Lesson 5: Fall and Break
FAYE’s POV
"Uy Faye! Kamusta yung Assignment mo sa Bio? Medyo nalito ako dun sa number two eh."
Habol ni Ximon sa akin.
"Ay oo nga eh. Ako rin nalito."
"Tara sabay na nating gawin. Tara sa Lib--"
"Tapos ko na eh. Nalito ako pero may nahanap akong basis sa book kaya nasagutan ko. Mauna na ko Xi ah, may gagawin pa kasi ako sa Faculty eh. Una na ko Xi." Ngumiti ako sa kanya sabay tinalikuran ko na siya at mabilis na naglakad paakyat ng Faculty.
"Oh nandito ka nanaman. Ginawa mo nanamang dahilan tong faculty para makaiwas dun kay Ximon."
Tinignan ko ng masama si Cindy na nakadungaw pa sa baba. Tinitignan niya si Ximon, pero ako ang kausap niya.
Lumapit nalang ako sa table nung last professor namin at inarrange yung mga scores sa quiz.
"Anong dinahilan ka jan? May pinapagawa talaga si Ma’am Vargas sakin dito. Tsaka hindi ko siya iniiwasan."
Nilampasan ko na si Cindy at nagtuloy na lang sa ginagawa ko. Kaso wala pang sampung segundo ay napatigil at napaisip nanaman ako.
Walang awat si Ximon sa pagpasok sa isip ko. Ingat ka jan, baka makulong ka. Dumiretso ka pa sa puso— ang korni, I know.
***
Kinabukasan, pagpasok ko sa Cafeteria, natanaw ko si Ximon na pasubo na ng burger. Gusto ko pa sana siyang panuoring kumain kaso nakita niya ako, at tumigil siya sa pagkain. Tumayo siya at balak pa ata akong lapitan. Kaya bago pa man siya makalakad ay lumabas at tumakbo na ako palayo.
Nasa tapat na ako ng Library nang biglang may tumalon sa likod ko.
“ANAK KA NG--!”
Nanlaki ang mata ko nang takpan ni Ximon ang bibig ko, napatingin ako sa loob ng Library. Ang sama ng tingin sakin nung Librarian.
“Ssshh! Wag ka maingay, haha, sisigaw ka pa, gusto mo bang madala sa Guidance Office?” Bulong sakin ni Ximon.
“Eh mokong ka eh, bakit ka tumalon sa likod ko? Paano kung sumubsob ako sa sahig ha?”
“Edi sumubsob haha, kaso hindi ka naman sumubsob, kaya wag ka na magalit.”
Pinanlisikan ko siya ng mata tapos nag walk-out na ko. Hinabol niya ako at hinawakan niya ako sa pulso.
“Bakit?” Kunwari’y naiirita kong tanong.
BINABASA MO ANG
The Art Of Panloloko
RomanceStory Description: Walang sakit, walang thrill. Hindi ka pu-pwedeng mabuhay nang hindi nasasaktan. Hindi nasasaktan ng PAULIT-ULIT. Ganoon kalupit ang buhay. Hindi ka lang isang beses magiging tanga. Hindi ka lang maloloko ng minsan. Kadalasan mas...