39: THIRTY NINE

16 2 0
                                    


D.O's PoV ( 4pm )

" Teka ano ba ang nangyari at nalaman mo na myembro ako ng Mafia Lux? "

Nang tanungin ako ni Venirie, naalala ko kung pano ko nalaman ang lahat tungkol sa kanila.

- Flashback - ( 2pm )

Tahimik kaming naiwan sa room.

Uwian na pero wala pa rin sina Remo at Venirie.

Langya naman oh, saan ba niya dinala si Venirie.

Kanina ko pa sila kino contact pero laging yung operator yung sumasagot.Tsk.

May kanya kanyang ginagawa ang mga kasamahan ko at yung apat na babaeng naiwan dito.

Sina Lay at Cerie ay nagbabato bato pick at kung si Lay matalo may batok siya mula kay Cerie at kung si Cerie ang matalo, i ki kiss niya si Lay sa pisngi.

Si Kris at Jemirie naman ay tahimik lang na nag uusap habang magkaharap sila.

Si Chanyeol at Chen naman ay nagpapakitang gilas sa harap ni Lemirie.

Si Suho naman nangungulit kay Glenirie pero si Glenirie, nakatingin lang kay Tao.

Yung iba naman ayun at natutulog na.

Hindi pa bumabalik sina Sehun at Luhan kaya siyam na lang kaming lalaki dito kasama yung apat na babae.

Maya maya nag alarm yung phone ko at alam na nila ang ibig sabihin non.

Dahil ngayon yung underground transaction, nagpaalam na kami sa apat na babae at nauna na kaming umalis para pumunta sa isang party na dadaluhan ng iba't ibang Mafia Group.

Dumaan kami sa branded boutique shop para magpalit ng tuxedo tyaka kami dumiretso sa hotel.

Nandito na kami ngayon sa hotel kung saan may underground transaction na magaganap mamayang alas syete ng gabi.

Well hindi pa naman namin kilala ang Mafia Lux kaya nagulat nalang kami nung pinakilala sila.

Apat silang babae na naka maskara dahil masquerade ang theme ng party.

Nung makita namin sila parang kilala ko na agad sila.

Ewan ko ba kung bakit parang sumama ang kutob ko bigla.

Siguro gutom lang ako kaya napagpasiyahan kong kumuha ng pagkain sa buffet table ng may mapansin akong dalawang babae na mukhang masayang masaya na nag uusap sa gilid lang nung buffet table.

Kaming tatlo lang ang tao dahil ang ibang bisita ay nag iinom.

" Ang saya nila kanina ah, ang sarap tuloy barilin nung mga mukha nila."

" Don't worry Sherry, ang EXO mismo ang gagawa nun sa kanila mamaya kaya maghintay ka lang haha"

Napahinto ako sa pagkuha ng pagkain ng marinig ko yun.

Kami? Sino naman yung tinutukoy nila na babarilin namin ang mga mukha?

" Bilib na talaga ako sayo Deni, sobrang galing mong magplano.."

" Dapat lang yun sa Mafia Lux na yun lalo na sa leader nilang si Mariah Venirie Rouge Lux, kawawa naman siya dahil siguradong ang pinakamamahal niya pang si BaekHyun ang papatay sa kanya hahaha."

Nung marinig ko yun agad agad akong umalis na hotel at pinuntahan ang beach house nina Remo na medyo malapit lang dito dahil magbabakasakali akong baka dun dinala ni Remo si Venirie.

THE EXO MAFIA  AND THE RIE GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon