Ika-12 na kabanata

4.1K 67 14
                                    

"Wala po akong gana."

Dumiretso na ako patungo sa kwarto ko at sinara ko na agad ang pinto. Nilapag ko na agad ang bag ko sa study table ko bago humiga. Wala akong ganang kumain.

9 na ng gabi. Dumiretso na kasi ako sa trabaho ko pagkatapos akong kausapin ni sir. Mabuti na nga lang at hindi ako tinanggal ng manager kundi wala akong pambayad sa tuition ko.

At mabuti na lang din na hindi napansin ng mga kasamahan ko sa trabaho na lutang ako.

"Binili na ng isang samahan ang isla,kaya lahat ng mga nakatira doon,pinaalis na, kasama ang mga taong nakasama mo sa loob ng halos isang buwan."

Pinaalis na sila Ando sa isla?? Pero saan sila pupunta??

At alam ko na walang hindi nasaktan sa pangyayaring yun. Shet.

Si Inang kaya okay lang? Ang mga bata? San na sila pupunta ngayon??

Ahh! Think positive Lyra! Walang masamang nangyari sa kanila.

Pero hindi ko maiwasang mag-alala.

Paano kung pumunta sila dito sa lungsod? Tapos dahil nga wala silang alam sa mga bagay bagay dito,mapagtitripan sila.

Ay ano ba naman tong naiisip ko.π_π

Hindi na ako nakapagbihis ng pantulog at sa pagkakapikit ko,nakatulog na ako.

--
Habang lumilipas ang mga araw,kung anu-anong bagay na ang pumapasok sa isip ko.

Paano kung makita ko ngayon si Ando?

Paano kung nagalit sila sakin dahil sa pag-alis ko? (Hindi naman siguro.)

Paano kung pinagkaguluhan pala si Ando ng mga babae kaya hindi ko sya makita?

Grabe na to. Sobrang namimiss ko na yung lalaking yun. Bwisit naman o.

Namimiss ko na yung mga mata nya,yung boses nya,yung katawan nya---Joke!! Hahaha.

Yung about naman kay sir,hindi na tulad ng dati ang pakikitungo ko sa kanya. Lumayo ang loob ko. Ewan,pero yun talaga yung naramdaman ko e.

Minsan nga nagtatanong si Ammy kung bakit parang may iba sakin,ang sinasabi ko nalang ay pagod ako.

Minsan nakakalimutan ko ang mga nangyari sa isla,pero kapag mahihiga na ako at mapapatitig na ako sa kisame,naaalala ko lahat.

Kailan ko ba sya ulit makikita?

--
"Thank you for coming sir!"

Niligpit ko naman agad ang pinagkainan ng mga lalaki. Grabe naman,hindi ba nila alam na bawal ang manigarilyo dito?

Habang nagpupunas ako,napatingin naman ako agad sa lalaking tumapik sa balikat ko.

Si kuya James,ang manager namin.

"O kuya,bakit?"

Kuya ang tawag namin sa kanya. Ayaw nya ng tinatawag syang sir,pang-mayaman daw. Ewan ba dito. Hahaha.

"May naghahanap sayo dun sa likod."-Kuya James
"Sino raw po?"

Nagkibit balikat sya."Ayaw nyang sabihin,basta hinahanap ka."

Tinawag muna ni kuya James si Lei para pumalit sakin sa pagliligpit. Sino naman kaya yun? Siguro si Ammy,pa-suspense pa ang gaga.

Sa may kusina na ako dumaan,mas madali kasing dumaan dito papunta sa likod.

Nung malapit na ako sa may nakabukas na pinto,may naaninag akong lalaki na nakasumbrero.

Lalaki?

Paglabas ko,napatingin agad sya sakin.

Teka,sino to?

Hindi pa ako nakapagsalita dahil bigla nya nalang akong niyakap. Jusme!

"My God Lyra! I missed you so much!"


Sino ba tong hinayupak na to??

The Naked Island (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon