Ika-18 na Kabanata
Nairaos ko naman ng mapayapa ang final exams namin. Medyo sumablay nga lang dun sa Trigo. Tsk. I hate Math.
At ngayon nga,nilalagay ko muna ang mga xerox ko sa locker ko,para naman kahit papano,gumaan tong bag ko.
"Lyra."
"Ay sus! Ammy naman!"
Muntik ko na tuloy malaglag tong bag ko dahil sa gulat kay Ammy. Sinara ko muna yung locker ko bago ako humarap sa kanya.
"Haha. Sorry,nagulat pala kita. Sama ka samin."
"Saan?"
-----
Ayst. Absent na naman ako sa trabaho ko ngayon. Dalawang beses na akong absent e.
Pero sabi nga nila Ammy,pamparelax naman daw dahil halos one week kaming haggard.
"Ang gwapo naman nun."-Liza
"Sakin nalang yang inumin mo."-Carla
"Shocks naman Carla! Umorder ka!"-Liza
Napailing nalang ako sa dalawang to.
Nakapagtext naman na ako kela nanay na baka gabihin ako ng uwi at nagyaya tong si Ammy. Kilala naman nila si Ammy kaya okay lang.
Nandito kami ngayon sa Leng's Corner. Bale hindi naman sya totally bar. Walang mga alak. Pero may mga banda,and nagsasayawan sa gitna. Ang mga foods and drinks naman ay parang yung nabibili lang sa mga canteen.
Marami ngang inorder si Ammy e. Si Ammy lang talaga ang bumili,kami ang taga-kain. Hahaha.
"Nasan ba yung gwapo Liza?"-Ammy
"Ayun!" sabay turo sa may lalaking nagsasayaw sa gitna.Tiningnan ko na rin para matingnan kung gwapo nga talaga.
"Yung naka-gray?"-Ammy
"Yup. Gwapo no?"-Liza
"Oo nga."-AmmyTsk. Di naman. Malaki lang ang katawan at maputi,pero hindi gwapo.
Mas gwapo parin si Ando. Wahaha.
Pinabayaan ko lang silang maningin ng mga gwapo dyan sa tabi tabi. Basta ako kakain.
Tapos habang nasisiyahan ako sa pagkain,biglang sumakit ang tenga ko sa sigaw ng mga kasama ko.
"Ahhhhh!"-sila
Nalaglag ko tuloy yung french fries na dapat e isusubo ko.
"Ayst. Problema nyo?"-ako
Hanggang sa mapatingin ako sa taong dahilan ng pagsigaw nila.
(ノಥ益ಥ)ノ ┻━┻
"K-kuya Gardo??!"
Mukhang nagulat din sya sa pagsigaw ko.
Teka. Bakit ganyan ang itsura nya? Bakit nandito sya? Paano sya nakapunta dito?
Tumigil naman sya sa harap ng table namin at tumingin sakin.
"Binibini."-Kuya Gardo
At lalo pang nagsigawan ang mga katabi ko. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao dito. Pambihira tong mga kaibigan ko.
"Uy Lyra! Sino yang gwapong yan?"-Liza
"Oo nga! Pakilala mo naman kami friend."-AmmyPero hindi ko muna sila pinansin.
"Anong ginagawa mo dito?"-ako
"Nagtatrabaho."-Kuya Gardo
Ha? Nagtatrabaho?
"Ikaw? Pero paano? Sinong naghatid sayo dito?"-ako
"May inutusan si Jude para dalhin ako dito. Kakilala nya kasi yata yung may-ari nito. Sige ah,may umoorder pa e." tapos umalis na sya at nagpunta sa may counter.
Napanganga nalang ako. Lokong Pot yun,akala ko ba bawal silang umalis dun sa village?
Pero sabagay,nakakabagot naman kung dun nalang sila palagi.
"Lyra!!!"
Napaupo naman ako bigla nung hinitak ni Liza ang kanang kamay ko pababa.
"Inaano na naman kita Liza?? Tsk. Sakit."
"Sino yun?"-Liza
Teka. Anong sasabihin ko? Hindi naman pwedeng sabihin ko na siya yung galing sa isla.
"Di mo sinasabi samin may kakilala ka palang ganun. Grabe. Ang gwapo."-Carla
Uminom muna ako saglit ng avocado shake bago sila sinagot.
"Ahh,kakilala kasi ng mga magulang ko yung mga kamag-anak nya,kaya kilala ko yun."
"E bakit binibini ang tawag nya sayo?"-Ammy
Tsk. Daming tanong.
"Ewan ba dun. Maloko kasi yun, kaya binibini yung tawag----" napahinto ako kasi dumaan si Kuya Gardo,at feeling ko,narinig nya yung sinabi ko.(。ŏ_ŏ)
Katapusan mo na Lyra! Di kana makakadalaw kay Ando.
"Oy Lyra!"-Carla
"Naku! Kumain na nga lang tayo."
Pero hindi parin nila ako tinigilan.-_- Bakit ba ang kukulit ng mga kaibigan ko?
-----
Mga 9 na yata nung nagyaya silang umuwi. Kahit papano naman,nag-enjoy ako. Aba! Kadadaldal ba naman ng kasama ko. Tsaka ang daming pagkain. Huehue.
"Bye Lyra!"
"Bye."
Bumaba na ako ng taxi at hinintay muna na makaalis sila.
Ang sakit ng tiyan ko.( ,,-_-,,' )
Pumasok na rin ako ng bahay at dumiretso sa kwarto ko. Tulog na rin naman yata sila nanay dahil patay na ang mga ilaw.
Humiga agad ako at hindi na ako nakapagbihis. Grabe busog na busog ako.
Tiningnan ko naman yung cellphone ko at baka may nagtext.
Uy meron nga!
From:Potipot
-Hinahanap ka ni Ando.
Enebenemenyen.(๑''๑)♡ Namimiss ako bigla.
BINABASA MO ANG
The Naked Island (Complete)
HumorPaano kung mapunta ka sa isang isla na kung saan ang mga tao ay hindi alam ang salitang "damit"? Maloloka ka ba? Magpapakalunod? o kikilalanin ang mga tao sa islang ito?