Lesson 15: Clark Chen

21.5K 431 18
                                    

Lesson 15: Clark Chen

FAYE’s POV

“Baby Girl! Baba na! Breakfast na!”

“Opo opo!”

Chinarge ko na ang phone ko, tapos bumaba na para kumain.

“Anong niluto mo Kuya?”

“Yung Favorite mo ano pa ba?”

Naglagay na siya ng mga plato sa Table. Lumapit na rin sila Mama at Papa.

“Kumpleto ba yan?”

“Oo naman Baby Girl.”

Nilagay niya na yung mga pagkain,

“OMG Kuya, this is so perfect. I love you talaga! Kumpletong kumpleto!”

Present lahat ng part ng dream meal. Sinangag, tuyo, scrambled egg, kamatis at itog maalat. Samahan mo pa ng mainit na kape.

Nag-pray na kami at kumain.

Tinulungan ko si Kuya sa paghuhugas ng plato. At pagkatapos ay umakyat na ako ulit para maligo.

Kumakanta kanta pa ako sa banyo. Iba talaga ang nagagawa ng pagkaing may pagmamahal. Nagiging normal na masaya ang araw ko.

Pagkatapos kong maligo ay chineck ko yung phone ko.

Kinabahan ako sa 5 missed calls at 10 messages na galing lang sa iisang number. Kay Lex.

Pagkabasang pagkabasa ko palang nung unang text niya ay nagmadali na akong mag-ayos.

From: Lex Boyfie ni Bessy

‘Faye! Dinala si Stacey sa ospital, ang taas kasi ng lagnat niya kagabi sabi nila Tita, hinimatay siya kanina bago sila mag breakfast. Punta ka daw dito sa ******* Hospital, hinahanap ka ng Best friend mo.’

Pagkababa ko, nakita ko si Lex na nakaupo na sa Sofa namin.

“Goodmorning! Hindi ka kasi nagrereply at sumasagot sa mga tawag ko kaya pinuntahan na kita.”

Kiniss ko na agad sila Mama at hinatak na si Lex palabas.

“Pakisabi kay Stacey Get well soon!” Pahabol pa ni Kuya.

Dala ni Lex yung motor niya kaya doon na kami sumakay.

“Kapit maigi. Papatayin ako non pag may nangyaring masama sayo.”

“Oo na! Dalian mo nanginginig na ko dito sa pag-aalala.”

***

Nakarating kami sa Ospital nang wala pang 15 minuto. Tumakbo na ko papasok.

Pero hinatak ako ni Lex.

“Easyhan mo lang Faye! Ayos na siya. Bumaba na yung lagnat niya. Mag-stay nalang siya dito until afternoon. Wag ka na mataranta. She’s fine. Natatakot ako sa paghi-hysterical mo eh.”

Kumalma ako ng kaunti dahil sa sinabi niya. Hindi mo ko masisisi. Importante sakin ng sobra yung babaeng yun.

Pumasok na kami sa Room 501. At nakita ko si Stacey na kumakain ng favorite niyang Koko Crunch habang nanonood ng Spongebob Squarepants.

“Lagnat lang ang nangyari sayo! Pero ako aatakihin sa puso sa sobrang pag-aalala! Anong kagagahan ang ginawa mo at tumaas ng ganon ang lagnat mo ha?!”

“Now Listening to, Sermon ni Faye Abue—“

Hindi ko na siya pinatapos at niyakap ko na siya.

“Bwisit ka. Akala ko kung ano nang nangyari sayo.”

“Yung Pagkain ko matatapon. Mag-aaway tayo promise.”

The Art Of PanlolokoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon