Lesson 4: Take the Risk

26.7K 396 8
                                    

Lesson 4: Take the Risk

FAYE’s POV

Sa huling pagkakataon, sinubukan ko. Umasa nanaman ako, pinilit kong wag mahulog agad, sinubukan kong maglaro, pero hindi ko pala kaya. Hindi ko pala kayang pigilan ang sarili kong wag siyang magustuhan.

Last na talaga to, huling pagsugal ko na to sa pesteng pag-ibig na yan. Huli ka na, Ximon Fajardo.

***

Si Ximon Fajardo ay ka-batch namin ni Stacey, magpinsan sila. Magkaiba nga lang kami ng Course. Pero nag-take siya ng dalawag units sa course namin, kaya ko siya nakilala.

Mabait si Ximon, maginoo at seryoso. Minsan mo lang siya makikitang ngumiti sa harap ng ibang tao kaya naman para kang tatakasan ng hininga pag nakita mo yung phenomenal smile niya. Hindi naman sa pagmamalabis pero gwapo naman talaga siya. Yung simpleng gwapo ba? Mapapansin mo yun pag nakasama mo siya.

Hindi siya yung tipo ng taong mabarkada, siguro kasi dahil yun sa matalino siya. Kaya niya ng mag-isa, hindi niya kailangang dumepende sa iba.

Medyo close sila ni Stacey, dahil sila lang yung magpinsan na nag-aaral sa syudad. Matagal ko na siyang kilala pero ngayon ko lang siya nakakasama talaga dahil nga sa magkaklase kami sa ibang subjects.

“Oh, uwian na? Tara hatid ko na kayo.” -Ximon

Habang naglalakad may nadaanan kaming nagtitinda ng Fishball at palamig.

“Bilang mayaman naman ako at mabait, ililbre ko na muna kayo ng merienda. Sige na kumuha na kayo.”

Nagkatinginan nalang kami ni Stacey at sabay kaming kumuha ng stick.

"TUHUGAN NA!" -Stacey

"Libre mo to Ximon ah, sabi mo yan!" Tinapik ko sa balikat si Ximon.

Ay? Kinilig ako? Bat ganun?

Kumuha kami ni Stacey ng fishball, kikiam, squidball, tokneneng at gulaman. Ganun talaga pag libre. Masarap kumain.

"Aba'y grabe naman pala talaga. Alam niyo bang bente pesos nalang ang pera ko dito?" -Ximon

Nilabas niya yung coin purse niya at tinaktak yun sa harap namin ni Stacey. Nahulog ang apat na tig lilimang pisong barya.

Inabot niya yun kay Manong.

"Oh Manong, kita mo naman. Todo na yan. Singilin mo tong dalawang matakaw na to. Sibat na ko!"

Kumaripas ng takbo si Ximon, hinabol siya kaagad ni Stacey. Kaya naiwan ako para bayaran yung kulang. Kainis, akala ko libre. Hay nako!

Hindi ko na sila sinundan, inenjoy ko na lang tong pagkain ko.

"PHEW!"

Napatigil ako sa paglalakad at ganun din sa pag-inom ng gulaman nang biglang sumulpot si Ximon sa harap ko. Pawisan at hingal na hingal.

"Grabe! Kabayo talaga yong babaeng yun! Ang bilis tumakbo! Painom ako ah?"

Hindi pa ako nakakasagot kinuha niya na yung gulaman at uminom DUN SA STRAW NA INIINUMAN KO DIN. Jusko mahihimatay na ata ako dito! Nag- indirect kiss kami!

Naubos niya yung Gulaman, tapos nakita niya si Stacey mula sa malayo kaya nanlaki ang mga mata niya. Bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinatak ako. Tumakbo kami ng tumakbo.

"Tara Faye! Dali! Haha takasan natin yung kabayo!"

Natawa nalang ako habang pilit na tinatago yung kilig ko.

Crush ko talaga si Ximon.

Nakarating kami ni Ximon sa tapat ng bahay ko.

"Oh, sige na! Pumasok ka na. Pasensya ka na pinagod kita ah, pinagbayad pa kita kanina. Bawi na lang ako sa susunod. Bye Faye!"

The Art Of PanlolokoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon