"Happiness is not constant."
---
Josh's POVPagkatapos namin ni Jaja magmunimuni at magkaroon ng candelight lunch sa hidden sanctuary ko/namin ni Jaja ay papunta naman kami sa arcade upang maglibang. Simple lang naman ang date namin gusto kasi niya na chill lang ang date simple lang kumbaga di magarbo pero syempre di pwede yun sakin bawat date namin ay pagiisipan kong mabuti kagaya nalang sa hidden sanctuary kanina.
Magkaholding hands kaming naglalakad sa mall pansin ko parin ang pagkailang niya at pagkahiya kahit na ilang beses na naman kami nakapag HHWW cute niya talaga.
"Baby" tawag ko. Bagkus na sumagot ay tiningnan lang niya ako.
"Uhmm, okay ka lang? Naiilang ka parin ba?" Umiwas siya ng tingin.
"Uhm medyo" damn she's so cute
"Sige di ko bibitawan tong kamay mo kahit saan tayo magpunta. Sasanayin kita." Sabay kindat ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagba-blush niya kinilig haha!
"Weh? Kahit saan talaga?"
"Kahit saan baby."
"Kahit habang naglalaro tayo sa arcade?"
"Yup"
"Kahit habang kumakain?"
"Yep!"
"Kahit na c-CR ako?" Ngising tanong ni Jaja
"Of cour-- ay baby exception na yun. Pero kung gusto mo pabor sakin." Sabay kindat ko sa kanya hahaha! Pagtritripan mo pa ako ha. Nakita ko naman ang matalim na tingin sakin ni Jaja at bigla niya akong hinampas.
"Bastos ka bastos!" Palo ni Jaja sa braso ko. Hahaha nainis
"Eh ikaw nagtanong kung hanggang CR sinagot ko lang naman! Hahaha" sagot ko habang ipinangsasangga ko yung kabilang braso ko sakin.
"Eh sabi mo kasi lahat so hindi lahat yun. Tyaka tinitingnan ko lang yung pagkamanyak mo kung hindi umiiral. Napapangiti na ako kaso nabawa eh batos ka bastos hmmmp!" Sabi ni Jaja sabay bawi ng kamay at nagcross arms at lumakad palayo.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Sa CR bakit ba?" Mataray na sagot ni Jaja.
"Tara samahan na kita you want?" Sabay wink. Hahaha nako po i trigger the monster. Bilis bilis siyang lumapit sakin and of course binugbog na naman ako.
"Ugh pervert! I hate youuuu!" Sinasabi niya sakin yan habang pinaghahampas at pinagbabatukan. Tsk sadista naman ng baby ko T.T
"Tss..I love you short tempered monster." Niyakap ko muna siya tyaka ko sinabi yan.
"Tss bitaw na nakakahiya nakakagawa na tayo ng eksena oh." Sabi ni Jaja habang nakasubsob sa chest ko.
"Don't mind them." Okay madami na ngang nakatitig.
"Pero bawal talaga? Samahan kita mag cr." Bulong ko sa kanya na may pangasar na boses.
Lumayo siya sa yakap ko at tinapakan lang naman niya yung paa ko ng sandals niya na may onting heels. "Arghhhh PERVERT!" Sigaw niya sakin sabay alis. Dali talaga mabadtrip nun.
Inabangan ko nalang si Jaja sa labas ng CR.
Habang inaabanga ko si Jaja may nakita akong babae na umiiyak habang kausap ung lalaki.
"Walang ya ka! Magsama kayo ng babae mo tapos na tayo!" Sabi nung magandang babae sa lalaki na boyfriend niya yata.
Paalis na sana ung babae ng higitin siya nung lalaki sa kamay.
"Babe, please naman mag usap tayo ng matino." Sabi nung lalaki.
"Wala na tayong paguusapan tapos na tayo ituloy mo na yang kalandian niyo! Mga hayop!" Sagot ng babae habang pinipilit na makawala sa hawak nung lalaki.
"Babe, I'm sorry ikaw lang talagaa." Di parin binibitawan nung lalaki ung kamay ng babae.
"Ano ba! Bitawan mo ako nasasaktan na ako!" Pag rereklamo nung babae pero ayaw parin siyang bitawan nung lalaki.
Hays buhay mangingialam pa ba ako? Argh ayokong nakakakita ng babaeng nasasaktan eh.
"Pare bitawan mo siya nasasaktan na siya oh." Sabi ko sabay hawak sa braso ng lalaki.
"Eh gago ka pala sino ka ba ha? Wag kang pakialamero!" Sabi sakin nung lalaki sabay suntok sakin.
"Eh ikaw yata ung gago dyan eh sinasaktan mo na ung babae oh!" Gumanti ako ng suntok at nagsuntukan kami.
"Tama na nga yan! Nel umalis ka na!" Awat samin nung babae mej nakakahiya na rin kasi pinagtitinginan na kami.
"Babe May please..." Pag mamakaawa nung Nel tsss yabang gagawa gawa ng kalokohan.
"Umalis ka na!" Sabi nung May.
"Di pa tayo tapos tandaan mo yan!" Sabi sakin habang nakaduro ung gunggung na Nel.
"Thanks!" Sabi nung May with matching hug
But then...
Shiiit! Lumabas na si Jaja!!!!
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove
RomanceMay mga bagay na hindi natin inaasahan. Pangyayari sa buhay natin na bigla nalang dumarating. Pagmamahal na umuusbong at pagmamahal na tinatago. Kaya mo bang aminin ang pagmamahal mo sa kanya para sa ikapapanatag ng loob mo o itatago mo nalang haban...