7: LOU VENIRISSE ROUGE LUX

31 3 0
                                    


Unknown's PoV

" Bwisit na BaekHyun na yun! Nakakainis! "

" Pasensya na po Majesty, hindi ko po siya napatay." Sabi ng tauhan kong si Sherry.

Ang tanga kasi!

" Oo na lumayas ka sa harap ko dali! "

May araw ka rin saken BaekHyun Crest Byun.Humanda ka.

--

Mavie's PoV( 6am )

- After 1 month -

Napamulat ako bigla dahil napanaginipan ko na naman sina Mama at si Seisei.

Isang buwan na ang nakalipas pero parang kahapon lang yung nangyari.

Maingat akong bumangon dahil baka magising si Shelmin sa tabi ko.

" A-ahh." Mahina kong daing dahil sa mga sugat at pasa sa katawan ko.

Isang buwan na rin mula nang makidnap kami ni Shelmin.

- Flashback - 11pm

Hindi matanggap ng sistema ko ang buong pangyayari.

Nandito kami ni Shelmin nakahiga sa isang kama.

Pinatulog kami ni Ate Cory dito sa bagong bahay na inuupahan nila.

Walang natira sa mga gamit namin dahil lahat yun natupok ng apoy.

Huli na nung dumating yung mga bumbero natupok na yung dalawang bahay na magkatabi.

Hindi ko na rin napansin na kamukha ni Xiumin yung naghatid kay Shelmin dito.

Yung Gwapo naman sinigaw sigawan ko at pinaalis ko.

- Flasback - ( naalala niya to habang nagpa Flashback siya)

" Bakit ba pigil ka ng pigil saken! Ikaw may kasalanan nito eh! "Sigaw ko habang hawak na naman niya ang braso ko.

" What? Why me ? "

" Kung hindi mo ko kinidnap edi sana kasama nila akong nasunog! Lumayas ka nga sa harap ko! "

Tapos ay tinulak tulak ko siya kaya sumakay siya sa kotse niya paalis.

- End of flashback -

Lumabas ako ng bahay nila Ate Cory para magpahangin.

" Ate bakit ka lumabas? Tyka bakit ka umiiyak? "

Nagising na pala si Shelmin.

Hindi ako nagsalita kaya niyakap niya ko.

Umiiyak ako ng may humintong gray na van sa harap namin tapos ay tinakpan ng panyo ang ilong namin ni Shelmin tapos ay nawalan na ko ng malay.

Nagising ako nung may sumipa ng malakas sa pisngi ko.

" Gising ayoko ng tatamad tamad! ". Sabi ng isang lalakeng malaki ang katawan.

" Bakit po kami nandito? ". Takot na tanong ko ng mapatingin ako kay Shelmin na sinipa din sa mukha.

" Nandito kayo para maging Mafia Assasins! Kapag hindi kayo pumasa sa mga pagsubok, mamamatay kayo! ". Sabi ng isang maganda at seksing babae.

- End of Flashback -

* Ting ting ting ting ting !*

Pinunasan ko ang luha ko ng makita kong bumangon na si Shelmin.

THE EXO MAFIA  AND THE RIE GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon