Lesson 12: Let the Dog Catch the Mouse

18.2K 350 10
                                    

Lesson 12: Let the Dog Catch the Mouse

FAYE’s POV

“Ok! Faye, I dare you to drink this, bottoms up!”

Nag iinit ang buong kalamnan ko dahil dito sa babaeng katabi ko. Gusto ko siyang sikmuraan. Gusto ko siyang saktan hanggang sa magmakaawa siya sakin. Pero hindi ko kaya. Hanggang pagmamatigas lang ang kaya kong ipakita sa kanila.

Kinuha ko yung boteng inaabot sa akin at ininom ito nang hindi tumitigil. Ang tapang ng alak na to, ang sakit sa ulo, parang sinusunog yung lalamunan ko. Nasusuka ako, pero hindi ko pwedeng gawin yun. Hindi ako pwedeng maging mahina ngayon, hindi sa harap ng isang Charmaine Roxas.

Nang malapit ko ng maubos yung laman ng bote, narinig ko si Charmaine na tinawag si Ximon.

“Baby.”

Lalong nanginig ang buo kong katawan, napaubo nalang ako at ibinato ko na yung walang laman na bote. Hindi ko maiwasang tignan si Charmaine. Nandidiri ako sa kanya. Nandidiri ako sa pagkatao niya. Nandidiri ako sa kung paano siya kumilos na parang wala siyang ginawa sa akin na masama. Hindi ka tinatablan ng konsensyang babae ka. Sarap mong barilin.

“Angas non Faye! Okay next na!”

Pinaikot na ulit nila yung bote. Ramdam kong nakatingin sakin si Ximon.

“Oh! It’s Ximon’s turn! Truth or Dare?”

“D-dare.”

Tinignan ko siya. Napangisi nalang ako nang mapansin kong nabigla siya sa sinagot niya.

“Ok Dare daw! Hmm, I dare you na halikan yung babaeng iniisip mo ngayon. Halikan mo siya depende sa kung gaano katindi ang pag-iisip mo sa kanya.”

Tinignan ko si Charmaine na kilig na kilig, humarap pa siya ng bahagya kay Ximon. Habang si Ximon naman ay unti unting lumalapit sa direksyon ni Charmaine. Alam kong hindi ko dapat ito panuorin. Pero hindi maalis ang tingin ko sa kanila.

Malapit na sila—

“WOAH!”

Nilampasan ni Ximon si Charmaine at hinalikan ako sa noo.

Napasinghap ang lahat. Ako naman ay hindi rin makagalaw. Parang gustong kumawala ng puso ko at yakapin siya. Katulad ng naramdaman ko nung umalis siya noon at sinabi sakin yung ‘I love you too.’

Tinulak siya ni Charmaine atsaka ito tumakbo palayo.

“C-charmaine!”

Hinabol niya ang Girlfriend niya. Ako naman ay naghabol ng hininga. Nanikip ang dibdib ko sa ginawa niya. Ayokong isiping may pag-asa sa aming dalawa, pero aaminin kong natuwa ako sa ginawa niya. Iniisip niya pala ako.

“Base sa halik na ginawa niya, nag-aalala siya sayo.” Bulong sakin ni Homer.

“Kilig pempem si Faye.” Pagtukso pa ni Kush.

“Ewan ko sa inyo.” Hindi ko mapigilang mapangiti.

Nadako ang tingin ko sa daan kung saan sila pumunta. Masakit ba Charmaine? Tsk.

Itinigil na ang laro dahil sa nangyari. Marami na rin ang lasing at hindi na kayang uminom pa.

“Tara hatid ka nanamin.” Pagyaya sakin ni Homer.

“Hindi na. Dito nalang muna ako.”

Pinauna ko na sila, at tumambay muna ako sa may puno malapit sa Bar ni Tita Julie.

***

Nakaupo lang ako sa ilalim ng Coconut tree. Pinagmamasdan ang mga bituin. Naghahanap ng Constellations. Lasing na nga ako haha!

The Art Of PanlolokoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon