Sabado ngayon, at dahil wala naman kaming mga assignments or quiz,pahinga sana ako ngayon.
Pero simula pa kagabi, hindi na ako mapakali,at inihanda ko na rin ang mga gagamitin ko para sa byahe namin ni Pot.
Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kela Ando.
Pagkasabi kasi ni Pot na sila ang bumili ng isla,tinanong ko agad kung ano ang nangyari dun sa mga taong nakatira dun.
"Sa pagkakaalam ko,dinala sila sa isang village sa may San Carlos. Pero may isang matanda yata ang namatay dahil inatake raw sa puso."
Isa lang naman ang matanda dun. Si inang. Kaya naman wala rin akong ginawa kagabi kundi ang umiyak.
At ngayon nga,hinihintay ko nalang si Pot na bumaba. Pinilit ko kasi sya na pumunta kami sa San Carlos. Ngayong nalaman ko na kung nasan sila Ando,hindi ako mapapakali hanggat hindi ko sila nakikita.
Nung nalaman nga nila tatay na gusto kong sumama kay Pot,ayaw nila akong payagan. Pero mabuti nalang at sinabi ni Pot na sya ang bahala sakin,kaya pumayag na sila.
Bakit ba takot na takot sila kela Ando? Wala namang nangyari sakin e.
"Tara na Lyra."
Tumayo naman ako agad at dumiretso sa kotse ni Pot.
"Ang lalim yata ng iniisip mo Lyra?"
Nasa byahe na kami nung nagsalita si Pot,kaya napatingin ako agad sa kanya.
Siguro naman okay lang kung magkwento ako kay Pot diba?
"Ahh,Pot, may sasabihin sana ako sayo."
Napatingin sya saglit sakin bago tumingin ulit sa kalsada.
"Sure,ano ba yun?"
Kaya naman kinwento ko sa kanya ang nangyari sakin,pati na rin ang pag-aalaga sakin nila Inang. Nakakamiss. Pero nung nabanggit ko si Inang,naiyak ako bigla.
"May tissue dyan sa harap mo."
Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang luha ko.
"Pasensya na,hindi ko lang matanggap na patay na si Inang."
"Pero mabuti nalang talaga at inalagaan ka nila."
"Oo,napakabait nila Pot. Hindi ko nga alam kung paano susuklian ang lahat ng yun. Pero feeling ko nga,nakasama pa yung pagpunta ko dun."
"Hindi naman siguro. Lahat ng bagay may rason Lyra,dont worry."
Dumaan muna kami saglit sa isang mall para mamili ng mga pagkain. Pinilit ko pa nga si Pot na ipamili na rin sila Ando,mabuti nalang at pumayag sya.
Pagkatapos naming mamili,bumalik na kami sa kotse para naman makapagbyahe na kami ulit.
"Malayo pa ba tayo Pot?"
"Hindi naman,siguro 30 minutes nalang."
Tumingin nalang ako sa bintana at tumingin sa kalikasan.
--
"Dito ba yun?"Tumango naman si Pot bago sya bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.
Grabe,ang laki ng mga bahay dito! Di hamak naman na mas malaki to kaysa sa bahay namin.
"Ang laki pala ng mga bahay,akala ko--"
"Hindi naman masamang tao si daddy para pabayaan ang mga tao dun sa isla. Ang sabi nga sakin ni daddy,wag kong sabihin dun sa mga lalaking pumunta sa isla na nandito sila,dahil mukhang may masamang balak sila sa mga ito."
At dahil na rin sa tuwa.
"Waaah! Thank you Pot!! Thank you talaga!!" Napayakap nalang ako bigla kay Pot.
"Hahaha. O sige na tara na,para makita mo na yung mga kaibigan mo."
Tumango naman ako at lumayo na sa kanya,tinulungan ko na rin sya sa pagbitbit ng mga pagkain.
Habang naglalakad kami papasok sa village,hindi ko maiwasang kabahan.
Hanggang sa may nakita ako na mga batang naglalaro.
Teka,si owa ba yun??
"Owa!!"
Napatingin naman yung lalaki sakin. Tama ako! Si Owa nga!
"Binibini!!"
Napatingin na rin sakin yung mga batang kalaro nya,at nung nakilala na rin nila ako,nagsitakbuhan sila papunta sakin para yakapin ako.
"Binibini! Nandito ka!!"-Owa
Niyakap ko na rin sila gamit ang kaliwang kamay ko.
"Owa,nasan si...Ando?"
Pero yung tuwa nila kanina,napalitan ng lungkot.
Tumingin naman sakin si Owa."Binibini,hindi lumalabas si kuya Ando sa bahay nya. Sinusubukan na nga rin nila nanay na kausapin sya pero nabibigo sila. Siguro hanggang ngayon hindi nya parin matanggap na wala na si Inang."-Owa
Binigay ko muna yung mga dala kong pagkain kay Pot,tapos umupo ako para maka-level sila Owa.
"Saan ba dito yung bahay ni Ando?"
Tinuro nya naman yung bahay na nasa tapat namin. Tumayo na rin ako at tumingin kay Pot,tapos parang naintindihan nya naman kaya lumapit sya at tumabi sakin.
"Ahh,mga bata, eto nga pala si Kuya Jude, bale tatay nya yung nagpadala sa inyo dito sa village na to. May mga dala rin syang pagkain kaya sya muna ang bahala sa inyo. Pupuntahan ko lang si Ando."
Tumango naman sila Owa at kumapit na kay Pot.
Naglakad na rin ako papunta sa bahay ni Ando. Kailangan ko syang makausap.
BINABASA MO ANG
The Naked Island (Complete)
HumorPaano kung mapunta ka sa isang isla na kung saan ang mga tao ay hindi alam ang salitang "damit"? Maloloka ka ba? Magpapakalunod? o kikilalanin ang mga tao sa islang ito?