Ngayon naman,ako ang kumunot ang noo at tumingin sa mga mata nya.
"No english?"-ako
Tumango sya.
"Tagalog?"
Bigla namang nawala yung pagkunot ng noo nya at inalis yung mga kamay nya sa mukha ko.
"Tagalog lang."-sya
Kahit matangkad sya,pinipilit ko paring sa mga mata nya lang ako mapapatingin. Nakakailang kaya!! Kahit na mangawit pa yung ulo ko,basta sa mata lang talaga ako titingin!!
"Anong ginagawa mo dito? Kasama ka ba ng mga bata dun sa pampang?"-sya
"Maka-bata ka naman! College na kaya kami! Tsaka naghahanap kasi ako ng banyo."
"College? Ano yun?"-sya
"Hindi mo alam ang college?"-ako
Nakakapagtaka naman. Bakit hindi nya alam yun.?
Umiling naman sya at naglakad papasok ng..... Ano nga ba yan?
"Tara,may banyo dito."-sya
Nakatingin lang ako sa lupa. Tumalikod na sya guys. Nakahubad sya,so alam nyo na? Kailangan ko pa bang ipaliwanag?()_()
Sumunod naman ako sa kanya. Kahit na ipinagbawal, nakakaintriga kasi kaya tiningnan ko na rin.
Pagpasok ko...
Napahinto ako dahil lahat sila nakatingin sakin. Hindi ko maexplain yung mga tingin nila. Nagulat? So sila pa talaga ang nagulat sakin? Hindi ba pwedeng ako yung magulat? Dahil lahat sila....walang damit??
Ibig sabihin totoo nga.
Tumalikod na ako at akmang aalis,pero nung matanaw ko ang isang malaking baboy ramo,na papalapit sakin,napaurong ulit ako.
"Ahhhhhh!!"
May humitak sakin kaya napalakad ako kung saan,at may narinig nalang ako na ungol ng hayop.
"Ayos ka lang ba?"
Napatingin naman ako sa matandang babae na humitak sakin. Medyo maliit lang sya,mahaba ang buhok at dala siguro sa katandaan,puro puti na ang kulay nito.
Napatingin din ako sa mga batang nakatingin sakin,at sa mga lalaking papasok na sa.. tribo at papalapit samin.
Kay lola ka nalang tumingin Lyra.
"Okay lang po."
"Ang sabi ko,ayos ka lang ba?"-lola
"Okay nga lang po."
Kumunot naman yung noo nya. Ano ba to? Malalalim na tagalog ang kailangan?
"Ayos lang po."
"Mabuti naman. Bakit ka nandito?"-lola
Naku,nalimutan ko na.
"Makikibanyo po sana. San po ba yung banyo dito?"
--------
Medyo natagalan ako sa loob ng banyo dahil nung una,nagtaka ako. Ang nasa loob lang ay isang lata na maliit,kahoy na hugis timba,tapos yung pinakabowl nila,hindi ko alam kung saan gawa,pero nasa lapag lang sya. Ang gulo no?
Pero dahil nga ihing ihi na ako,bahala na.
Paglabas ko naman,naabutan ko ang mga batang naghahabulan,mga lalaking nagsisibak ng kahoy,at mga babaeng nanahi. May mga bahay din sila,at may mga bakod. Pare-pareho lang ng design pero kumpara dun sa bahay na pagtutuluyan namin,mas maganda ang mga bahay dito.
BINABASA MO ANG
The Naked Island (Complete)
ComédiePaano kung mapunta ka sa isang isla na kung saan ang mga tao ay hindi alam ang salitang "damit"? Maloloka ka ba? Magpapakalunod? o kikilalanin ang mga tao sa islang ito?