55: FIFTY FIVE

9 1 0
                                    


Femmy's PoV ( 1pm )

" What the hell are you doing here!? "

" Sinong nagpapasok sayo dito? "

Sabi ng mga pogi na hindi ko kilala.

" Wag kayong mag alala. Nandito siya para tulungan tayong alagaan yung bata. Wala naman tayong alam sa pag aalaga kaya kaylangan natin ng mag aalaga sa kanya." Pagtatanggol saken ni Chanyeol.

Haissst! Napaka pogi talaga ng prince Charming ko!

" Tara na Bloom, ihahatid na kita sa magiging kwarto mo para maayos mo na ang mga gamit mo."

Ngumiti ako sa kanya, Oh my Gosh! Kinikilig talaga ako kapag tinatawag niya akong Bloom..

Tahimik na rin akong sumunod baka mamaya, mag beastmode eh .

--

" Kuya Shanyeol yoko sakanya! " batang babae na parang pamilyar saken.

At teka ang sabi ba niya ayaw niya saken? Excuse me baby girl, kaya ko tinanggap ang trabaho na to ay dahil nandito sa Palasyong ito ang prinsipe ko!!!

" Baby Sei, that's bad. Siya si ate Bloom aalagaan ka niya.." Prince Chanyeol ko na sobrang pogi Oh my!

" Yoko Ate Broom! "

Huh!? Broom!? Hindi ako walis!

Naku pasalamat ka bata ka!

Ayoko namang makasuhan ng child abuse!

Grrr! Okay aalagaan ko siya para mapansin ako ng prince Charming koooo~

" Baby Sei, aalis kasi kami. Si Ate Bloom lang maiiwan dito. Promise uuwian ka namen ng Jolibee! Diba gusto mo yon? "

" Opo! Jayibee!!! ".

--

Nakaalis na sina Prince Channy, kaya naman heto ako at naiwan dito sa pasaway na bata.

Binantaan pa nga ako ng iba na kapag gumawa daw ako nang hindi nila magugustuhan, Im dead! Huhu buti nalang at pinagtanggol na naman ako ng aking Prince Channy! Oh my Oh my!

" Bakit mo love love damit kuya Shanyeol? ".

Lokong bata to, pati pagyakap ko sa damit ni Prince Channy napapansin.

Iniwan ko muna yung bata, saglit lang naman.

Naglalakad ako sa hallway ng may marinig akong tunog ng takong na papalapit sa direksyon ko.

" Dumating na ba si BaekHyun? Ugh!! Bakit ba lagi na lang siyang wala dito!? ".

Teka parang kilala ko ang boses na yun ah!?

Mabilis akong nagtago ng dumaan sila sa hallway.

Tama nga ako! Si Deni at si Sherry Liz!? Close na pala sila?

At teka, bakit sila nandito?

" Ikakasal na nga kayo pero hindi mo naman siya masolo, that's so absurd."

" Gusto mo bang laslasin ko yang leeg mo ha!? Manahimik ka na nga lang! Lalo akong nanggagalaiti sa mga pinagsasabi mo! "

Nag rolled eyes lang si Sherry Liz.

Wala na sila pero nakatago parin ako.

Tahimik akong umiiyak dahil nasasaktan ako kapag naaalala ko yung pag iwan nila saken.

Napatigil ako sa pag iyak ng may humatak ng laylayan ng dress na suot ko.

Napalingon ako pero wala namang tao.

THE EXO MAFIA  AND THE RIE GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon