------
"Field trip? Masaya yan!!"-Ammy
_(._.)_ Gastos na naman to.
Halos hindi na mapatahimik ng professor namin yung mga kaklase ko. Aba,makarinig ba naman sila ng field trip,hindi sila masisiyahan?
Oo sila lang ang nasisiyahan,kasi ako hindi. Nahihirapan na nga akong magtrabaho para makapagbayad ako ng tuition,tapos dadagdag pa yung field trip?
"Sir!"
Nagtaas naman ako ng kamay para makuha ko yung atensyon ni sir.
"O Lyra,bakit?"
Tumayo muna ako para marinig at makita ako ni sir.
"Lyra tayo raw! Hahaha."-Ammy
Sinamaan ko naman sya ng tingin. Inis! Alam ko namang maliit ako,pangalandakan pa.
"Sir,pwede po bang hindi sumama sa field trip?"
Nagtinginan naman yung mga kaklase ko sakin.
"Eh? Sumama kana Lyra!"
"Oo nga! Minsan lang tayo magfield trip."
Hindi ko naman pinapansin yung mga sinasabi ng mga kaklase ko. Hinihintay ko kasi yung sasabihin ni sir.
Ang kaso....
"No Lyra,compulsary ang field trip. Part ito ng project nyo dahil may mga activities din tayong gagawin habang nasa field trip,and hindi nyo makukuha ang grade nyo sa finals kapag hindi kayo sumama. And besides,tama ang mga kaklase mo,minsan lang to kaya sumama kana."
"Pero sir."
Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Ammy ang kamay ko.
"Sagot ko na yung mga gastusin sa field trip. Kaya sumama kana."-Ammy
"Nakakahiya na Ammy."
"Please??"-Ammy
Napabuntong hininga nalang ako at napaupo.
May magagawa pa ba ako?
(Araw ng field trip)
"May kulang pa ba sa inyo class?"
"Wala na po!"
Mabuti nalang at ipinagluto ako ng baon ng nanay ko,kundi,wala akong makakain mamaya. May baon naman si Ammy na mga junkfoods. Tsaka ang sabi ni Sir,3hours daw ang byahe papunta sa sakayan ng bangka papunta sa The Naked Island.
Nung una nga nabigla kami sa pangalan. The Naked Island?? Ano yun bawal magdamit?? Utangnaloob,kahit bumagsak ako hindi ako sasama.
Pero sabi naman ni sir,hindi naman daw literal na mga nakahubot hubad yung mga tao dun,kaya nakahinga kami ng maluwag.
Nag-earphones nalang ako para hindi ako mainip sa byahe. Si Ammy naman natulog muna,pati na rin yung iba kong kaklase. Mga 4 palang kasi naghihintay na kami. 5 na kami umalis.
Marami kaming nadaanang mga bundok. Makikita mo na talagang marami na ang nagpuputol ng puno. Tsk. Tsk. Kawawang bundok.
(After 3 hours)
"Class! Ayusin nyo na yung mga gamit nyo. We're here."
Naginat inat muna ako dahil nangawit ako sa pag-upo.
"Lyra,ikaw nalang magbitbit ng mga chichirya ha? Ako na sa jug."-Ammy
"Sige."
Nung naayos na namin yung mga gamit namin,bumaba na kami ng bus.
BINABASA MO ANG
The Naked Island (Complete)
HumorPaano kung mapunta ka sa isang isla na kung saan ang mga tao ay hindi alam ang salitang "damit"? Maloloka ka ba? Magpapakalunod? o kikilalanin ang mga tao sa islang ito?