Chapter 5: Still

105 4 0
                                    

"Just a fraction of your love fills the air and I fall inlove with you all over again..."
---
Inaya kami ni Margarette sa cottage nila, well si Josh lang talaga niyayaya niya sinama lang ako ni Josh aish nakakaburyo -.-" tumatakbo silang dalawa magkahawak kamay papuntang cottage nila Margarette pssshhh gustong gusto ko na ingudngud sa semento muka nung babaing 'yun makaagaw kay Josh hindi ba niya alam na may kasama ung tao grr. Nandito na kami sa cottage nila Margarette at kwento siya ng kwento about sa kanila ni Josh as if namang may pake ako tss. "At alam mo ba Jaja dati nung mga bata pa kami niyaya niya ako magpakasal diba he's the sweetest?!" Sabi ni Margarette na halatang kinikilig. "Ano ka ba Magie shh ka lang." Nahihiyang sabi ni Josh. "Aba para naman malaman niya yung mga sweet na ginagawa mo sakin noong bata pa tayo." Sabay hampas kay Josh. Tss, sobrang naiinis na ako sa babaeng yun pati na rin kay Josh nakikipag holding hands naman tsss kainis grr. Sa sobrang inis ko or selos na ba yun? Nangingilid na luba ko kailangan ko ng umalis dito. "Ah sigi maiwan ko muna kayo ha." Sabi ko na garalgal na yung boses ko tumakbo na ako. "Jaja!" Tawag ni Josh pero si ko siya nilingon.

Pumunta ako sa cottage namin walang tao busy sila sa pag swiswimming kaya naman dito nalang ako nag amok. "Jaja?" May tumawag sakin at tiningnan ko 'yun. "Cam!" Napatayo ako sabay yakap kay Cam. "Bakit ano problema?" Tanong niya di ako sumagot humagulgol lang ako ng iyak. "Tahan na" utos niya habang tinatapik ung likod ko nagtagal din kami sa posisyon na yun hanggang sa nahimasmasan na ako. "Salamat Cam ha." Pasasalamat ko. "Wala yun basta ikaw, bakit ka ba umiiyak?" Pag tatanong niya na may pag-aalala. Kwinento ko sa kanya ung nangyare about dun sa Margarette. "Grabe hindi ka man lang niya sinundan?" Pagtatanong ni Cam. "Hindi eh nakita ml wala dito diba tss." Pambabara ko sa kanya. "Sorry naman hehehe." Sabi niya na patawa tawa. "Alam mo di ka naman umiyak kasi kinalimutan niya na may kasama siya at best friend ka niya. Umiyak ka kasi nagseselos ka." "Eh siguro nga kasi kanina nung nakita ko kung gano siya kasaya nang makita niya ung babae nasaktan ako." Pag sasabi ko ng mahina.
"Tahan ka na ha tama na yan nandito tayo para mag saya okay?" Sabi ni Cam tas niyakap niya ako. Tumango naman ako at nag swimming na kamk kasama ng iba pa naming mga kaklase.

Josh's POV

Sinundan ko si Jaja ano kaya nangyari dun? Nag aalala ako ng todo. Sinundan ko siya kung saan siya dumaan at nakita ko siya sa cottage ng section namin kayakap si Cam. Tekaa tekaa? Umiiyak ba siya?! Shit bakit kaya dahil ba sakin? Di ko siya malapitan ngayon dahil kasama niya na yung taong mahal niya. Shit di ko man lang siya madamayan lalo na kung ako ba dahilan? Arrgh buwiset buwiset talagaaa! Sabi ko sa isip ko habang sinusuntok ung pader natigil lang ako ng dumating si Magie hinawakan niya ako. "OMG Josh what's your problem?!" Habang tinitingnan niya ung kamay kong puro sugat kaka suntok sa pader. "Wala lang 'to naiinis lang ako." Sagot ko habang nakayuko. "You can tell me. I'm here na di na kita iiwan Joshy." Niyakap ako ni Magie at dinala ako cottage nila para gamutin. "Joshy, siya diba?" Tanong niya. "Ha?" Nagtatakang sagot ko. "Siya na ba ung mahal mo ngayon? Ang pumalit sakin dyan sa puso mo?" Malungkot niyang tanong. "Magie, ung dati puppy love lang 'yun bata pa tayo nun." Saad ko "Alam ko naman pero simula nung umalis ako dito sa Pilipinas nun ikaw at ikaw lang iniisip ko. Kaya nga pagkatapos na pagkatapos kong mag-aral sa London umuwi kagad ako dito kasi gustong gusto na kitang makita at nakikilaan ang tadhana sakin. Pupuntahan dapat kita sa inyo pero ngayon aksidenteng nakita kita..." "Magie..." "Josh ngayong nagkita na ulit tayo di na kita pakakawalan. Bata palang tayo alam kong ikaw na. Ung sinabi mong paglaki natin nun pakakasalan moko pinanghawakan ko yun hanggang ngayon." Naluluha niyang saad. Wala akong masabi di ko alam ang sasabihin ko para sakin puppy love lang yun. Nasaktan ako ng iwan niya ako dahil siya lang ang kaisaisang kaibigan ko nun. Ngayong umamin siya sakin anong gagawin ko. Ayoko siyang saktan lalo pa kababata ko siya at matalik na magkaibigan ang mga magulang namin.

Secretly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon