Prologue:
“Pang ilang beses na ba to Stacey? Nakakainis na eh!” Kumuha si Faye ng tissue, at marahas itong isinaksak sa dalawang butas ng ilong niya.
“Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang nagpapakatanga? Jusko Faye, ilang beses na kitang pinagsasabihan, pero palagi mo akong pinapaandaran ng, ‘Totoo na to Stacey!,’ ‘Siya na talaga,’ ‘I can feel it!’ Aba leche! Tignan mo ngayon? Iiyak-iyak ka nanaman dyan! Nako Faye, magsawa ka naman sa pagiging tanga.” Inirapan si Faye ng kaibigan.
“Teka! Hindi ko naman sinasabi yung mga yun ah! Atsaka late ka kaya laging nag-aadvice!”
“Ay hindi ba? Edi sorry haha! Better late than never ano ka ba.”
“Ang tanga-tanga ko! And I freaking hate it damn much!” Bulyaw ni Faye.
“Wala tayong magagawa, wala pang gamot sa katangahan.”
Napasinghap silang dalawa.
“Walang gamot sa katangahan, maliban sa tunay na pagmamahal.” Sabay nilang sabi.
Yumuko na lamang si Faye sa lamesa habang napapailing si Stacey sa katangahan ng kaibigan sa pag-ibig.
Habang nakasubsob ang mukha sa lamesa, napagtanto niyang muli nanaman siyang naloko ng lalaking akala niya ay mamahalin na siya ng totoo, kaya’t itinuloy ni Faye ang paghagulgol.
‘Ganito nalang palagi, maiinlove ako, maloloko, masasaktan ng todo tapos iiyak ng wagas kay Stacey. Daig ko pa ang sirang plaka dahil sa paulit-ulit na nangyayari sakin.’
Sa ika-apat na pagkakataon, si Faye Abueva, ay nabigo nanaman sa pag-ibig.
Tumingala ang dalaga, at tinignan nito ang kaibigang si Stacey na umiinom ng juice sa tabi niya. Tinanggal na rin niya ang tissue sa ilong niya.
“Ano?” Tanong ni Stacey.
Ngumuso si Faye at inilapit ang mukha sa kaibigan.
“Pangit ba ko Stacey?”
“Hindi ka Artista Faye, hindi porket broken hearted ka ay gagayahin mo na ang linyahan nila sa pelikula. Hindi yan ang tanong. Isa pa, wag mo ng alamin, masasaktan ka lang ulit.”
Dahan-dahang tumango si Faye at iniba ang direksyon ng paningin.
“Ok, hindi naman ako pangit. Pero ba’t ganoon?!”
Bumuntong hininga siya at nag-umpisang magbilang sa kanang kamay.
“Na-hulog ako sa isang gwapong bakla, nadala sa matatamis na salita ng tomboy, naloko ng isang babaeng nagpanggap na lalaki, online, at pinaasa ng lalaking mahilig magpakilig.”
Nanlaki ang mata ni Stacey at napatigil ito sa pag-inom. Hinampas niya ng malakas ang balikat ni Faye.
“Nahampas pa ko ng kaibigan ko. Masakit kaya Stacey!”
“Bes! Look!”
Itinaas ni Stacey ang kamay niya, kapantay ng lebel ng mukha ni Faye.
“Naloko ka na ng, girl, ng boy, ng bakla at tomboy--!”
“So anong sinasabi mo jan? Maloloko rin ako ng butiki at baboy? Ganon?!”
Muling sumandal si Stacey sa kanyang upuan at uminom ulit ng Juice.
“Hindi naman. Wala lang, napansin ko lang, akala ko amazing yung naisip kong yun, may rhyme kasi. Girl, boy, bakla, tomboy. Ano bang malay natin haha!”
“Pamura bes, isa lang.”
Napatawa nalang si Stacey, dahilan para mapangiti na rin si Faye.
***
BINABASA MO ANG
The Art Of Panloloko
RomanceStory Description: Walang sakit, walang thrill. Hindi ka pu-pwedeng mabuhay nang hindi nasasaktan. Hindi nasasaktan ng PAULIT-ULIT. Ganoon kalupit ang buhay. Hindi ka lang isang beses magiging tanga. Hindi ka lang maloloko ng minsan. Kadalasan mas...