26: TWENTY SIX

26 3 0
                                    


2 days later..

Kai's PoV ( 8am )

Naaalala ko na, na nakita ko nga pala sina Alrie at Edrie sa Palace nun.

Bakit ngayon ko lang naalala?

Epekto siguro nung matigas na bagay na tumama sa batok ko.

Pero bakit nila pinasok yung Palace? At isa pa nawawala yung access card ko para makapasok sa Palace.

Nung nasa bar nga pala ako. Nalaglag siguro sa upuan ko yun nung tumayo ako at sundan ko si Alrie.

Naguguluhan tuloy ako.

Kalaban kaya namin sila?

Dapat hindi muna ako magpahalata na may naalala ako, siguradong hindi na matutuloy ang plano nila kapag nagkataon.

Sumandal ako sa tinataguan kong poste.

Kasalukuyan ko kasing sinusundan si Alrie.

Yung panliligaw ko kasi sa kanya ay HINDI totoo.

Oo may nararamdaman ako para sa kanya, pero hindi ko kayang isakripisyo ang buhay ng mga kaibigan ko para lang sa nararamdaman kong ito.

At isa pa, may mahal kasi akong iba, si Deanna. Siya pa rin kasi ang itinatangi ng puso ko.

Ginagawa ko lang to dahil gusto kong maging close kami ni Alrie para masabi niya saken ang plano nila sa amin.

" Why you are following me? " Nagulat ako dahil paglingon ko ay nakatayo na si Alrie sa tabi ko.

Ngumiti ako sa kanya.

" Na mi miss na kasi kita bilog.." Sabi ko pa sa kanya at inakbayan siya.

Namula siya, bilog kasi ang tawag ko sa kanya dahil sa mahilig siya sa bilog na bagay.

Actually kahapon nagkita kami sa mall at nag date ay hindi pala date yun dahil sinamahan ko siyang mag grocery.

" Stop calling me 'bilog', i hate it." Sabi niya tyaka naglakad palayo.

Sinundan ko pa rin siya dahil papasok na siya sa room namen.

Akala ko kasi may mga pinaplano silang gawin kaya kunwari ay sinusundan ko siya dahil baliw na baliw ako sa kanya.

Ang hirap kasing suyuin nitong babae na to eh.

Parang tigre kapag kinakausap.

" Bilog! Hintayin mo ko! "

--

Luhan's PoV ( 2pm )

Nakaupo ako at pinagmamasdan si Edrie sa kabilang side ng mga upuan kung saan sila nakaupo.

Gumagawa kasi sila ng Thesis nila. Kami kasi hindi na kailangan mag aral, sila nag aaral talaga.

Ang ganda talaga niya.

" Matunaw yan dude," Si Sehun sa likod ko.

" Sensya na tol, in love lang.." Sabi ko kay Sehun at sumulyap uli kay Edrie.

" Okey class, I need your thesis next week and then Finals at 3rd week of this month. So all you have to do is to review everyday. That's all, class dismiss " Yung prof sabay labas na ng pinto.

" OH EM! Malapit na pala ang hell week natin." Boses ni Cerie.

" Oo nga eh hay, wala na naman tayong pahinga.." Venirie

THE EXO MAFIA  AND THE RIE GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon