Lesson 11: Dripping Hatred
XIMON’s POV
Bakit ko ba naaalala lahat ng pinagsamahan namin noon? Bakit ba siya pumapasok sa isip ko? Hindi maalis sa utak ko yung nakita ko kanina. It was a very intense kiss. Hindi ko inakalang magagawa ni Faye yun.
Aminado akong may parte sa puso ko na sobrang nasaktan sa ginawa niyang yun. Hindi yun yung Faye na nagustuhan ko noon.
*Flashback*
“Pahinga ka na ah, kita tayo bukas sa School. Goodnight Labs.”
“Goodnight. Ingat ka...”
Hindi ako aalis sa harap niya hangga’t hindi niya ako tinatawag na Labs.
“Ano pa? May kailangan ka ba?”
“Goodnight na LABS.” Diniinan ko talaga yung LABS, sana magets niya na.
“Goodnight na nga.”
“See you tomorrow LABS.”
Inlit ko pero, wala pa rin!
“Hay nako Slow, sige na nga matulog ka na.”
Lutang nanaman siya, kaya hindi niya makuha yung sinasabi ko. Pagod na siguro. Uwi na nga ako.
“Ok, ingat ka Labs. Bukas ulit.”
Weird. My heart actually skipped a beat. Napangiti ako at humarap, kaso papasok na siya.
“Na-gets naman pala. Haha!”
*End of Flasback*
Isang simpleng pag-uusap. Pero sa pagtawag niya sa akin noon ng ‘Labs’ aaminin kong napabilis non ang tibok ng puso ko. Kaya siguro hanggang ngayon hindi ko pa rin yun makalimutan.
“H-hindi na ba ako? S-si Faye na ba ang mahal mo?”
Nabalik ako sa katinuan nang marinig kong humihikbi si Charmaine. Tinignan ko siya. Magagawa ko pa bang pigilan ang pagmamahal ko sa babaeng to?
“Mahal kita.”
“Pero kanina, yung mga tingin mo kay Faye, yung pag-aalala mo sa kanya. Yung ginawa mong pagpigil sa kanya sa pagsama sa lalaki kanina. Nag-seselos ako Baby.”
Niyakap ko siya at pinatahan.
“Hindi mo kailangang magselos. Naging kaibigan ko din si Faye. Kaya ganun, pero maniwala ka, ikaw lang ang mahal ko Charmaine.”
Kumalma siya nang sabihin ko yun, kaya niyaya ko na siyang umuwi.
“Huwag mo kong iiwan please. Sa akin ka lang Baby.”
Tumango ako at hinalikan ko siya sa noo.
“Hindi mangyayari yun. Sayong sayo lang ako.”
Hinintay ko siyang makatulog. Nakatingin lang ako sa kanya, pero walang pumapasok sa isip ko. Alam kong mahal ko si Charmaine. Hindi ako malilito.
Nakatingin ako sa Girlfriend ko, pero ibang babae ang rumerehistro sa isip ko. Yung pakikipaghalikan ni Faye kanina. Alam kong hindi sila nung lalaking yun. Pero, b-bakit...
Napabuntong hininga nalang ako. Lumabas muna ako saglit para magpahangin, nakita ko sa ‘di kalayuan si Faye, kasama yung lalaking kahalikan niya kanina. Nakakapagtakang bahagyang kumirot ang puso ko. Alam kong hindi ko gusto ang nakikita ko. Ayokong magkasama sila. Ayokong may kasama siyang iba. Pero hindi ko naman siya pwedeng lapitan, dahil hindi nga siya yung mahal ko diba?

BINABASA MO ANG
The Art Of Panloloko
RomanceStory Description: Walang sakit, walang thrill. Hindi ka pu-pwedeng mabuhay nang hindi nasasaktan. Hindi nasasaktan ng PAULIT-ULIT. Ganoon kalupit ang buhay. Hindi ka lang isang beses magiging tanga. Hindi ka lang maloloko ng minsan. Kadalasan mas...