hinarap si Patrick. "Kuya Renz nandyan po ba si Anne kailangan ko lang po siyang makausa---" di na pinatapos ni kuya ang sasabihin ni Patrick sinuntok na kagad niya ito sa muka. "ANONG GINAWA MO SA KAPATID KO AT SINAKTAN MO SIYA HA?" sigaw ni kuya habang pinagsususuntok si Patrick. Hindi lumalaban si Patrick. Inaawat ko si kuya "Kuya tama na po please." Iyak ako ng iyak habang inaawat si kuya. "Patrick umalis ka nalang umalis ka na ayokong makita ka!" Sigaw ko sa kanya habang hawak hawak ko si kuya umalis si Patrick ng malungkot at namamasa ang muka dahil sa mga suntok ni kuya. Niyakap ako ni kuya at niyakap ko rin siya nang kumalas ako sa pagkakayakap namin tumakbo ako sa kwarto ko at nag lock iyak parin ako ng iyak napikit nalang ang mata ko dahil sa pagod kakaiyak.
---
Patrick's POV

10:00 pm na ng gabi trinay kong tawagan sina Jaja at Josh at sakto namang magkasama pa sila. Pinuntahan nila ako sa bar kung saan ako naroroon. Inabutan nila akong umiinom. "Pare ano nangyari bakit ka puro pasa?" Pag aalalang tanong ni Josh. "May nang gulpi ba sayo? Bakit ka umiiyak?" Tanong naman ni Jaja. Hindi ko sila sinagot inubos ko lang ang iniinom ko at umorder pa ulit ako. Pagkabigay ng bartender ung order ko iinumin ko na dapat kaso kinuha ni Josh. "Ano ba pare akin na yan pabayaan mo muna ako." Sabi ko habang inaagaw ung alak. "Ano ka ba bakit ba kasi? tinawag mo kami dito dahil may problema ka diba huling nakita ka naming ganyan nung iniwan ka ni Riz." Sabi sakin ni Josh. Kwinento ko lahat sakanila kung ano nangyari. "Nakabalik na pala si Riz pero bakit kaya hindi niya sinabi sa atin?" Pagtataka ni Jaja. "Baka hindi pa siya handang harapin tayo nagkataon lang na nagkita sila ni Patrick sa Star Kingdom." Sabi ni Josh. Bumaling sakin si Jaja at sinabing "Dapat pinaalam mo kay Anne na nakita mo si Riz una palang." Sabi ni Jaja. "Dapat rin sinabi mo sa kanya na magkikita kayo para magusap at malinawan sa nakaraan." Pagpapatuloy ni Jaja. "Akala ko kasi mas makakabuti na hindi ko sasabihin sa kanya." Sagot ko. "Pero maling akala yan. Ngayon na misunderstood niya ung nangyari mas nasaktan siya. Dapat sa isang relasyon para tumatag lalo walang tinatagong sekreto." Sabi ni Josh. Wala na akong naisagot non nakayuko nalang ako. "Sige salamat mauuna na ako." Sabi ko kila Jaja at Josh. "Saan ka pupunta?" Tanong nila pero hindi ako sumagot. Medyo hilo akong naglalakad naparami rin ang inom ko. Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila Anne. 10:40pm na sarado na ang ilaw ng bahay nila. Sana naman nakatulog siya sana hindi ako maging dahilan para mapuyat siya. Dito lang ako sa labas ng bahay nila hanggang mag umaga. Hindi ako aalis dito hangga't kausapin niya ako. Bulong ko sa sarili ko habang napa-upo ako dito sa tapat ng bahay nila dahil sa pagod.

Secretly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon