Ika-20 na Kabanata
Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang sakit ng balikat ko. Tsaka bakit parang ang init init?
Dahan dahan akong dumilat at nabigla nang makita ko na wala pala ako sa kwarto ko.
Shet. Nasan ako?
Isang bombilya lang ang nagbibigay liwanag sa buong silid. Maliit lang sya,at may isang lamesa sa gilid. Napatingin naman ako sa sarili ko na nakatali ngayon sa isang maliit na upuang kahoy. Kaya pala sumasakit ang balikat ko.
Sa tingin ko madaling araw na. Teka! Sino ang hinayupak na nagdala sakin dito??
"TULONG! TULUNGAN NYO AKO!!"
Pinipilit kong kumawala sa pagkakatali ko dito sa bangko,pero feeling ko kapag ginalaw ko pa yung kamay ko,maaalis yung balat ko sa sobrang higpit at kapal ng pagkakatali.
Dati kapag nakakanood ako ng ganitong scene,naiirita ako. Ewan ko,para kasing common na,parang 'okay kahit naman anong gawin mo hindi ka makakaalis dyan',parang hindi na makatotohanan. Sino ba naman ang gagawa ng ganitong bagay?
Pero ngayong ako na ang nasa sitwasyong ito,hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang gusto ko nalang agad umalis dito,dahil natatakot na ako.
Paano nga ba ako napunta dito? Ang naaalala ko lang,ay nung hinahanap ko si Pot,tapos nakita ko si Sir-----
Si Sir Rolando???
"TULONG!! IALIS NYO AKO DITO!"
Pinipilit ko paring matanggal ang kamay ko sa pagkakatali,pero napapaiyak lang ako sa sakit.
Tapos narinig ko ang pagbukas ng pinto,at nakita ko ang isang matabang lalaki na papalapit sa akin.
"Wag kang lalapit sakin.."
Huminto sya sa harapan ko. Ang alam ko talaga si Sir ang nakita ko.
"Wag ka ngang magsisigaw dyan. Kahit naman sumigaw ka,wala ring mangyayari. Walang makakarinig sayo."
"Bakit nyo ba ako dinala dito?? Anong kailangan nyo??"
"Pasensya na bata,napag-utusan lang." tapos bigla nya akong nilagyan ng panyo sa may bibig.
"Hmmm!"
"Naiingayan sayo si boss kaya ayan."pagkatapos nun,umalis na sya.
Ando.. Tulungan mo ako...
(Jude's POV)
"Nasan po si Lyra?""Nandun pa sa loob. Bakit?" sabi nung guard yata nila Lyra sa restaurant nila.
"Ah,pwede po bang pakitawag? Alam nya na po kung sino ako."
"Sundo kaba nya?"
"Opo."
"O sige. Sandali lang." pumasok naman sya sa restaurant. Dun na sya dumaan sa likod,ni-lock na kasi yata tong pinto sa harap.
Bumili naman muna ako ng maiinom sa malapit na tindahan. Galing pa kasi ako sa opisina,e ginabi na rin ako ng uwi dahil marami akong inasikasong papel. Tungkol sa isla,sa pag-aaral ng mga bata at ni Ando,tsaka dun sa trabaho ni Gardo.
Tama naman si Lyra at ni daddy,mababait nga sila,kaya nakakatuwa silang tulungan.
Pagkatapos kong magbayad at kunin ang inumin na binili ko,nabigla ako dahil may lalaking biglang nagtakip sa mukha ni Lyra.
"Lyra!!"
Tumakbo agad ako para sana kunin si Lyra,pero naisakay agad sya sa isang puting van.
"Hoy! Ilabas nyo si Lyra dyan!!" pinagsusuntok ko yung pinto ng van,pero bigla itong umandar.
BINABASA MO ANG
The Naked Island (Complete)
HumorPaano kung mapunta ka sa isang isla na kung saan ang mga tao ay hindi alam ang salitang "damit"? Maloloka ka ba? Magpapakalunod? o kikilalanin ang mga tao sa islang ito?