Ika-17 na Kabanata

3.6K 56 6
                                    

Ika-17 na Kabanata

Simula nung pumunta kami kela Ando,palagi ko nang niyayaya si Pot na pumunta sa kanila. Pinapayagan naman ako nila nanay dahil kasama ko si Pot.

Sa school naman,pinipilit ko na wag ipagsabi sa iba na tinulungan nila Pot sila Ando,at ngayon ay nakatira na sila sa lungsod. Kahit kela Ammy,at lalo na kay Sir.

Nakakatuwa nga dahil habang tumatagal,bumabalik na ang Ando na nakilala ko sa isla. Kapag nga dumadalaw kami sa kanila,naaabutan namin sila na naglalaro ng basketball.

Hindi rin naman sila nawawalan ng mga pagkain dahil linggo linggo silang pinapadalhan ni Pot. Bilin daw kasi yun ng daddy nya.

Ngayon naman,nagkukulong muna ako sa kwarto ko dahil kailangan kong magreview. Ayoko namang bumagsak sa finals namin. Lalo na ngayong 3rd year na ako.

"Nakakaloka."

Nag-inat inat muna ako at dumukmo sa study table ko. Puro xerox na yung nakikita ko. Sakit sa head.

An idiot is calling....An idiot is calling.

Napatingin naman ako sa cellphone ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Calling: Potipot

Pinindot ko agad ang answer button.

"Hello?"
(Lyra! Nasan ka?)
"Nasa bahay lang. Bakit?"
(Good. Hintayin mo kami dyan.)
"Teka,sino----"

*toot-toot*

( ・ัω・ั )Binabaan ako?

At dahil feeling ko sasabog na ang utak ko kapag nagreview pa ako,nagpahinga muna ako saglit at naglakad papunta sa kama ko.

Sa pinakamamahal kong kama.( ˘ ³˘)♥

Mabuti na nga lang pinayagan akong mag-absent sa trabaho ko ngayon. Kasi kung hindi,malamang sa hindi ako makapagreview.

Nagpatugtog nalang muna ako sa cellphone ko para hindi ako antukin.

Sino naman kaya ang kasama ni Pot?

"I dont mean to run,but everytime you come around I feel more alive than ever."

Napapikit ako saglit pero dumilat din ako agad. Antok please,layuan mo ako.

Sinasabayan ko nalang yung kanta para hindi talaga ako antukin. Utang na loob,ayokong matulog,dadating si Pot.

Katagal naman kasi nun.

Nakakatatlong kanta na yata ako wala parin si Pot. Hindi ko naman sya matext kasi wala akong load.
Purita langs.

Nakailang ikot pa ako sa kama ko bago ako nakarinig ng mga katok sa kwarto ko.

"Pasok!"

Ini-stop ko na yung tugtog sa cellphone ko at tinabi sa may study table ko .

"Hindi ba kami nakakaistorbo Lyra?"

"Naku,hindi no------Oh Ando!"

Napaayos ako agad ng upo dahil nakita ko si Ando. Hala,poise agad Lyra?

Natawa naman si Pot bago sya naglakad papunta sa kama ko at naupo,sumunod naman sa kanya si Ando.

"Bakit kasama mo sya Pot?"

Tinitingnan lang ni Ando ang mga gamit sa kwarto ko.

"Nagpunta kasi kami sa Francisco School. Kinausap ko yung principal dun para makapag-aral ang mga bata at si Ando."-Pot

"O?"

Ganda ng reaksyon ko diba?

"Oo nga. Tapos ang sabi nya, next month na raw ang start ng summer class para sa kanila. "-Pot

The Naked Island (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon