Ika-21 na Kabanata

3K 41 0
                                    

Ika-21 na Kabanata

(Lyra's POV)

Sumasakit ang tiyan ko sa gutom. Wala na rin akong lakas dahil inaantok na ako. Sobrang init pa dito sa loob.

Natatakot na ako.T_T

Inaalala ko ang mga magulang ko..Alam kong nag-aalala na sila sakin dahil wala pa rin ako sa bahay hanggang ngayon.

Pipikit muna sana ako para makatulog pero may narinig akong kalabog sa labas.

Napaayos ako ng upo. Ano yun?

"LYRA!!"

Si Pot!

"POT! TULUNGAN MO AKO!!"

Sinubukan ko ulit makawala dito sa inuupuan ko,pero napapangiwi ako sa sakit.

"POT! NANDITO AKO!!"

Hanggang sa biglang bumagsak yung pintuan sa harapan ko. At hindi si Pot ang nakikita ko.

Si Ando.

"Ando."

"Lyra." tumakbo sya papalapit sakin at lumuhod sa harapan ko. Hinawakan nya rin yung mukha ko at tumingin sya sakin.

Ngayon,alam kong ligtas na ako.

"Ando...tulungan mo ako."

----

"Just give her some rest,and she will be okay."

"Thank you doc."

Titingnan ko sana yung mga nagsasalita pero napapikit ulit ako ng maramdaman ko yung hapdi sa mga kamay ko. Sakit..

"Gising na sya."-Gardo

"Lyra."

Dahan dahan kong tiningnan yung lumapit sakin. Mukhang nasa ospital ako a.

"Pot."

Nasa likuran nya naman si Kuya Gardo. Teka,nasan si Ando?

"Ayos kana ba? May masakit paba sayo?"-Pot

"Ahh,medyo masakit pa tong mga kamay ko. Nasan si Ando?."

Nagtinginan naman sila Pot at Kuya Gardo. Pagkatapos nun,lumabas si Kuya Gardo kaya kaming dalawa nalang ni Pot ang natira dito sa loob.

"Akala ko mamaya kapa gigising e."-Pot

Umayos na rin ako at umupo na para naman makausap ko siya ng maayos.

"A-Anong nangyari? Nasan si Ando?"

Kinakabahan na ako.

"Nasa kabilang kwarto sya Lyra."

Nung una hindi pa nagsisink in sakin yung sinabi nya. Nasa kabilang kwarto? Bakit? May isa pa bang pasyente sa kabila na kakilala namin?

"Nabaril sya Lyra."

0_0

"San ka pupunta??"

"Pupuntahan ko sya Pot." pero bigla nya naman akong hinawakan sa braso kaya napatigil ako.

"Magpahinga ka muna."

Tumingin naman ako kay Pot na parang nakarinig ako ng isang malaking joke.

"Pot? Seryoso ka? Sa tingin mo ba makakapagpahinga ako dito kung nasa kabilang kwarto si Ando ng dahil sakin? Ng dahil na naman sakin Pot,nasaktan na naman sya."

Napaupo ako bigla dahil nanginig ang mga paa ko. Pinipigilan kong wag umiyak dahil ayokong makikita ako ni Pot na umiiyak. Nabaril si Ando ng dahil sakin. Kasalanan ko na naman.

The Naked Island (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon