Ika-16 na kabanata

3.5K 56 2
                                    

Ika-16 na kabanata

Pagkatapos naming mag-usap,kumain na si Ando. Palihim ko nga syang pinagmamasdan habang kumakain. Napabayaan nya nga ang sarili nya.

"Ando,bakit hindi mo kaya subukang magpagupit?"

Napatingin sya saglit sakin bago uminom ng tubig.

"Masyado nabang mahaba?"-sya

Tumango naman ako. Sa tingin ko kasi mas makikita yung kagwapuhan nya.

"Sige,magpapagupit ako mamaya kay Gardo."

"Ando."

"Hmm?"

Napayuko pa ako saglit bago nagsalita.

"Wag ka sanang magagalit kay Pot ha? Mabait naman sila ng tatay nya e."

"Pasensya na binibini,nabigla lang ako kanina. Wag kang mag-alala,wala akong balak na magtanim ng galit sa kanila. Tsaka kung hindi dahil sa kanila,wala siguro kaming tutuluyan ngayon."

Nginitian ko naman sya kaya nakita ko ulit yung pagngiti nya. Mas bagay talaga sa kanya ang masaya.

Pagkatapos nyang kumain,nagyaya na sya na lumabas. Sya na rin ang nagbitbit ng mga plato at mangkok.

"Ando,pano nyo nalaman kung paano gamitin yung gas stove,ref,tsaka yung iba pang gamit na wala sa isla?"

"Ah,may pumunta rito nung ikalawang araw namin dito. Sya yung nagturo samin kung paano gamitin ang mga yan."

Grabe,ang bait talaga ng daddy ni Pot. Pag nga may oras ako,sasabihin ko kay Pot isama nya ako sa daddy nya, baka bigyan din kami ng bahay.

Joke! Hahaha. Kapal naman ng mukha ko kung ganon.

Paglabas naman namin,konti nalang ang tao sa may lamesa. Nagliligpit na rin sila ng pinagkainan. Yung mga bata nga nakikita kong nagpapasok ng mga pinggan.

Nasan kaya si Pot?

"Ando."

Napatingin kami parehas kay kuyang english (Gardo). Kinuha nya na rin yung mga hawak ni Ando.

"Mabuti naman at lumabas kana ng bahay mo."

"Pasensya na kayo Gardo, pero wag kayong mag-alala,ayos lang ako."-Ando

Habang nag-uusap naman sila, nagpalinga-linga ako para hanapin si Pot. San na naman kaya nagpunta yun?

"Hinahanap mo ba yung lalaki binibini?"-Gardo

Napatingin naman ako kay Gardo.
"Ahh,oo. Nasan ba sya?"

"Nandun sya sa bahay nila Aling Sarah, hinitak sya kanina nila Owa e."

"Ganun ba,sige salamat."-ako

"Samahan na kita binibini."-Ando

Tumango naman ako. Ngumiti muna kami kay Gardo bago kami dumiretso sa bahay nila Aling Sarah. Katapat lang naman ito ng bahay ni Ando kaya hindi na kami gaanong nagtanong sa iba.

Nasa may pintuan palang kami,naririnig ko na yung tawa nila Pot at ng mga bata. Mukhang magkakasundo agad sila.

"Aling Sarah,gusto nyo bang mapag-aral tong si Owa?"-Pot
"Bakit si Owa lang ??"-mga bata

Hinawakan naman ni Pot yung mga ulo ng mga bata isa isa.

"O sige,lahat kayo."-Pot

Nakita naman kami ni Pot kaya kumaway sya samin,kaming dalawa naman ni Ando,umupo sa tabi ni Pot.

Lumapit muna samin si Aling Sarah at tumingin kay Pot.

"Hindi ba delikado sa mga bata na umalis dito?"-Aling Sarah

"Hindi naman po,may sasabihan nalang po kaming mga bodyguards para po mabantayan sila."-Pot

Nagtatalon naman sila Owa at pilit na kinukulit si Pot.

"Gusto ko pong mag-aral!"
"Kailan po kami bibili ng gamit?"
"Ako rin po!!"

Napangiti na rin ako sa mga nakikita ko. Gusto talaga nilang matuto. Gusto talaga nilang mag-aral.

Tumingin naman ako kay Ando,na nakatingin din ngayon sa mga bata at nakangiti.

"Ikaw Ando,gusto mo ring mag-aral diba?"

Napatingin naman sya sakin. Ganun na rin sila Pot at ang mga bata.

"Oo nga pala kuya! Mag-aral ka rin."-Owa

"Pero,hindi ba nakakahiya kung---"-Ando

"Ano ka ba? Kahit sino pwedeng mag-aral,kahit sino basta gusto mo at pursigido kang matuto,walang edad sa edukasyon."

"Tama si Lyra. Tsaka wag na kayong mag-alala sa mga gastos. Kami nang bahala dun. Ihahatid nalang kayo at susunduin kayo para hindi na kayo mamasahe."-Pot

Ngumiti naman ako kay Pot, ang bait talaga nito.

"Pero pwede namang ang binibini nalang ang magturo sakin."-Ando
"Ando,mga basic lang ang kaya kong ituro sayo. Tulad ng pagsusulat at pagbabasa. Pero yung mga dapat mong matutunan,sa paaralan mo yun makikita."

Lumapit naman kay Ando si Owa.

"Kuya Ando,sige na,pumayag kana. Makakasama mo naman kami dun kaya wag kang mag-alala."

Nakatingin lang kaming lahat kay Ando,hinihintay kung ano ang magiging reaksyon nya. Napatingin pa nga ako kay Pot, na tumango lang sakin kaya nginitian ko sya.

Pagbalik ko ng tingin kay Ando, nakatingin na sya sakin ng seryoso.

"O sige,pumapayag na ako."

The Naked Island (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon