Lesson 9: Cliffs of Fooling

19.3K 365 14
                                    

Lesson 9: Cliffs of Fooling

FAYE’s POV 

Natapos nanaman ang isang School Year, at bakasyon na ulit. A perfect time to do a crime.

Isang taon na rin pala, simula nung nakilala ko sila Charmaine. Napangiti ako habang nakapikit. Totoo ngang hindi ganun kadaling makakalimot ang puso.

Tahimik akong nakahiga sa kwarto ko. At hinihintay na tawagin nila ako sa baba. Thank you Tita Julie sa offer. Salamat sa pagsalo sa akin. Muntik na akong mawalan ng pag-asa sa binabalak ko.

“Baby Girl! Nandito na si Tita Julie!”

Bumangon na ako at inayos ang damit ko. Kinuha ko na ang maleta ko tapos bumaba na para salubungin si Tita Julie. Niyakap niya ako at tinignan mula ulo hanggang paa.

“Faye Abueva?”

“Ang formal naman Tita haha!”

“Ganun talaga pamangkin, dalagang dalaga ka na!”

Pinagpahinga muna namin si Tita para makapagkamustahan sila ni Mama at Papa. Binigyan niya rin kami ng pasalubong ni Kuya.

Makalipas ang isang oras ay nagpaalam na kami sa kanila.

“Ready ka na Faye?”

“Yes Tita!”

“Mag-iingat ka dun anak ha?”

“Opo Ma.”

“Ikaw na bahala sa bunso namin Julie.” –Papa

“Mamimiss kita Baby Girl.”

Niyakap na nila ako tapos umalis na kami ni Tita.

“Seatbelt Faye. Mahaba haba ang byahe natin.”

“Ok lang po.”

Ngumiti ako sa kanya tapos nag-umpisa ng magmaneho si Tita Julie.

Sasama ako kay Tita Julie sa Boracay. May ari siya ng isa sa mga Bars doon. At isasama niya ako para tumulong sa Business niya.

Nalaman kong magbabakayon sila Ximon sa Boracay, kaya ako naman ang magbibigay ng kulay sa bakasyon ni Charmaine ngayon.

“Ang ganda ganda talaga ng pamangkin ko. Ang laki ng pinagbago mo ah, broken hearted ka ba?”

“Tita? Haha!”

Napatingin ako sa Wallpaper ng Cellphone ko na si Ximon.

“Hindi ako broken hearted Tita, infact, I’m still in love. Punong puno ako ng pagmamahal Tita.” Sarkastiko kong sagot.

Hindi iyon napansin ni Tita Julie dahil wala naman siyang kaide-ideya tungkol sa nangyari sakin.

“That’s great Iha! Maging inspirasyon mo sana yan para sa pagtulong mo sakin sa Bar.”

Oo naman Tita. Magiging inspirasyon ko talaga sila ng sobra.

“Nasan nga pala ang Boyfriend mo?”

“Hmm, wala po eh. Wala po akong Boyfriend. Sadyang inlove lang po.”

“Ganun? Bakit naman? Hindi ka nililigawan?”

“Hindi po eh. Iba po kasi ang mahal niya.”

“Pero gusto mo pa rin siya kahit na ganun?”

“Hindi ko po alam Tita. Hindi ko pa rin po alam.”

“Eh—“

“Tita, inaantok pa po ako, sa sobrang excitement po kasi hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, tutulog po muna ako Tita ha?”

The Art Of PanlolokoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon