Pagkatapos kong kumain,lumabas na ako sa maliit na kubong ito para naman makalanghap ako ng sariwang hangin. Ang init kaya sa loob.
Pero dito naman sa labas ang lamig.~>_
"Nandyan na ang binibini!"
Napatingin naman silang lahat sakin habang nakaupo sila at nakapalibot sa mga kahoy na may apoy.
Hmm. Atleast hindi na ako mahihirapang tingnan sila ngayon.:)
(Flashback)
"Ano yun?"
"Pwede bang, magdamit kayo? Hindi kasi talaga ako sanay makakita ng mga nakahubad na tao."
"Yun lang ba? O sige."
(End of flashback)
"Dito kana umupo."-Inang
Naglakad naman ako papunta sa tabi ni Inang. Ayun,medyo mainit dito.
Wala na yung mga batang naglalaro kanina,siguro mga tulog na.
Nakauwi na rin kaya sila Ammy? Siguro. Pero nakakapagtampo kasi ni hindi man lang nila ako hinanap.T_T
"Binibini,ano nga pala ang pangalan mo?"-Inang
"Ako po si Lyra."
Nagsitanguan naman sila habang may mga hawak na buko at iniinom.
Nakita ko rin si Ando na nasa tabi ni Inang,nginitian pa ako. Sige na,ikaw na gwapo.
"Wag ka sanang matatakot samin. Pagpasensyahan mo na rin kung mga wala kaming saplot kanina,tradisyon na kasi namin yun." Napatingin naman ako sa matandang nasa katapat ko.
"Okay lang po. Buti po may mga damit kayo?"
"Mahilig kasing manahi ang mga kababaihan dito,tinuruan sila ni Inang."-Ando
Tumango tango naman ako. Hindi sya katulad nung mga damit namin,sa kanila parang kapag sinuot ko mangangati ako.
Binigyan naman ako ni kuyang english ng isang buko.
Habang nagkekwentuhan sila,tumabi sakin si Ando.
"Maganda ba sa lungsod?"-sya
Tumingin naman ako sa kanya at nakita kung gaano sya kainteresadong malaman yung sagot sa tanong nya.
"Okay lang. Pero mas maganda sa probinsya."
"Probinsya? Saan yun?"-Ando
Yumuko muna ako at niyakap ang sarili ko. Ang lamig naman.
"Iba kasi ang probinsya sa lungsod. Ang probinsya,maraming bukid,mga bundok,masarap ang simoy ng hangin. Pero sa lungsod,puro buildings,konting puno-----"
"Anong buildings?"-sya
"Mga gusali. Matataas na gusali."
"Talaga?? Gaano kataas? Mas mataas pa sa puno na yun?"-sabay turo ng puno ng niyog
Tumango naman ako. Nung tumingin ako sa kanya,nakita ko na nagulat sya sa sinabi ko.
"Ang galing! Paano nagawa ng mga taga-lungsod ang ganung kalaking gusali?"-sya
"Mga teknolohiya. Sa pamamagitan ng mga teknolohiya,mas napapabilis ang mga trabaho."
Nagkwentuhan pa kami ni Ando at nagtanong pa sya ng kung anu-ano.
"Kayang kaya nyo namang pumunta sa lungsod e."
Ang kaso,napayuko naman sya nung sinabi ko yun.
"Hindi pwede."-sya
BINABASA MO ANG
The Naked Island (Complete)
UmorismoPaano kung mapunta ka sa isang isla na kung saan ang mga tao ay hindi alam ang salitang "damit"? Maloloka ka ba? Magpapakalunod? o kikilalanin ang mga tao sa islang ito?