Lesson 13: The Faye I Know
FAYE’s POV
Tinignan niya ako ng sobrang sama na para bang anytime ay handa na siyang kalbuhin ako gawa ng labis na galit.
“O, tapos na kami dito, babalik na kami. Ikaw? May hangover ka pa sa away niyong dalawa?”
Sila Homer nandito na.
Lumayo na sakin si Charmaine, pero yung tingin niya ay hindi pa rin natitinag.
“Tignan natin ngayon kung paano ka makipaglaro Faye.”
“Hep hep! Awat na! Change location na! Sawang sawa na ang Bora sa sagutan niyo. Tsumupi ka na at uuwi na kami. Ang laki mong bara jan.”
Binato ni Charmaine yung hawak niyang bote at umalis na.
“Anong problema non?” –Kush
“Baka hindi 7.50 ang Ariel sa kanila Asawa ko.” –Homer
Hindi ko pinansin ang biro nilang dalawa. Sa halip pinanuod ko lang si Charmaine na maglakad palayo.
Hindi siya hahayaan maging ganyan ng Boyfriend niya. Yun ay kung sila pa.
“Uy Faye, tara na.”
Sumakay na ako sa kotse at nag-umpisa ng magdrive si Homer pabalik ng Manila.
Tulala lang ako sa bintana nang magsalita si Homer.
“They broke up.”
“H-ha?”
“Naghiwalay na sila Ximon at Charmaine. Remember last night? Hindi nalusutan ni Charmaine yung nakita ng Boyfriend niya, kaya nakipaghiwalay sa kanya si Ximon.”
“Kaya naman pala galit na galit nanaman siya kay Faye.” –Kush
Napangiti ako, ano namang pake ko sa galit niya? Ang mahalaga nasaktan siya.
***
“Masaya ka talaga?” Tanong sakin ni Stacey nang magkita kami.
Kakatapos ko lang ikwento sa kanya lahat ng nangyari sa Bora.
At yan ang tanong niya nung sinabi kong natuwa akong naghiwalay na sila Ximon at Charmaine.
“Hindi porket break na sila, ay mapupunta na sayo si Ximon.”
Uminom ako ng Juice atsaka ko siya sinagot.
“Alam ko, ayoko rin namang mapunta siya sakin dahil sa nangyari. Baka sipain ko siya pa-outer space pag ginawa niya yon.”
“Ganun? So bakit ka masaya?”
“Kasi nga break na sila. Ibig sabihin, yung galit na yun ni Charmaine, nangangahulugang nasaktan siya ng sobra sa nangyari.”
Sumandal siya sa upuan niya at nagbasa ulit ng Magazine.
“Hindi ko alam kung anong dapat mong ikatuwa ngayong lumaki lang lalo ang gulo niyo.”
“Alam mong hindi ko kasalanan kung bakit sila naghiwalay. Kasalanan yun ng kalandian at katangahan niya.”
Natawa siya sa sinabi ko at hinampas hampas pa ako sa braso.
“Huwow! Nagsalita ang hindi tanga.”
Napabungtong hininga nalang ako at iniwas ko ang tingin ko kay Stacey.
May isang buwan pa ako mahigit para sa bakasyon. Maaga ring nakauwi si Stacey dahil gusto niya daw akong salubungin para magpakwento.
“Kinamusta ko siya.”
![](https://img.wattpad.com/cover/3214581-288-k922010.jpg)
BINABASA MO ANG
The Art Of Panloloko
RomanceStory Description: Walang sakit, walang thrill. Hindi ka pu-pwedeng mabuhay nang hindi nasasaktan. Hindi nasasaktan ng PAULIT-ULIT. Ganoon kalupit ang buhay. Hindi ka lang isang beses magiging tanga. Hindi ka lang maloloko ng minsan. Kadalasan mas...