Lesson 2: Falls Easily
FAYE’s POV
Kung may natutunan man ako sa nangyari sakin kay Homer, yun ay walang pinipiling kasarian ang pag-ibig, kahit na sino may karapatang magmahal, kahit na sino may karapatang sumaya. Sapat na yung alam ng dalawang tao kung gaano sila kahalaga para sa isa’t isa.
***
Isang buwan nang umalis sila Homer, naging maayos naman na ang lahat, medyo nakaklimot na rin ako, pero mahirap pa rin pala talaga lalo na pag first time. Naiinis ako sa sarili ko dahil dati hindi ko naman inaalala tong mga ganitong bagay, hindi ko rin naman pwedeng sisihin ang pagkakakilala ko kay Homer, kasi best friend ko siya at masaya naman ako dun.
Siguro, nangyari yun sakin para matuto akong wag magmadali.
***
“Ma! Pasok na po ako! Ba-bye po!”
Nagkiss na ako sa pisngi ni Mama at lumabas na ng bahay, kaso hindi pa man ako nakakatatlong hakbang, may nabunggo na akong babae.
“Ay sorry po! Sorry te!”
Ngumiti siya sakin at sinabing Okay lang daw. Kaya ngumiti din ako sa kanya at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
“Bes! Nakita ko yon!” Lumapit sakin si Stacey at sinabayan na ko sa paglalakad.
“Nakita ang alin?”
“Yung kanina, yung kaengotan mo at nabunggo mo si Cindy Davis.”
“Sino naman si Cindy Davis?”
“Yung nabunggo mo kanina.”
“Yung nabunggo ko?”
“Oo, si Cindy—“
“Ayos nga Stacey! Tsk, oo na, nabunggo ko na yung Cindy Davis, pero sino ba yun? Paano mo siya nakilala?”
“Ano ka ba? Haha! Araw araw ka namang pumapasok pero hindi mo kilala ang nag top sa course natin last year? At I think magta-top nanaman siya ngayong taon.”
“Oh.”
Na-amaze naman ako dun, ang talino pala niya kung ganon. Bakit hindi ko siya kilala?
“Bes, bat hindi ko siya kilala?”
“Siguro bes lutang ka kay Homer non kaya hindi mo siya napapansin. Hindi naman ganun kasikat si Cindy, sadyang nakilala lang siya kasi kumalat mula sa mga classmates niya na siya nga yung nakakuha ng top average last year.”
“Wow. Ang galing naman niya.”
“I know right haha, tara na.”

BINABASA MO ANG
The Art Of Panloloko
RomansaStory Description: Walang sakit, walang thrill. Hindi ka pu-pwedeng mabuhay nang hindi nasasaktan. Hindi nasasaktan ng PAULIT-ULIT. Ganoon kalupit ang buhay. Hindi ka lang isang beses magiging tanga. Hindi ka lang maloloko ng minsan. Kadalasan mas...