Lesson 8: Don't deseve a Tear

21.6K 365 11
                                    

Lesson 8: Don’t deseve a Tear

FAYE’s POV

“Woah! Ganda naman!” Bati sakin ni Stacey nang makita niya akong nakaayos na para sa Party.

“Nagsalita ang mas maganda haha!”

“Kaya mahal kita bes eh, palagi tayong nagbobolahan!”

Nag-picture kami ni Stacey bago kami lumabas at pumunta sa Party.

May kainan, mga palaro, may kaunting inuman, at maaari kang makipagkwentuhan sa kung sino ang gusto mong makausap.

Sa gitna ng kasiyahan nakita ko si Mira na nakikipagsigawan sa isang grupo ng mga kabataan, ang saya saya nila. Nagchi-cheer sila para dun sa isang lalaki na umiinom ng alak.

Tinitigan ko ang mata ni Mira, ibang iba dun sa Mira na nakita naming umiiyak sa likod ng puno nung unang araw.

Bilib ako sa galing mo sa pagpapanggap Mira. Alam kong kakayanin ko ring magmukhang malakas sa mata nilang dalawa. Pero bago yun, sana kayanin ko munang makita sila ng magkasama.

“Huy! Tulaley ka nanaman! Tara kain na tayo dun!”

Sumali kami ni Stacey sa mga palaro, at nanalo kami ng Souvenier Items.

Habang lumalalim ang gabi, unti unti nang nagsisipagbalikan ang mga kaklase namin.

“Umuwi na rin tayo Stacey.”

Bumalik na rin kami ni Stacey sa Retreat House, pero bago pa man kami makapasok ng kwarto namin, hinawakan ni Stacey ang kamay ko at itinuro niya sa akin ang isang lalaki na halos hubaran na ang kahalikan niya. Nakita namin sila ni Stacey, sa maliit na siwang ng nakabukas na pinto sa tabi ng kwarto namin.

“Nako! Wag kang manuod jan! Rated SPG yan!” Bulong ko sa kanya.

“Hindi tignan mo kasi.” Titig na titig pa rin siya dun sa nangyayari sa loob.

“Kilala mo sila Stacey?”

Umiling siya.

“Yung lalaki hindi. Pero yung babae, diba si Mira yon?”

Nanlaki ang mata ko at nang matitigan kong maigi, nakumpirma kong si Mira nga iyon.

“A-anong ginagawa nila?”

“Hindi ko alam kung bakit tinatanong mo pa, eh obvious naman Faye.”

“Hindi, ano, ang ibig kong sabihin, bakit ginagawa yan ni Mira? Lasing ba siya?”

Hinatak na ako ni Stacey papasok sa kwarto namin.

“Lasing man siya o hindi, alam niyang mali iyon.”

Naramdaman kong mejo naiinis si Stacey sa nakita niya base sa tono ng pananalita niya. Siguro bumaba ang tingin niya kay Mira.

Pumasok na ako ng banyo para maglinis ng katawan. At pagkalabas ko ay sinalubong ako ni Stacey ng may pag-aalala sa kanyang mata.

“Hindi ka magiging ganon Faye. Hindi ka pwedeng maging ganon. Wag mong hayaang bumaba ang tingin ko sayo katulad ng ginawa ni Mira. Alam kong wala tayong kinalaman sa mga desisyon niya, pero hindi ko makita ang dahilan kung bakit niya kailangang gawin yun. Hindi ka magiging madumi dahil lang sa nasaktan ka Faye. Ako mismo ang magpapahiya sayo kapag naging sobrang mapusok at mahina ka tulad niya. Naiintindihan mo?”

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.

“Sinira na nila ang tiwala ko. Hindi ko na hahayaang pati ang pagkatao ko ay masira nang dahil sa kanila.”

The Art Of PanlolokoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon