67: SIXTY SEVEN

4 0 0
                                    


FEMMY'S POV

"Mahal kita Chanyeol, gagawin ko lahat mapunta ka lang saken..."

Kinuha ko ang mga gamit ko at tinawagan si Majesty.

"Handa na po ang lahat, maaari na po kayong pumunta."

Ibinaba ko na ang cellphone na hawak ko at tuluyan ng lumabas kasama si Seisei.

Venirie's POV

Tahimik akong nakaupo dito sa isang bench malapit sa Amusement Park na pinuntahan namen dati ni BaekHyun.

Masaya naman kami dati, pero ngayon hindi na. Hindi ko naman magawang mahalin si D.O katulad ng pagmamahal niya saken. Paano ba siya kalimutan. Nahihirapan na ko.

Tinawagan ako kanina ni Femmy at sinabi niyang pumunta ko dito dahil may importante daw siyang sasabihin.

Alas sais na ng gabi. Maya maya tumunog ang ringtone sa cp ko.

"NASA AMUSEMENT PARK KA DIBA? PUMUNTA KA DITO SA FERRIS WHEEL. MAY IPAPAKITA AKO SAYO"

Hindi ko kilala ang tumawag pero narinig ko na ang boses ng babaeng yun.

Pumunta ako sa sinabi niyang lugar di kalayuan sa pwesto ko at inikot ang paningin ko. Ngayon ko lang napansin na walang tao ang lugar na to.

May umiiyak na bata akong narinig sa itaas ng ferris wheel. At hindi ako maaaring magkamali,

 Tumingala ako at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"SEIRIE!" Nangangatog kong sabi habang nakatutop sa aking bibig.

"Oh? bakit ganyan naman ang pagsalubong mo sa anak mo?" Ang walanghiyang si Empress ang nagsalita.

Buhay pa siya?

"Hayop ka wag mo idamay ang anak ko dito! " sabi ko habang gustong puntahan ang anak ko na nakatali ang mga kamay habang hawak ni.....

" Femmy!?" di ako makapaniwala ng makita ko siyang nakaakbay sa anak ko.

Umikot ang ferris wheel at ng tumapat sila Femmy sa gate upang makalabas sa ferris wheel.

Kahit may tali tumakbo si Seisei sa diresyon ko. Pero iba ng kutob ko na gagawin nila.

" Wag ka ng magulat Ven, a traitor is always a traitor. Kung mahal mo pa ng buhay ng anak mo, sagipin mo siya kung kaya mo." Pagkasabi nun ni Femmy ay nanlaki ang mata ko ng iumang niya ang hawak niyang baril sa direksyon ng tumatakbong si Seisei at binaril niya sa likod ang anak ko.

Napahinto sa pagtakbo si Seisei at tuluyang bumagsak sa harap ko.

" Seirie!!!!!!!!!!" paglapit ko sa anak ko ay pinagbabaril ako nila Femmy.

Nakayakap ako sa anak ko habang dinaramdam ang sakit ng tama ng bala sa aking katawan.

Nakarinig ako ng mga putok ng baril.

" ANONG GINAGAWA MO DITO CHANYEOL, MAPAPAHAMAK KA! " narinig kong sigaw ni Femmy habang unti unting nawawalan ng malay.

--

CHANYEOL's POV

Kasalukuyan akong nagpapahangin dito sa labas ng Lux Palace. Iniisip ko kung anong magandang iregalo kay Lemirie. Nahahabag ako sakanya dahil di na sya kinakausap ng maayos ng mga kasamahan niya.

THE EXO MAFIA  AND THE RIE GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon