Lesson 3: Words are just Words

29.3K 457 20
                                    

Lesson 3: Words are just Words

FAYE’s POV

Sorry, accepted. Trust denied. Nang makilala ko itong taong to, parang at a certain moment of my life ay na-program ako na sumunod at maniwala sa mga sinasabi niya. Siya yung taong too good to be true. Yung taong nagparamdam sakin na hindi mo kailangang maging maganda, mayaman, o kung ano pa man para may magmahal sayo ng totoo. Siya yung tipo ng taong sa sobrang gutom ay nagawa niyang kainin ang sarili niyang mga salita.

‘Ayoko sa manloloko. Ayoko sa plastik. Ayoko sa sinungaling.’ Totoo ba?

***

“Bes, uuwi ako ng probinsya sa bakasyon. Ikaw ba?”

Natulala na lang ako sa tanong ni Stacey. Isang linggo nalang bakasyon na. Ano nga bang gagawin ko sa bakasyon? Edi ano pa nga ba? Mga walang kabuluhang mga bagay na lagi ko namang ginagawa para lalong mapatunayan na wala akong talent at wala akong pinagkakaabalahang matino.

“The usual bes, tambay sa bahay.”

“Sus! Napakadami mong pwedeng gawin na may saysay. Gusto mo sumama ka sakin sa probinsya?”

“Ayoko, aalis sila Mama at Papa, walang kasama si Kuya sa bahay, baka pagbalik ko may hipag at pamangkin na ko.”

“Ang OA mo naman.”

“Basta.”

Tumayo na kami at nagpaalam na ko sa kanya. Mabilis na lumipas ang isang linggo, nakaalis na si Stacey papunta sa probinsya nila sa Bicol. Nakaalis na rin sila Mama, para sa Business trip nila ni Papa.

Ako naman, heto, pinapasakit ang ulo ko sa pag-iisip ng matinong bagay na pwede kong gawin sa loob ng dalawang buwan.

***

Kinagabihan, habang kumakain kami ni Kuya...

“Oh, anong balak mo ngayong bakasyon?”

“Hindi ko rin alam kuya. Ang sakit na nga ng ulo ko kakaisip.”

“Hmm. Kung ako sayo kapatid, gagawin ko yung bagay na hilig ko. Katulad ko, mahilig ako sa music, kaya this vacation magpa-practice kami ng Banda ko.”

“Sige kuya, pag-iisipan ko yan. Salamat sa advice.”

Tinulungan ko na si Kuya sa pagliligpit ng pinagkainan, pagkatapos ay isinara nanamin ang bahay at naghanda na sa pagtulog.

Hindi pa rin ako mapakali. Ayoko namang sayangin ang dalawang buwan ko sa pagtunganga.

Napalingon ako sa gilid ng kama ko at nakita ko yung pile ko ng libro. Pati yung mga notebook ko nung High School. Bakit ko nga ba nakalimutan yun? Mahilig nga pala akong magsulat.

The Art Of PanlolokoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon