Ika-15 kabanata

3.4K 55 0
                                    

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pintuan ng bahay ni Ando.

Siguro naman kakausapin nya ako diba?

Pero nakakailang katok na ako,wala pa ring nagbubukas.

"Binibini!"

Napalingon naman ako bigla para makita kung sino ang tumawag sakin. Ang mga nanay na nagturo sakin kung paano manahi sa isla. Nginitian ko naman sila at kumaway.

Nakita ko rin sila kuyang english at iba pang lalaki na tumulong din sakin. Mga desente na ang mga damit nila ngayon,nakakatuwa-----

Bigla ko namang narinig ang pagbukas ng pinto,kaya paglingon ko.

"B-binibini?"

Si Ando.

Ang laki ng ipinayat nya. Ang dating matipunong katawan,ay nagbago na. Nagtubuan na rin ang balbas nya. Ang laki ng eyebags nya.

Alam kong napahinto rin ang mga tao sa likuran namin. Dahil kung kanina nasisiyahan sila dahil sa mga dalang pagkain namin ni Pot,ngayon huni nalang ng mga ibon ang naririnig ko.

Pati na rin ang paghikbi ni Ando.

Niyakap nya ako bigla at naramdaman ko kung gaano sya kalungkot. Sa higpit ng yakap nya,halos hindi na ako makahinga.

"B-binibini,wala na si... si inang."

Niyakap ko na rin sya at hinawakan ang likod nya para mahimasmasan kahit papaano.

Ang dating masiyahin na si Ando,ay umiiyak ngayon sa balikat ko.

Lumapit naman samin si Owa at yumakap din kay Ando.

Ilang minuto rin kaming ganun,bago nahimasmasan si Ando at pinapasok kami sa bahay nya. Sumama na rin sila Owa at Pot para maipakilala ko sya kay Ando.

"Kuya Ando,bakit ilang araw kang hindi lumalabas? Kumakain ka ba?"-Owa

Tumango naman si Ando at hinawakan sa ulo si Owa.
"Pasensya kana kung napag-alala ko kayo. Hindi ko lang talaga matanggap na wala na si inang."

Kumpleto na ang mga gamit sa bahay ni Ando. May tv,sofa,ref,gas stove at kung anu ano pang appliances na kakailanganin nya. Grabe,ang yaman talaga nila Pot,imagine kung ilang bahay ang nandito sa village.

"Binibini,sino yang kasama mo?"-Ando

Napatingin sya kay Pot,at magsasalita na sana ako pero si Pot na ang nagpakilala sa sarili nya.

"Anak ako ng lalaking nagpadala sa inyo dito. Pasen----"

Pero hindi pa sya tapos magsalita ng bigla nyang kinarga si Owa at lumayo sa amin.

"Tatay mo ang bumili sa isla?? Kayo ang dahilan kung bakit namatay si Inang!!"

Tumayo naman kami bigla ni Pot.

"Ando,teka lang."-ako

"Hindi intensyon ng daddy ko ang mapahamak ang inang ninyo. Inutusan lang nya ang mga tauhan nya para dalhin kayo dito at para magkaroon ng magandang buhay."

"Hindi ko gusto ang magandang buhay na sinasabi mo!! Itong bahay na to?? Kunin nyo na at ibalik nyo kami sa isla! Ibalik ninyo ang isla namin!!"

Lalapit sana ako kay Ando pero pinigilan ako ni Pot.

"Look,ang islang yun ay pag-aari ng kaibigan ni daddy ,binenta nya lang kay daddy yun at nung makita naman nyang maganda ang isla,pumayag na sya. Hindi nya lang alam na may nakatira dun sa isla which is kayo nga. So pinapunta nya kayo dito sa village na to para malayo sa mga kapahamakan."

"Malayo sa kapahamakan? Dito sa lungsod alam kong may mga kagamitan kayo para makapaglakbay ng mabilis,kaya hindi rin malabo na mapuntahan nila kami dito."

"Kami lang ang may alam kung saan kayo dinala. Kahit ang mga pumunta dun sa isla para paalisin kayo,ay walang alam sa lugar na ito."

Napahinto naman si Ando at binaba na si Owa. Tumakbo naman papunta sakin si Owa at niyakap ako.

"Pero hindi nyo parin maibabalik ang buhay ni Inang." Pagkasabi nya nun,tumakbo sya papasok sa isang kwarto.

Napayuko nalang ako at niyakap na rin si Owa.

--


The Naked Island (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon